"MAAA!!"
Tumakbo si Chin papunta sa kusina kung nasaan si Mama Merdick. Nakataas ang kamay niya habang hawak ang cellphone niya. Tumingin siya sa cellphone niya at tumili ulit.
"Mama! Mama!!", Sumisigaw habang lumulundag si Chin.
"Ano ba Chin!? Ang aga aga mong mangbulabog. Tumigil ka nga diyan sa kakasigaw mo, nakakahiya sa kapitbahay", nagluluto ng agahan si Mama Merdick.
Niyakap siya ni Chin sa likod at akmang bubuhatin pero syempre hindi siya nito kaya.
"Ano bang bata ka, baka matapon tong dala kong itlog, ito na nga lang meron tayo, tigilan mo na yang kabaliwan mo Francine Carrel!", inis na si Mama Merdick.
Pero sa halip na matakot ay lalo pa siyang kinulit ni Francine. Sumayaw sayaw pa ito sa harap niya.
Tumigil si Mama Merdick sa paghahain ng mesa at hinarap si Francine.
"Francine, ano ba, pag di ka huminto, di ka kakain tamo ka", nakapamewang nitong sabi kay Chin.
"Mama, bukas sure ako na hindi na itlog kakainin natin promise!", malawak ang ngiting sagot ni Chin sa Ina.
"Anong hindi e yun lang ang meron tayo, ano ka ba, siya, tulungan mo na akong maghanda ng lamesa at kakain na tayo, tawagin mo na din mga kapatid mo", sabi ni Mama Merdick na akmang babalik sa pagsasandok ng kanin pero pinigilan siya ni Chin at iniabot sa kanya ang cellphone.
"Ma, basahin mo yang text message sa akin ng handler ko, yan ang sagot sa kahirapan natin!", exited na sabi ni Chin sa Ina.
Inabot ni Mama Merdick ang cellphone sa anak at binasa niya ang mensahe.
Galing sa manager ni Chin ang message. Iniimbitahan si Chin sa isang meeting dahil isa daw ito sa mga napiling cast ng "Basahang Ginto" ng ABS-CBN.
"Totoo ba yan 'Nak? Tawagan nga natin para masigurado natin, malayo ang Quezon City dito sa Cavite, baka gumastos na naman tayo ng pamasahe tapos hindi na naman tayo makuha gaya dati", sabi ni Mama Merdick.
Nawala ang kanina'y masayang mukha ni Chin. Napalitan ito ng lungkot.
"Ma, totoo po, natawagan ko na yung handler ko kanina, subukan natin Mama, magpapasukan na wala pang gamit sa school ang mga kapatid ko, last na to promise Ma, pag di tayo nakuha, hihinto na ako diyan sa pag-aartista na yan", seryosong sabi ni Chin.
"Tsaka Ma, sayang din tong raket na to, pag nakuha ako kahit 2 weeks lang, pwede na yun pambili ng notebooks. Malamang gaganap lang naman ako na batang bida dito ulit gaya ng dati, subukan natin Ma, sige na", sabi ni Chin habang naglalagay ng plato sa lamesa.
Ganito lagi ang eksena nilang mag-ina pag may mga projects na inooffer sa kanya ang handler niya. Kailangan nilang pag-isapang mabuti dahil kapos na kapos sila sa budget. Kailangan nilang siguraduhin na ang bawat bibitawan nilang pera ay may mauuwing kapalit para sa pamilya. Kakalipat nga lang nila ngayon ulit ng bahay dahil napalayas sila noong isang buwan sa dati nilang tinitirhan dahil hindi sila makabayad.
Mula kasi noong sapilitang pinauwi sa Pilipinas ang Papa JM niya dahil sa aberyang nangyari sa pinagtatrabahuhan nito sa ibang bansa, naging ganito na kahirap ang buhay nila. Anim silang magkakapatid, pangatlo siya. Lahat sila nag-aaral, yung Papa niya umiekstra sa pagdrive ng UV Express para may pangkain at panggastos sa bahay. Yung Mama naman niya, kung ano-ano nang raket ang pinasok pati pagbebenta ng kung ano-ano sinubukan na nito para lang makatulong sa Papa niya.
Maswerteng biniyayaan siya ng magandang mukha, syempre, saan pa ba magmamana, maganda ang lahi nila.
Bata pa lang gusto na talaga ni Chin mag-artista. Nakakakuha naman siya ng mga projects pero minsan lang, extra sa commercial o di kaya naman ay gaganap siya na batang bida ng mga drama or pelikula. Isa o dalawang linggong projects, malaking tulong na yun pambayad sa bahay at bills yung TF na nakukuha niya.
"O ano Ma, G na ba tayo? Para rereply na ako sa handler ko?", tanong ni Chin sa Ina.
"Sige, mamaya kakatok ako diyan sa kapitbahay para hihiram tayo ng pamasahe papuntang QC bukas, ano ba daw oras ang call time?", tanong ni Mama Merdick.
"8am daw po, pero dapat 5am nandun na daw kasi kailangan pa ayusan", sabi ni Chin.
"Sige Anak, confirm mo na yan, lalarga tayo bukas", sabi ni Mama Merdick.
Niyakap ni Chin ang Ina.
"Ma, promise gagalingan ko para makuha tayo, promise", sabi niya dito.
Tinapik lang ni Mama Merdick ang likod ni Chin tanda ng pagsang-ayon.
Sana nga makuha sila bukas, sana nga.
BINABASA MO ANG
Untold Messages
FanficA Story adaptation from Chin's and Kyle's public shared stories. Anumang pagkakamali, kulang at pagkakaiba ng mga mababasa mo ay hindi po sinasadya. Ang mga ibang kwento sa istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang ng may akda at walang kinalaman...