Chapter 12

574 10 0
                                    


Today is my birthday. At naandito ako sa sementeryo, kasama sila nanay at tatay, mama at papa, pati si Kaina. Mamaya ay may handa sa bahay, pero sinamahan na nila muna ako dito, si papa ay tinuturuang mag-lakad ng maayos si Kaina tapos si mama ay katabi ko na nakaupo sa blanket.

"Ang tagal na din pala" sabi ni mama at tumango naman ako.

"Opo" sabi ko at tumingin kay papa at Kaina bago tumingin kay mama. "Kaya sobrang salamat po, dahil inalagaan niyo po ako, pinakain, pinatira sa magandang bahay, pinag-aral sa magandang school at minamahal. Salamat mama, sa inyo po ni papa"

Pagdating ng bahay ay nagulat ako ng nakita ko ang mga kaibigan ko at ang mga magulang nila, maliban sa magulang ni Noa.

"Happy birthday, Zea!!!" masayang bati nila at tumakbo palapit sa akin si Liya at Atarah. Binati ulit nila ako bago niyakap

"Bakit di niyo sinabing naandito kayo?" nagtatakang tanong ko, kasi sabi nila di daw sila makakapunta kasi abala sila. Sinabi pa nga ni Noa na nasa ibang bansa daw sila e.

"Because it's a surprise, duh?" maarteng sabi ni Liya at inirapan ko lang siya.

"At na-surprise nga ako, di ko naman inaasahan na pupunta kayo sa birthday ko. Ikaw Liya, kahit nasa malapit lang ang bahay niyo, sabi mo may pupuntahan kayo ngayon at di ka makakapunta. Bibisitahin sana kita sa hacienda niyo bukas, kung hindi ka makakapunta ngayon."

"You're welcome?" sabi na lang ni Liya, dahil hindi pa ako nagpapasalamat sa kanya kaya tinawanan ko lang siya.

"We're so happy that we made you happy today" sabi ni Atarah at nagpasalamat naman ako sa kanilang dalawa.

"Happy birthday ulit, grabe gurang ka na" natatawang sabi ni Syl at natawa din sa kanya si Noa at Liya.

"Nahiya naman ako sa edad mo" sabi ko na lang at nginitian silang lahat bago nagpasalamat na pumunta sila ngayon dito. Well, isang taon lang naman ang tanda ni Syl sa amin, hindi katulad ng kay Noa at Sev na two years. Pero mas matanda pa rin siya, maka-gurang siya sakin.

Nagpatuloy lang kami sa pagse-celebrate ng birthday ko, kasama ang mga parents namin, maliban sa parents ni Noa. Tumingin ako kay Noa at nakita kong tumingin siya sa bawat isa samin at ngumiti ng malungkot nung tiningnan niya ang bawat magulang namin.

"Noa, where's your dad? We have to talk about his plans, he told me that he wanted to enter politics for the next year's election. I need to talk to him, because he's planning to get my wife as his attorney" narinig kong sabi ng daddy ni Atarah at si Atarah naman ay lumingon sa mommy niya na may pagtatanong sa mga mata.

Nasabi samin ni Atarah na tumigil muna sa pagiging abogado ang mommy niya dahil sa mga death threats na natatanggap nila ng dahil sa trabahong 'yun noong bago pa sila tumira sa Korea.

"I'm sorry for that po, tito. Dad and mom is currently outside the country, but I will tell this to him once they come back"

"Thanks, but I will call him instead. No need to tell him about it. 'Wag mo ng problemahin ang mga problema naming matatanda"

Nang matapos kaming kumain ay nagpunta kami sa swimming pool. Nakababad lang ang mga paa namin sa pool. Kami nila Liya ay abalang nag-iisip ng pwede naming magawa o malaro. Habang sila Syl, Sev at Noa ay abala sa pag-uusap.

Mabilis natapos ang araw namin, umuwi din silang lahat nung nag-gabi na. May work pa kasi ang mga parents nila kinabukasan.

"Salamat po, mama at papa" nasa sala kaming tatlo, si Kaina ay nasa crib na nasa harap namin at natutulog na. "Salamat po sa surprise niyo sakin, masaya na po ako na mai-celebrate ko ang birthday ko kasama kayong tatlo. Pero mas sumaya po ako dahil dumating ang mga kaibigan ko, kaya sobrang salamat po sa inyo."

Vanishing Promises (Elementary Series #02)Where stories live. Discover now