Frustrated

784 79 6
                                    

Ecka's POV

Mataman na nag-aayos lang ako sa Condo habang tinitingnan ang ilang schedule na binigay sakin ng Manager ko. Napatingin ako sa kalendaryo sa tabi ng ref, birthday ko na nga talaga. Tumatanda na 'ko kailangan ko ng anakan si Belle.

Speaking of, pinipilit ko na lang ipakitang okay pa 'ko sa harap ng mga kaibigan namin. Mag-aapat na araw na kasi akong hindi kino-contact ni Belle, alam ko busy 'yon sa trabaho nya sa Canada. May araw din talagang hindi kami nagkakausap dahil sa schedule namin pero hindi naman umaabot ng gantong katagal. Sa limang taon na paghihintay ko, parang unti-unti na 'kong nakakaramdam ng pagod. Aminin na  natin, kahit naman gaano mo kagusto yung tao mapapagod at mapapagod ka lalo na kapag araw-araw mo syang hindi nakikita o nahahawakan.


Ayokong umabot sa puntong 'yon lalo na't malaking kawalan sakin si Belle. Kasama ko syang bumuo at umabot ng pangarap, pero sya kaya?Kailan ko maaabot? Nanlalambot kong kinuha ang cellphone kong nakapatong sa table sa living room at sinilip kung naisipan na ba nyang i-message ako pero mukhang bibigyan ako ng Diyos ng malungkot na bertdey ngayon ah.

Napahinga na lang ako ng malalim saka ako umiling kasabay non ang pagtunog ng phone ko kaya naman sinagot ko na.


"Yes po?Sir Andi?"

"Ecka, I'm sorry. I know it's your birthday at alam kong may sarili ka ding plano mamaya. Pero sad to say na puno hanggang 9pm ang schedule mo today." napaawang naman ang labi ko. Anak ng tupangina, nakapangako na 'ko kala Gabb e.

"Ha?Bakit po?Sir Andi, beke nemen. Nakapangako na 'po kasi ako sa mga kaibigan ko na magse-celebrate ako kasama sila pagdating ng gabi." kamot ulong sagot ko habang iniintay ang response nya.


"I know. You told me that, kaso something more important came." sikreto na lang akong napairap sa kawalan. Parang ang sarap magsisi na naging sikat na singer ako ah, mga 1 minute na pagsisisi lang.


"Gaano ka-importante po yan at humabol pa sa schedule ko?Hanggang 9pm pa?Ano na lang pong magiging pahinga ko nyan." medyo inis na sabi ko. Alam ko namang tatawanan nya lang ako.


Halos magtatatlong taon ko na ding Manager si Sir Andi at parang Ama ko na sya dito sa Manila at alam kong anak na din naman ang turing nya sakin pero parang ang sarap manakal ng manager ngayon ah.


"Sobrang importante, mas importante pa sa mga kaibigan mo." okay. Kaasar yung part na 'yon kaya pinatayan ko na lang sya saka ko inis na dinampot yung bag ko sa couch at lumabas na ng unit.


Krazy morning, wala manlang ka-good good.




Bweiby

Liked by JemC, GuinevereMuse and 6,826 others

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Liked by JemC, GuinevereMuse and 6,826 others

Bweiby   Ang aga-aga mukhang may sisipain ako ah.

View all comments

SSILara  Eh pano, ang aga-aga mong magtiktok. Pasabi-sabi ka pa ng sabay tayong kumain sa labas ng umagahan, ano 'yan?Pritong tiktok sa umaga?GUTOM NA KO OBRI!

Bweiby replied to SSILara
Tapos na sana ako kung di ka epal. Oh ano?Isa pang tiktok bago tayo kumain,ang magkamali sasaksakin.

SSILara replied to Bweiby
Maglakad ka papuntang building nyo, alis na 'ko.

MsShekinah   Suntukan na yannn!

GuinevereMuse   Kasuhan mo 'yan Lara, child abuse. Di ka pinapakain sa tamang oras eh.


Bweiby replied to GuinevereMuse
Hindi namin kailangan ng Abogago.



