11

101 10 0
                                    

I’ll Live With You #2: SATZU part 11
 
“Kapag gusto mo siyang makita kahit ilang segundo lang, o kahit malayuan kontento ka na. Kapag nagselos ka na, ibig sabihin ay may nararamdaman ka na sa kanya.”

Wala sa sariling naglalakad mag isa si Sana sa hallway papasok sa kanilang building. Paulit ulit ang mga sinabi ng mama niya sa kanya kagabi.

It keeps ringing in her ears and her heart is racing as she continue to think of that.

Sana: Gusto ko na ba talaga siya? Pero hindi naman ako ganun kaattract sa kanya? Paano ba kasi dapat? Ano ba dapat maramdaman ko? Hayst. Nakalimutan ko na ang pakiramdam ng may crush.

Huling crush niya pa yata ay elementarya palang siya. Nakalimutan na din niya ang pangalan ng crush niya dati. Bakit kasi wala siyang nagustuhan noong high school? Iyon pa man din ang sinasabi nilang ‘best school years’.

Sana: Parang baligtad yata ang pagsisipag ko? Dapat high school ako lumandi, hindi ngayon. Tsk.

Nakarating na siya sa room nilang sarado pa. Nakaupo sa sahig ang kanyang mga kaibigan at halatang napaka-exciting ng usapan.

Sowon: Sana! Nandyan ka na pala. Halika at ikukwento ko sayo ang nangyari kahapon.

Umupo rin siya sa sahig at inayos ang palda.

Sana: Sorry nga pala at di ako nakareply kahapon. Wala kasi akong load.
Sowon: Okay lang, gusto ko lang ibalita ang nangyari.
Yuju: Sana pala hindi ko sinundan si Eunha kahapon edi sana nakaharap ko din ng malapitan si Tzuyu.
Eunha: So kasalanan ko pa? Malay ko bang hindi naman pala ganoon kalala ang emergency na sinabi ng yaya ko.
Sowon: Wag na kayong mag away. Ito yung nangyari. Iiklian ko nalang.
Yuju: Game!

They listened intently as Sowon started to tell the story.

Sowon: Nang makaalis si Sana, sinabi ni Kuya Chaeyoung na bagay daw kami ni Tzuyu dahil parehas kaming matangkad. Syempre nahiya naman ako kaya kunwari di ko gusto pero sa loob loob ko sasabog na ako sa sobrang kilig. Tapos sabi pa niya ibigay daw sa akin ni Tzuyu yung number niya. Sa una hindi pa sumunod pero kalaunan kinuha niya yung phone ko! So ayun, nakuha ko number niya at tinext ko na kagabi.

Yuju: Nireplyan ka ba?
Eunha: Anong sabi mo?
Sowon: Hindi nga ako nireplyan e.

Napangiti sa loob si Sana. Teka? Bakit ba siya natuwa doon?

Sowon: Inaya ko siyang mag aral sa library bukas. Kasi nga Saturday.

Tahimik lang si Sana sa buong pag uusap. Her mind is celebrating for Tzuyu not replying on Sowon’s text.

~

Nagturo si Sir Bang Chan kaya ganado si Yuju at Eunha habang siya ay ilang pa rin sa nangyari sa parl. Bakit ba di siya makamove on dun?
 
After his class, Bang Chan call her. Nagpaiwan nalang siya sa mga kaibigan niya at nagpunta sa harapan. Nang wala ng tao doon, saka nagsalita ito.

Bang Chan: Are you free tomorrow?
Sana: Sir?
Bang Chan: May sasabihin sana ako bukas sayo.
Sana: Bakit po di ngayon?
Bang Chan: We’re at school. At may klase pa ako.
Sana: Uhm…sige po.
Bang Chan: This is my number. You can go.

May ibinigay itong maliit na papel kung nasaan nakasulat ang bagong number niya. Nagpaalam na ito matapos kunin ang papel at ibinulsa.

Paglabas niya sa silid, nakita niya sa tapat si Tzuyu na nakasandal sa pader, parang may hinihintay. Napahinto siya sandali ngunit naglakad agad palayo.

Tzuyu: I sent another request.

She stopped walking and looked at him. Naglakad ito papunta at nakaramdam siya ng kaba.

Hindi niya alam kung kaba dahil papalapit siya rito o dahil sa mga makakakita sa kanila na fan ni Tzuyu at mabato na naman siya ng libro sa ulo.

Either of the two, her heart is beating so fast. She felt the anxiousness.

Tzuyu: I want you to accept that in front of me.
Sana: Wala akong load.
Tzuyu: May free Wi-Fi sa university, bakit dika comonnect?
Sana: Low battery ang phone ko.
Tzuyu: Wala ka na bang ibang excuse kaya ang babaduy ng sinasabi mo?
Sana: Tzuyu, pwede ba? Tigilan mo ako utang na loob.
Tzuyu: Gusto mo ba talagang tigilan kita.

Natulala siya sa sinabi nito. Titigilan talaga siya nito? Matutuwa ba siya kung hindi na siya papansinin ni Tzuyu?

Sana: Uhm..o-oo
Tzuyu: Then, accept my request and I’ll stop pestering you.

Naglakad na palayo si Tzuyu at sinundan lang niya ito ng tingin. Nang mawala siya sa paningin niya, kinuha niya ang phone na may 79% battery life.

She opened her Wi-Fi and automatically connected at university’s Wireless Fidelity.

Nagnotif agad ang friend request nito. Ganun pa rin ang profile picture nito, at hanggang ngayon ay hindi niya pa alam ang pangalan ng bulaklak na iyon.

Hindi niya muna inaaccept. She saved the picture and went into photo finder application. She put the photo into the search bar and clicked ‘search’.

There are several results but the number one result caught her attention. “White clover flower means think of me.”

Sana: Think of me?

Bigla niyang naalala ang sinabi ni Yuju nang pag usapan nila ang tungkol sa profile picture ni Tzuyu. “It depends on what message he wants to imply to his apple of the eye.”

Sana: Apple of the eye…ako ba ‘yon?

Well, there’s only one way to find out. She opened her Facebook and accepted Tzuyu’s friend request. Kumabog ang dibdib niya sa nakita niya.

“You are now friends.” at “Send a wave”.

Binisita niya agad ang timeline nito tiningnan ang friend list niya. Napanganga sya nang makita kung ilan ang friends nito sa Facebook.

SIYA LANG ANG FRIEND NITO!? Only ShyShy Sa Na is his friend, and Sana’s username is ShyShy Sa Na!

Sana: I am the apple of his eyes!? and his message for me is to think of him???

To be continued…

I'll Live With You #2: SaTzuWhere stories live. Discover now