I woke up to the sound of my phone falling on the floor. I probably fell asleep when scrolling down my news feed. Cynthia, 23, may hitsura (pero hindi sapat, haha), matalino, mabait na hindi masyadong halata, may pagka-weird; mainstream personality; so far from perfect.
"Pakshet, ang sarap ng tulog ko tapos masisira lang dahil nahulog yung cellphone ko?! Ilabas si hustisya."
Wala na akong choice kung hindi ang bumangon ng kama, eyes half-closed, hair still in a messy bun. Hinang-hina ako. Humiga ulit ako pero saglit lang kasi ang sakit sa mata ng sikat ng araw. I picked up my phone and checked what time it was. 7:38 am.
"No big deal. It's Sunday and I'm FREE." I thought.
5 Facebook notifications. Na-curious ako. Wala naman akong pinopost so imposibleng likes and comments yun. Nung binuksan ko yung FB app, 1 friend request, 2 messages and 2 notifications. I always open the friend request first but not today. Mas na-curious ako sa messages. Nang makita kong yung DP ni Ashley, best friend ko since 3rd year high school, maganda, mayaman, ne se kenye ne eng lehet, total opposite ko, nagising ako ng kaunti.
"Cyn, punta ka ba mamayang gabi?"
Humikab muna ako.
"Saan? Anong meron?"
'Tapos binuksan ko yung second message galing sa manliligaw ko na hindi na ako tinantanan kahit na ilang beses kong i-seenzone.
"Sa reunion ng batch natin," reply ni Ashley.
"Meron ba?" Napakamot ako sa ulo.
Ang tagal bago niya mag-reply. Hindi naman matagal, mga 5 minutes lang bago siya ulit naka-reply pero matagal na rin yun para sa akin. I closed my eyes again and thought what could have driven me this tired. Ding! Ashley:
"Hay, naku. Check mo nga noti mo."
I did what she said kahit hindi naman ako excited sa reunion na 'to. High school ang pinakamasaya at pinakamasakit para sa akin. And I don't wanna go any further. Past is past.
Still rubbing my eyes, I opened my notifications. And to my surprise, as in surprise, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, "Batch 2003-2004 JG High Reunion, Drex is coming."
Drex, ex ko. May Facebook pala siya? Hindi ako in-add? Btw, ang landi ko, yeah? High school pa lang may boyfriend na, lol. Anyway, Drex, 7 years na since huli ko siyang nakita. Kumusta na kaya siya? Ang tanong ko habang nakatitig sa kama kong magulo.
"Ah, shit. Bakit ba kailangan pa naming mag-reunion..."
Nagmadali ako sa bathroom at tumingin sa salamin.
"At least you look better than you did back then." Ang sabi ko sa reflection ko.
"Gosh! Hindi ka nagpalit ng damit? Ew, ligo; maligo ka! Kadiri!" Bad memory, ano kayang ginawa ko kahapon at ganito ang hitsura ko.
Ding. Ashley: "CYN, ANO!? PUPUNTA KA BA?!
Kilala ko yang so Ash, kapag caps lock na, kailangan na niya ng matinong sagot.
"Ash naman, si Drex, he's coming. Parang ayaw ko naman atang makita ulit yun."
"YOU'RE COMING WHETHER YOU LIKE IT OR NOT. I'm coming over for a make over."
"K."
"K my ass."
"Bye na, liligo lang ako."
"K."
"K my ass." I sent her, smirking.
BINABASA MO ANG
My Mr. Almost
Teen FictionTwo high schoolers named Cynthia and Drex fell in love and were separated when Drex's parents decided to move to the US for a better living. 7 years later, in an alumni night, the both of them crossed paths with each other again. Cynthia, still in l...