34

76 9 0
                                    

I'll Live With You #2: SATZU part 34

Tahimik na pumasok ang mama ni Sana matapos silang makita na halos magkalapit. Sumisikip ang dibdib nito habang papasok sa bahay.

Naiiyak na tumingin si Sana kay Tzuyu. Puno ng takot at kaba si Sana dahil sa nakitang reaksyon sa mama niya.

Sana: T-tzuyu....

Tzuyu, for the first time felt so bad about her. He touched her shoulders.

Tzuyu: Go inside. You need to talk with your mom.

Nanginginig na tumango ito. Parang sasabog ang puso niya dahil sa nerbyos. Tumalikod siya rito at pumasok sa gate.

Alam ni Sana na walang magagawa si Tzuyu sa kanilang sitwasyon. Unti unti na siyang pumasok sa bahay at nadatnan ang mama niyang nakatalikod at mahahabang hininga ang binubuga nito.

She's holding a half empty glass of water and spilled some on their glass table. Sana can't seem to speak a word....to call her mom and explain what she witnessed.

She can hardly utter a word. How will she start explaining? How can she explain what her mom saw?

Before she open her mouth, her mom spoke and stern voice filled her ears.

S's mom: May relasyon ba kayo ni Sir Tzuyu?
Sana: M-ma....

Lumingon ito at halata sa mukha nito ang pagkabigla sa nakita.

S's mom: Wag na wag kang magkakamaling masinungaling sa akin Sana.
Sana:Ma...uhm...

Dahil sa sobrang hindi maipaliwanag na pakiramdam, bumuhos ang luha ni Sana. She's too frustrated of herself that she barely say a word.

Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari.

S's mom: Sumagot ka

Mangiyak ngiyak siyang tumango bilang sagot. Panay hikbi ang namumutawi sa kanyang labi dahil sa kabang nararamdaman.

Her heart is about to burst because she can't take how devastated her mom is.

S's mom: Binalaan na kita anak. Hindi ka pwedeng makipagrelasyon sa hindi natin kalebel. Anak, makapangyarihan ang pamilya ni Sir Tzuyu...hindi mo alam kumg anong klaseng tao sila.

Napahawak sa noo ang ina at napapakagat labi sa inis. Hindi nito mailabas ang galit niya dahil sa nakita. Kahit kailan ay hindi niya sinigawan ang mga anak niya kaya naman nahihirapan siya ngayong makipag usap kay Sana dahil sa bugso ng nararamdaman niya.

S's mom: At ano ang nakita ko kanina? Sana naman...bakit sa labas pa kayo nag....tsk

Sana bawled when her mom can't finish her sentence. Nilapitan niya ito at niyakap.

Sana: Sorry Ma....h-hindi na mauulit....sorry ma....sorry...
S's mom: Makipaghiwalay ka sa kanya.

Napahiwalay siya ng yakap at tumingin sa ina.

Sana: M-ma....

Hinawakan nito ang kanyang balikat at tinitigan ng mabuti. Sinusubukan nitong wag magtaas ng boses sa harap ng anak niya.

S's mom: 'Wag niyo ng ituloy ang relasyon niyo...kapag nalaman ito ng papa mo, hindi siya mapapakali. Alam mo naman ang ugali ng papa mo. Hindi yon titigil hangga't hindi kayo tumitigil. Pinagbigyan ka na namin sa pagboboyfriend mo ngayong college ka na...pero isang kundisyon lang ang binigay namin. Wag mo sanang baliin 'yon anak. Gusto lang naman namin na nasa mabuting kalagayan ka kapag nakipagrelasyon ka.

Her lips trembled as she listen to her mom. She's afraid she can't take their condition. She's already in love with Tzuyu...and they want her to break their relationship.

Nagsisimula palang sila....ngunit may hadlang na.

Sana: M-ma....mahal ko na si Tzuyu....

Napapikit sa inis ang mama niya at binitiwan ang pagkakahawak sa balikat. Tumalikod ito't humawak sa mesa bilang pansuporta.

Parang wala na itong lakas para magsalita kaya nanahimik nalang ito at kinimkim ang nararamdaman.

Sana, while sobbing, hugged her mom from behind. She felt sorry for breaking their only condition.

Sana: Ma...pangako. Aalagaan mo ang sarili ko at pangakong hindi ko hahayaan na may gawin sila sa akin....please Ma...h-hayaan mo muna kami ni Tzuyu....pangako, mag iingat kami...

Umiling iling ang mama niya kaya mas hinigpitan niya ang pagkakayakap at hinilig ang ulo sa likod nito.

Basang basa na ang damit nito dahil sa luha ni Sana. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya. Basta ang alam niya....ayaw niyang mawala si Tzuyu sa kanya.

Hindi niya kayang makipaghiwalay.

~

Chae: Balita ko may sakit si Sana? Anong ginawa mo dun?

Napalingon siya rito't nilapitan.

Tzuyu: May sakit siya?

Nabigla si Chaeng dahil sa boses nitong may halong pag aalala.

Chae: Nag aalala ka sa kanya?

Tzuyu blinked comtinously and looks like it's a bull's eye.

Tzuyu: Just tell me, is she sick?
Chae: Oo, hindi daw siya nakapasok dahil may lagnat siya. Naikwento lang ni Mina

Napasandal siya sa sofa at tumingala. Sana's sick...is it because of what happened yesterday?

Chae: Ano bang nangyari sa kanya? Alam mo ba?

Nanahimik nalang siya. Lumilipad ang isip niya. Halo halong ideya ang umuukupa ng utak niya. Ano bang nangyari sa loob ng bahay nila? Ano bang nangyari at nagkasakit ito?

Tzuyu: I need to see her.

Bigla nalang siya tumayo at umalis na ikinabigla ni Chaeng.

Chae:Hoy!

Tzuyu stormed out off his room and hurruedly leave his house. Paglabas niya ng gate nila, may nakita siyang maskuladong lalaki sa labas.

Man: Ikaw ba si Tzuyu?

Kumunot ang noo niyang hinarap ito.

Tzuyu: Yes. You are?

The man took a step forward and he's getting closer to him.

Man: Ako ang papa ni Sana. Maaari ba tayong mag usap?
Tzuyu: S-sana's....dad?

To be continued....

Luh! Meeting Sana's dad!😱😱

I'll Live With You #2: SaTzuWhere stories live. Discover now