Sanaol, kasama jowa sa bahay. Sanaol Labrei, sanaol Giaphant, sanaol Seby. SANAOL BELLE. Limang taon na 'kong nagsasanaol anak ng tupa, when kaya.


Paglabas ko ng building mabilis kong sinuot yung shades ko saka ako tumakbo sa sasakyan ko. Hell yeah, sikat na tayo ngayon kaya importante bawat kilos. Paano ko ba naabot lahat 'to?Eh sa pagkakatanda ko nangongopya pa nga ako ng Midterms nung Highschool, nakakamiss ding makipagbardagulan sa daan sa Encarnasion. Ayain ko ngang umuwi ng probinsya sina Lara sa susunod.


Tahimik at kalmado lang ang pagdadrive ko papunta sa Studio ng bigla na namang nag-ring ang cellphone ko. Buti naka suot ako ng wireless earphone na naka-connect sa phone ko kaya walang problema kung sasagutin ko.


"Anoanoano?" sunod-sunod na tanong ko.


"Nagpabook ng hotel si Gia kung san tayo magse-celebrate ng birthday mo mamaya." hindi naman halatang excited si Lara sa kabilang linya.


"Lang, may bad news ako."


"Hindi ako natanggap ng bad news, gagawin nating good news 'yan." napatawa naman ako ng mahina habang iniikot ang manibela.


"Seryoso ako gagi, full schedule ko ngayon hanggang alas-nuebe. Kabadtrip si Sir Andi." narinig kong tumahimik sya kaya naghintay ako habang tinatahak ko din ang daan papunta sa Studio.



"Hindi problema 'yan. Edi 10pm tayo magkita-kita."



"Edi hindi makakasama si Marsela, gabi na masyado ayaw pa naman non iniiwan sina Avi kasi alam nyo naman delikado tayo kay Justin ngayon. Speaking of, kamusta kaso?" hindi ko alam kung bakit may pa-epic comeback pa 'to si Justin.


Gusto nya 'bang sumunod sa Kuya Josh nya?Kung ganon lang din naman, hindi na kami magbabaon ni Gia ng lubid para talapidin sya. Itutulak na namin sya ng diretso pababa.



"Nagpasimula ako ng searching investigation at saka maya't-maya ko ding kinakamusta sina Sela sa kanila. Okay din naman yung mga bodyguards na galing kay Sir Guia, kaso isang problema nga yung hindi natutulungan nina Nice si Sela sa bahay. Andon nga si Ate Aya kaso umaalis din minsan kasi sinisilip yung business nila sa ka-Maynilaan, sa ngayon nandon na naman si Gia since nagtatrabaho si Ella tapos walang magawa si Tanga nagbabantay sya ng pamangkin at inaanak nya." natawa kaming dalawa sa sinabi nya.



Iba talaga bumawi si Gia. Parang noon lang pasimuno namin yan sa paghahanap ng chix sa Gym, ngayon isa na syang rich Tita Ninang. Sorry na lang sa mga bata, pinapanindigan ko kasi yung title ko bilang Bitch Tita kaya lagi ko silang pinapaiyak. Maliban kay Yve, amp ang tatag ng emosyon ng batang 'yon. Ang hirap paiyakin.



"Try ko na lang takasan yung huling Schedule ko. Send mo sakin yung address ng hotel punta ako agad."



"Yan, tama yan maglaho ka bigla. Ingat ka papuntang building nyo."


Ngumiti na lang ako bago ko patayin yung tawag.



Tatakas talaga ako Sir Andi, manager ka lang. Ako ang bida, emz sana di ako pagalitan bukas hehehe. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at tumakbo naman sakin agad ang ilang bodyguards na nakaabang na dahil kitang-kita ang madaming fan na nakapila sa labas ng building.



"Kitain nyo daw po muna si Sir Andi sa 13th floor tungkol sa huling schedule nyo ngayon." anas nung isa na napakalaki ng katawan at talaga namang secure na secure ako hanggang makapasok na kami sa building.

'Manila Girls'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon