What if one day nagising ka sa isang lugar na hindi mo ma imagine na nandun ka? Isang lugar na kahit sino man hindi maiexplain ang tawag sa lugar na iyon. Tumambad sa harap mo ang isang hagdan na tila walang hangganan. Napapaligiran ng madaming puting bulaklak at mga taong tumutugtog ng sari saring instrumento.
Lahat ay nakatingin lamang sayo samantalang ikaw ay naguguluhan kung ano nga ba ang nangyayari. Lahat sila nakangiti sayo. Lahat sila nakaputi. Lahat sila kumakanta. Bakit may pakpak ang iba? Hanggang sa may isang nilalang na lumapit sa’yo na kumuha ng iyong atensyon.
“Maligayang pagdating Miss Kassandra Fei Song” panimula sayo ng isang lalaki na malalim ang boses. “Maaring nagtataka ka kung bakit nandito ka ngayon. Wala ka bang naaalala kung ano ang nangyari sayo?” misteryosong tanong ng lalaki.
“Kassandra? Ako ba si Kassandra? Sorry pero wala akong maalala” mahinahong sagot mo sa lalaki.
“Hindi ka nakakaalala. So kung ganon hindi ka pa nakatadhana na pumaitaas, maaaring may pinapagawa sa iyong misyon para bumalik muli sa lupa at mabuhay muli” pagpapaliwanag ng lalaki na nagbigay sayo ng kaba.
Bumalik muli sa lupa at mabuhay muli… Patay na ba ako? Sino ba sila?!
“Wait what do you mean patay na ba ako? Anong lugar ba to?! Bakit ako nandito?!” napalakas mong tanong sa lalaki kung saan nagulat ang lahat at tumigil sa pagtugtog.
“Miss huminahon ka nandito ka ngayon para sa isang misyon” matipid na sagot ng lalaki.
“Misyon?” naguguluhang tanong mo.
“Oo. Kung wala kang maalala that’s a good news, may chance ka pa na bumalik sa dati. You were engaged in a car accident 4hrs ago kaya ka nandito ngayon. You’re still alive and you need to do a mission in order to go back in your life you used to be.” Mahabang paliwanag ng lalaki sayo pero kahit sinabi niya na naaksidente ka hindi ka parin naniniwala not unless may proof siya.
“Me? Car accident? I don’t think so. Ni wala nga akong galos paano ako maniniwala sayo na naaksidente pala ako?” matapang mong sagot na tila kinagulat ata ng lahat.
“That’s the thing wala kang galos kasi spirit ka na lang! You know what Miss you should be thankful kasi may mission ka!” malakas na sabi sayo ng lalaki. Galit ba to?
“FIN-” naputol ang sasabihin ko ng biglang
“Mark! Go inside!” biglang litaw ng isang matandang lalaki.
“Paumanhin Ama” sabi ng lalaki at umalis na sa harap mo. Hmmmmm so sya si Mark? Nice name.
“Kassandra hija mukhang alam mo na kung bakit ka nandito. You will be given a mission para makabalik sa dati mong buhay. Ipapadala ka namin muli sa lupa para sa isang misyon.” Maayos na pagkakasabi ng matanda sayo.
“Fine. So what mission is that?” straight mong tanong. Gusto ko ng makaalala at bumalik sa dati kong lugar gusto ko na matapos ang lahat at kung ano mang misyon yan kelangan kong matapos agad!
“Ikaw mismo ang makakaalam sa misyon mo hija pag pinadala ka na namin sa lupa. Isa lang ang masasabi ko ang misyon mo ay tatagal ng eksaktong 100 Days.” paliwanag pa sa iyo ng matanda.
Grabeee naman 100 days ang tagal naman ata? Tsaka ano bang gagawin kong misyon. Ang gulo naman nilang kuasap >___<
“Pano ko malalaman ang misyon ko? Tsaka ipapadala niyo pala ako sa lupa edi babalik na lang ako sa lugar ko?!” tama babalik na lang ako kung saan ako dati.
“Paano ka makakabalik hija tandaan mo you’ve lost your memory. And one thing more wala kang pagsasabihan na may misyon ka. Naiintindihan mo ba?” sabi pa sayo ng matanda. Ano ba wala ba silang balak na sabihin kung ano talaga ang pinapagawa nilang misyon!
“Yeah right. So ano nga ba yung misyon?” inulit mong tanong na sana sumagot na siya kasi mahirap manghula ng misyon hello.
“100 Days with Bangtan” huling sagot ng matanda saka tuluyang naglaho na parang bula ganun din ang mga nilalang na tumutugtog sa may hagdan.
ANO DAW BANGTAN? ANO YON?
Ikaw na lang ang naiwan doon. Ang dami pang tanong sa isipan mo. Ano ang Bangtan? Sino ang Bangtan? Anong gagawin ko sa Bangtan? Tsaka ano nga ba ang misyon ko sa Bangtan? Umalis na sila lahat pano ako pupunta ng lupa at hanapin kung ano at sino ang Bangtan?
Nagsimula kang magmasid sa palagid para hanapin ang labasan hanggang sa may natapakan ka. Isang cellphone. Para saan naman to?
THIS WILL BE YOUR GUIDE FOR YOUR MISSION. 100 DAYS WITH BANGTAN STARTS NOW~~
Then the next thing is everything went black.
BINABASA MO ANG
100 Days with Bangtan
FanfictionA 100 Days with Bangtan adventure that can make Kassandra Fei Song to complete her unknown mission. Date Started: March 22, 2015