1 - Lezt

0 0 0
                                    

WG Series 1: "Lezt" Lyttezia Pontines

________________________________________________________________

Chapter 1
________________________________________________________________

~ WG's Village ~

• Living Room •

"Lezt! Tulongan mo ko!" sigaw ni Samy sa akin habang pinag-tataguan ang galit na galit na si Joy. Ano na naman kayang prank ang ginawa ng babaeng 'to? I look at Joy's appearance hmmm, wala namang ganun.

"Baboy ka talaga Samy! Halika sabi dito wag kang magtago sa likod ni Lezt!" gigil na saad ni Joy at sinusubukang madakip si Samy pero ang galing ni Samy kasi nakaka-iwas siya. Napapa-iling nalang ako sa dalawang 'to. We've been best friends ever since sumali kami sa group ni Raine sa WG o Wicked Goddesses. It's not a gang pero parang ganun na rin kasi sumasali rin kami sa mga gangfights pag- bored kami sa pag-aaral. Raine was the one who offered her hand to me sa araw na ginawa ko ang revenge ko kay Calie Ephron. You remember her? Nandun siya sa prologue. Anyways, bumubuo pala si Raine noon nang intelligence group or more like Agent Organization at pumipili siya ng mga tao. At lucky ako kasi sinali niya ako sa WG.

WG or Wicked Goddesses is a secret organization na tumutulong sa kaayusan between businessmen' at sa mga mafia's sa pamamagitan ng pagiging information collection organization. We never sided to anyone at hindi rin kami nag-tra-trabaho sa kanila well mostly we accept some jobs pero sinisiguro namin na safe kami at walang backlash na mangyayari. Raine isn't a leader but more like a big sister kahit na mas matanda kami ni Xanne kanya. Raine's past was completely hell at sobrang complicated nang sinabi niya iyon sa amin nang mabuo na ang WG's.

Matagal na kaming nakapag-graduate dahil sa tulong-tulong kaming anim sa bawat brain development. Ilang beses pa kaming napapa-jump ng grade level dahil sobrang attentive at competitive ni Meir kay Raine. Pero hindi naman nagseselos si Meir sa achievements ni Raine dahil alam niyang isa yun sa mga gifts na natanggap ni Raine sa kabila ng Hell na kinalakihan nito. We all want Raine to be happy pero una yun ay tuturuan namin siyang maging masaya. Okay na nga ngayon si Raine eh kasi naiiba-iba na niya ang genuine smile sa smirk, fake smile, sly smile, etc. smile. Para kasing alien. Hahahaha!

Hayyy, balik muna tayo sa dalawang 'to na hanggang ngayon ay naghahabolan parin. Mga aso't pusa talaga.

"Okay, enough na. You are making me dizzy" bulyaw ko sa dalawa.

"Siya kasi e-" sabay pa nilang sambit dalawa.

"Ano na namang nangyayari dito, aber?" saad ng bagong dating na si Meir. May bitbit pa itong computer at naka-suot ng glasses. Hula ko busy to sa shedules namin or mission assignments.

"Meir!" sambit ni Samy. Napa-tss nalang si Joy.

"Sino ngayong month, Meir?" tanong ko. Wala kasi ngayon sina Xanne at Raine at nasa foreign country sila ginagawa ang private missions nila. Naiwan naman kaming apat dito. And I'm bored too. May iba pa ba kaming trabaho besides being an agent? Yes, but it's sooo low profile.

"Lezt kanina kapa tinatawagan ng agent mo ahh" saad nito.

"I don't agree sa chakang fashion show na yun. Tine-threaten pa ako" ismid ko. Yup! I am a damn model. S-class model pa nga kaya maraming mga sluts na pumapalibot sa akin kapag nasa trabaho ako. Nakakarindi. Eww, germs. Kung nandito sina Raine at Xanne ngayon those two will give those lotus sluts bomb para mawala na sa mundo.

"Hahaha, sabi na kasing 'wag ka ng sumali-sali sa entertainment world eh. Full of stress" reklamo ni Samy at prenteng naka-upo habang nilalamon ang chocolates 🍪. Napailing nalang ako. Dalawa ang foodie sa magkakaibigan ko siya at si Raine Alien. *smiles*

"Blegh! Eii~ kakataas balahibo talaga yang trabaho mo Lezt. Maging teacher kana lang kaya? Diba yun naman yung gusto mo noon?" saad ni Joy

"Pwede ring maging assistant kita— what? Bakit ganyan kayo maka-tingin?" napa-tingin kaming tatlo sa gawi ni Meir. Assistant? E baka mas ma stress pa ako sa scientist na to e! Gosh, ilang beses na may mangyaring pagsabog sa lab niya. Good thing mayaman ang bruha dahil sa siya ang manufacturer ng mga armas at bomba at sa army but that's a secret.

"No things Meir. Magpapabugbog nalang ako kay Joy keysa maging assistant mo. Tustado buhay ko." Naka-ngiteng saad ni Samy nito.

"Boba! Talagang bubugbugin kita makikita mo rin. Ibalik mo na kasi yung poster ko!" Saad ni Joy. Kaya pala galit tong si Joy. Poster pala kinuha. Hahahaha. Adik kasi ang dalawang to sa Koreans. Me? Slight lang, hehe.

Ringg

Ringgg

"Hello?"

[Letty! Asan kana ba ahh! Wag ka ngang irresponsible. Madami namang ibang projects na babagay sayo bakit ipandadamot mo pa! Nakaka-letse kang babaeng ka! Pumasok ka dito ngayon din!] Agent

"Mm" 🙄😒 Damn you gurang! Kung nasa harapan kita ngayon deads kanang bruha ka! Kainis!

[Magsalita ka nga! Wag ka ngang parang bata na nag-iinarte! Geez, pinapasakit mo ang ulo ko! Mag-resign ka n—]

I hate this old slut! Resign ahh? Hmm, alright pagbibigyan kita.

"Wait—" damn you talaga! Siya pa nag hang up?!😤

"Stop laugh kayo! Walang nakakatawa! Hmp!"

"Sorry, sorry! Bwa-hahahaha"

"Lezt hahaha gra-haha grabe yung agent hahaha mo! Hahaha! Ikaw pa pina-resign?"

"Pati ba naman ikaw Joy you'll laugh at me?"

"Pft- di... Di ako pft-natatawa. Ehem"

"I'm leaving na nga!"

"Lezt!" Napalingon ako kay Meir at nasalo ko yung usb na tinapon niya. Tapon tapon talaga?

"Special Mission para sayo sabi ni Raine. Its yours Lezt" seryosong saad ni Meir. I look eye to eye with her. Di na kailangan pang e-explain ang misyon na to. Napahigpit ang hawak ko sa usb at tumalikod na palabas sa HQ. I took out my keys at sumakay sa sasakyan ko na isa sa high-tech inventions ni Meir.

My hands are cold. My face is red hindi dahil sa embarrassment kundi sa poot at galit.

Finally!

I will catch you murderer! Wait for Devil Princess to put you on your Dark Cage.

WG Series 1: Devil PrincessWhere stories live. Discover now