Amnesia(continuation of flashbacks)

64 2 0
                                    

[Ciara's POV] *3years ago*

Ilang araw ang nagdaan,

Ilang oras ang sinayang,

Ilang buwang pinamukha akong tanga.

Ilang panahong pinaramdam sakin na hindi ako karapa't dapat na mabuhay pa.

Kasalanan ba ang mag mahal?

Mali ba ang iparamdam mo sa kanya na mahal na mahal mo talaga siya?

Yung feeling na, minahal mo siya ng sobra, tapos yung ending niloloko ka lang pala? Na malalaman mo nalang sa huli na pumunta na siya sa ibang bansa, na kung saan pangarap pa namin dati na pumunta kami sa ibang bansa na mag kasama, pero yun pala iba na ang kasama niya, ang malala pa sa babaeng papakasalan niya. At hindi pa ako yun.

Siguro nga hindi kami para sa isa't isa?

Pero sandali lang? Ikakasal? Eh ilang taon palang siya ah? 15 palang siya tapos ikakasal? Ah, baka fixed siguro. Mabuti pa sila nag papakasaya na dun siguro? Habang ako naman eto nag mo moment sa kwarto ko.

Ilang araw na rin akong nagkukulong dito sa kwarto ko simula ng nakalabas na ako galing sa hospital, simula nong nalaman ko sa araw pa talaga ng anniversary namin na pumunta na siya sa ibang bansa kasama ang fiancè niya.

Masakit lang talaga, siya ang unang lalakeng minahal ko maliban sa Daddy ko. Siya ang first boyfriend, first ka holding hands, first hug, first kiss sa cheeks, at pinaka unang lalakeng pinakilala ko sa parents ko.

Ilang araw na din na hindi na siya nag paparamdam, siguro nga wala lang talaga ako sa buhay niya.

*3days ago*
January 28

"Ma'am! Si miss Ciara po nasa hospital!" sigaw ng maid nila sa bahay nina Ciara.

"Saang Hospital!? Bakit ano ang nangyari sa kanya!?" nag pa panic na tanong ng Mommy ni Ciara.

"Sa Steele Hospital daw po ma'am, nakita po siya ng isang babae daw na nakahiga sa kalagitnaan ng ulan, nakita raw po ng babae ang wallet niya, kung kaya't hinanap niya nalang daw po yung any info na para ma contact ang family ni Ma'am Ciara." paliwanag ng maid nila.

"Sige bantayan nalang ang bahay. Thank you." nag mamadaling sabi ng Mommy ni Ciara papuntang hospital.

(sa Hospital)

"Nasaan yung anak ko!?" naiiyak na sigaw ng mommy ni Ciara.

"Ma'am nasa E.R. na po siya. Hintayin nalang po natin na lumabas na si Doc." paliwanag ng nurse sa mommy ni Ciara.

*lumabas ang doctor galing E.R.*

"nasaan yung pamilya ng patient?" tanong ng doctor.

"ako po ang Mommy niya, kamusta na po ang lagay ng anak ko?" naiiyak na tanong ng Mommy ni Ciara.

"Mam, nag collapse po ang katawan niya, siguro po sa sobrang stress, at may nakit rin po kaming brain tumor sa ulo niya, medyo po kritikal na po yung kalagayan niya." paliwang ng doctor.

"Alam ko na po na may brain tumor ang anak ko, at sabi ng doctor namin na wala na raw pang cure sa brain tumor niya." naiiyak na sabi ng mommy ni Ciara.

"Actually po mam hindi pa po ganun ka lala yung tumor, may ways pa para ma cure yung tumor. Gusto niyo po mag pa 2nd opinion?" tanong ng doctor.

"Really doc, well then sige po As soon as possible po sana. Please pagalingin niyo po yung anak ko."

"Nurse! Please prepare ang patient, we'll have some tests ASAP." sabi ng doctor sa nurse.

"okay po doc."
...........
[Shield Montefalco] 3 months na ang lumipas

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nerd Sa Umaga, At Chix Naman Sa Gabi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon