His Journal

14 0 0
                                    


Attention:

Di 'to yung kasunod ng Chapter 2. Well, actually dito niyo malalaman kung paano nakilala ni Dylan si Debby. Kaya chill muna kayo mga madlang pepz ;)

by beautifulblade

******

DYLAN'S JOURNAL

Aug. 13 20**

I was now in grade 5. Pero binubully pa din ako ng mga classmates ko. I'm at that P0INT where I don't even care if people LIKE ME anymore. If you like me, C0OL. If you don't, OKEY.

Lunch time na, kinuha ni John (the bully) pati yung mga kasama niya yung baon ko. Wala akong mga kaibigan at wala ding tumulong sakin that time kasi takot din sila mabully gaya ko. My parents didnt know na nabubully ako sa school. I didnt want them to worry so I didnt say a thing. Nakatulala pa din ako habang tinitignan sila John na masayang pinagpyestahan ang baon ko. Pero nagulat ako nung may lumapit saking babae. "here" sabi niya habang inaabot sakin ang isang lunch box. "kukunin mo o kukunin mo?" iritableng tanong niya. Napa 'huh?' naman ako. I dont know her, but she's nice. Could she be my friend? Umalis na siya after that. Binuksan ko yung lunch box, Fried chicken, ham and rice?

Oct. 26 20**

Alam ko na ang pangalan nung babaeng tumulong sakin, she's Debby Jane Sandoval, grade 5 din sya tulad ko but different section. Sabi ng mga kaklase ko na may pagka maldita daw sya pero hindi ako naniniwala. Ang bait kaya niya. Oo nga pala, after nung ginawa ni Debby sakin, nilalapitan na ako ng mga kaklase ko. By the way, nasa akin pa din yung lunch box niya.

Jan. 4 20**

Nalaman ko na inaway ni Debby yung grupo ni John dahil sa mga pambubully nila. Sinabihan din ni Debby ang mga kaklase ko na kaibiganin daw nila ako. Ewan ko kung ano ang nangyari, basta after nun di na nila ako binubully.

June 6 20**

Grade 6 na ako. Sayang nga eh, di kami magkaklase ni Debby. Well, may mga kaibigan na naman ako kahit papaano. Salamat talaga kay Debby. Akala ko palagi nalang akong ibubully, pero Debby change my fate. I thank her a lot for that.

Sep. 14 20**

Hindi ko alam kung ano, but I have some weird feelings towards Debby. Ewan ko, I dont know but I think I like her. I always stalk her kung saan siya pumupunta kasama mga kaibigan niya. Eto ang masasabi ko, maldita nga siya but she has a kind heart.

Nov. 17 20**

Ngayon aminado na ako, I think Im inlove in Debby. Ang bata-bata ko pa naging corny na ako -___-. Hindi ko alam kelan nagsimula basta ngayon alam ko na inlove ako sa kanya. She's just so different to others.

Jan. 28 20**

Malapit na ang graduation namin. Ito lang ang masasabi ko, mami-miss ko si Debby. Binalik ko na yung lunch box niya na may lamang cookies, alam nyo kung ano ang sinabi nya? eto lang naman "Aanhin ko yan?" grabe ang sungit nya. Pero mahal ko pa rin sya. Tinanggap nya din naman yung lunch box :]

July 5 20**

Freshman na ako. Dito na ako nag-aral sa university namin, sayang nga at hindi dito nag-aral si Debby. Miss ko na ang maldita na yun. I became an instant hearthrob dito sa university. Pero potek, ang daming lintang nagpapapansin sakin. Hindi ko alam kung sino ang nagpasimuno nito.

Aug. 1 20**

Gumawa ako ng grupo na kung tawagin ay BKG (black knight gang) dito sa school namin. Ginawa ko 'to to protect Debby. Kahit hindi sya nag-aaral dito, binabantayan ko pa rin sya ng hindi nya alam. Mahal ko yun eh kaya di ko sya kayang pabayaan :]

Dec. 1 20**

P*ta, nalaman ni Travis at Jin (kaibigan ko since freshman, kasali din sila sa BKG) na nagsusulat ako ng journal. Sabi nga nila bakla daw ako. Aba't na batukan ko sila, mga g*go talaga yun. Pinagkakalat din nila na head-over heels ako kay Debby sa gang namin, kaya naging instant celebrity si Debby sa gang ko. Oo, kilala nila si Debby dahil sinasamahan nila ako sa pang i-istalk kay Debby.

March 14 20**

Galit ako ngayon, dahil maraming nagkakagusto kay Debby. Ang ganda naman kasi talaga ni Debby. Mabuti nalang at sinusungitan nya ang mga 'to. Aba't binalaan ko din ang mga admirers nya na tigilan na nila si Debby kung hindi ipapabugbog ko sila sa Gang ko. Sikat ang gang ko, kaya sumunod sila sakin, takot sakin eh ;)

Oct. 29 20**

4th year na ako. Well, okey naman ang naging buhay ko. Naging bad boy nga lang ako. Nakikipag-away ako sa mga ibang gang at nagra-racing din ako. I dont know but I love doing those things. Maybe because gusto ko talagang protektahan si Debby. F*ck, sa tagal ng panahon siya pa rin ang nasa puso ko.

Feb. 16 20**

Nalaman ko na matalik na magkaibigan ang dad ni Debby at yung dad ko. Ninong ko nga yung daddy nya eh. Kaya ayun, sinabi ko na pag si Debby ang pakakasalan ko magbabago na ako. Pumayag naman si ninong Rick sa desisyon ko na magpakasal ako kay Debby, paborito kaya ako ni tito at tita Julie (mommy ni Debby).

May 4 20**

1st year college na ako. Ititigil ko na ang pagsusulat sa potek na journal na 'to. Di ko na kailangan mag sulat kasi makakasama ko na ang babaeng mahal ko for the rest of my life. F*ck, ang corny ko na. Pupunta na sila bukas sa university namin, at excited na talaga ako p*ta lng. Sa wakas makakasama ko na rin si Debby. Gagawin ko ang lahat para protektahan ang mahal ko.

*****

Wahaha, ang drama ni Dylan noh. May journal pa talagang nalalaman haha xD

I hope na i-support nyo ang story ko :]

Vote, Comment and Share^^

--beautifulblade

Miss Hugot's DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon