"Wow," Ashley complimented my amazing, glamorous look. "Cyn, ang ganda mo."
"Magaling yung stylist ko eh," I smirked. "Matanong ko lang: reunion ba talaga ang pupuntahan natin? Para kasing binyag eh."
It turns out na binili pala ako ni Tita Miranda, Ashley's mom, ng white dress. It was simple, with laces underneath and was so perfect for the night. Exposed nga lang ng masyado yung curves at bum ko. And the rest of my look is shouldered by me: accessories and shoes. A necklace that I got from my 18th birthday and tiny earrings which came in black para maiba naman.
Sigh, naalala ko na naman si Drex. Ngayong nasa Pilipinas na siya, parang minamaligno ako ng bittersweet naming nakaraan. Sa bawat bagay na naiisip ko, he tends to pop up. Naka-move on na ba talaga ako? We'll know tonight.
One of the most nakakakilig moments namin ni Drex ay ang promposal niya. Ikaw ba naman ang ipagmalaki sa buong school ng taong mahal na mahal mo :) Ka-video chat pa nga namin yung parents niya habang nagpo-prompose siya sa akin eh. It was almost like a wedding proposal. CHARAUGHT.
"Neither," Ashley answered, winking. "Mundo ng second chance ang pupuntahan natin."
"Ewan ko sa'yo," patawa kong sabi. "Tara na nga."
#
I'm standing at the school's entrance and thinking, ohmygod, nasa JG High na ulit ako after so many years!!! I must blame adulthood for not being able to visit my Alma Mater --- everybody's busy.
Okay, maybe I am thankful na natalo ako doon sa Flappy Bird challenge ni Ashley. Grabe talaga, ang laki na ng pinagbago ng school. Yung gate kung saan ako hinihintay ni Drex dati eh wala na dahil nilipat ng bagong principal yung parking lot doon. Fuck, Drex na naman. Pero kahit nag-transform na siya physically, feel ko pa rin yung masayang environment dito. Overflowing yung sayang nararamdaman ko, omfg!!!
"Girl," Ashley was in awe. "Totoo ba lahat ng nasa harapan ko ngayon?"
"I know the feels, Ash," I agreed. "Can't wait to go in!"
We ran to the hall in excitement. Mas maraming tao na ang pumapasok and I'm starting to feel really frustrated kasi at any given moment, pwedeng magkita na ulit kami ni Drex. But as for now, babatiin ko muna yung mga friendships ko nung high school. As expected, may dala silang jowa. At kung may expected, meron din namang unexpected. Hindi ko talaga in-expect 'to --- the most innocent girl of our batch is pregnant with her mortal enemy's child. Baka nga totoo ang happily ever after, hindi lang sa amin ni Drex.
"CYNTHIA!" the preggy Anne approached me. "So glad to see you!"
Rubbing her stomach, I welcomed, "Congratulations, Anniekoy! Ninang ba ako ni Junior?"
"Oo naman, Cyn," sabi ni Paul, asawa ni Anne, na parang si Ashley --- kung saan-saan sumusulpot. "Hi, babe."
In fairness, cute silang couple at makikita mo sa mga mata nila na hindi nila kayang mabuhay without each other's company. Love is when somebody completes you, ganyan ko ilalarawan ang mag-jowang ito. Sino ba namang mag-aakala na sa kabila ng kagaguhan ni Paul noong high school ay kay Anne, na medyo may pagka-high maintenance, siya babagsak. Buti pa sila.
"Eh, kayo ni Drex?" ang tanong ni Anne. "Kailan niyo balak magka-baby?"
GAWD, ANNE! BAKIT?!?!?!
"Babe," of course Paul knows what happened, tropa siya ni Drex eh. "Babe, 7 years ng walang sila."
Binulong pa, naririnig ko naman.
"Ah, ganun ba?" Anne regretfully said. "I'm sorry, Cyn."
"No, don't be."
OF COURSE YOU SHOULD BE, ANNE. NAKAKAINIS KA. KUNG HINDI KA LANG BUNTIS, NASABUNUTAN NA KITA. SINO BANG GUSTONG MAIWAN? SINO BANG GUSTONG MAKARAMDAM NG PANGUNGULILA? SINO?!?!?!
Buti na lang at dumating na si Ashley at hinala ako palabas doon sa mag-asawa. Ang awkward na kasi eh. As usual, I wondered where she'd been. Sana naman, once and for all, hindi niya ako iwan ngayong gabi. I'm afraid the encounter with Anne will happen not just once, but multiple times. Hindi ko naman kasalanan kung bakit peymus kami ni Drex dati XD; but kasalanan ko kung bakit bitter at affected pa rin ako.
Bakit nga ba? I know na naka-move on na ako pero there's something sa pagbabalik niya na inaabangan ko, at hindi ko hahayaang matapos ang gabi na 'to hangga't hindi ako nakakahanap ng sagot.
Kausap ni Ashley yung dati niyang manliligaw and I'm alone na naman. Destined ba na palaging akong iwanan?
To make things look a little less odd, pumunta ako doon sa Flashback booth sa may stage, nagbabakasakaling makakakita ako ng mga memorable pictures.
Memorable pictures nga. Lalo na't ang kauna-unahang picture na nakita ko ay kaming dalawa ni Drex as prom queen and king noong fourth year. Nakakaiyak makita na yung taong you once shared happiness with is the reason why you're lonely now.
Dammit, umiiyak nga ako. HINDI BA NILA ALAM ANG NANGYARI?!
HINDI ITO ANG CYNTHIAng KILALA KO!!! HINDI UMIIYAK SI CYNTHIA SA PARTY!
Ayaw tumigil ng luha ko, parang sirang gripo yung mga mata ko. Why must you do this, Drex? Bakit mo ako iniwan?!
Lord, sana sobrang busy ang lahat para hindi nila ako makitang umiiyak over an old photo of me and my ex. WOW, 'me and my ex' --- ang samang pakinggan.
Shit, nagpa-panic na ako kasi baka on the way na si Drex or baka nga nasa likuran ko pa eh. Hindi niya akong pwedeng makitang pangit kahit alam kong nasanay na siya sa pagmumukha ko. Kailangan kong mag-retouch.
Papunta na sana ako ng washroom ng may tumawag sa akin ng Ia.
YUP, IA. SI DREX NA 'TO.
Nanlaki ang mga mata ko at feeling ko tumigil ang lahat: ang oras, ang mga boses ng tao, ang lahat. Mismong ako hindi makagalaw sa kinatatayuan ko habang nag-e-echo yung boses niya sa ulo ko.
"Ia!" Drex called and I could feel his hand on my wrist.
Malambot pa rin ang kamay niya. Lumalim ng kaunti ang boses niya. 'Ia' pa rin ang tawag niya sa'kin. Isa na lang ang hindi ko alam --- how does he look like now?
Of course I need to turn around to know the answer pero ayaw ko. Something told me not to.
However, he made me face him. My eyes met his ever charming eyes. For a moment, we were staring at each other at nagthe-threadmill na naman yung puso ko.
Standing in front me is Drex, as large as life; Drex, my Mr. Almost.
BINABASA MO ANG
My Mr. Almost
Teen FictionTwo high schoolers named Cynthia and Drex fell in love and were separated when Drex's parents decided to move to the US for a better living. 7 years later, in an alumni night, the both of them crossed paths with each other again. Cynthia, still in l...