Chapter 46

1K 18 0
                                    


Nasa Manila ako ngayon para sa trabaho, iniwan ko si Racia sa Laguna at doon siya syempre sa isa pa naming bahay, kung saan kasama niya sila mama. Next month na ang birthday niya. Balak kong sa Disneyland kaming lahat mag-celebrate ng birthday niya. Sana lang makasama ang mga kaibigan ko.

Nagsisimula na din siyang mag-aral at kahit na sa daycare pa lang naman siya napasok ay alam kong madami siyang matututunan doon. Sa bahay nga madami na siyang nalalaman, sa daycare pa kaya, kung saan may teacher na mismo.

Kaya naman na niyang magbasa ng mga letters, kahit hindi sunod-sunod and arrangement. Marunong na din sa number na hanggang 50 pa lang. Sa animals kasi siya madalas makinig kaysa numbers. Tuwang tuwa kasi siya kapag ang tinuturo ko sa kanya ay animal names na.

Huwebes ngayon at 11 AM na, uwian na niya, kung wala akong kailangan mapuntahan dito sa Manila ngayon, ako sana ang susundo sa kanya sa daycare. Uuwi naman ako mamaya o bukas kapag natapos ko 'to ngayon. May meeting pa nga ako mamaya. Hay, ang daming trabaho.

Nang natapos ko ang unang batch ng reports na kailangan kong basahin, ay tinawagan ko sila mama sa messenger. Noong una ay kay Kaina pa ako tumatawag, pero dahil naandito siya sa Manila, samantalang ang anak ko ay nasa Laguna, tinuruan ko na lang si mama kung paano sasagot ng tawag sa messenger. Hindi kasi siya sanay sa ganon, mas gusto nilang sa number ako tatawag.

"Hello ma" bati ko sa kanya at kaagad ko naman nakita ang anak ko na nakikipaglaro kay papa. Napailing naman ako kaya natawa sa akin si mama.

"Minsan lang naman siya maging isip-bata, kapag naandito ang prinsesa natin" sabi ni mama at tumango naman ako. Kinamusta ko muna siya at ang lagay ni Racia sa school bago niya tawagin ang anak ko.

"Hi, my baby" sabi ko kay Racia ng nasa harap na siya ng cellphone.

"Mommy, why are you in the phone? Can you go out when you are inside the phone po?" tanong niya sa akin at lumingon sa Lolo at Lola niya. Nasanay na tuloy siya sa mommy. Noong una, pinagsasabay niya ang mommy at mama sa pagtawag sa akin.

"Baby, as mommy said I am in Manila with your tita mommy. Wala ako sa cellphone" sabi ko at nanlaki naman ang mata niya.

"Did you see daddy po?" tanong niya ng may masayang mukha.

Simula noong sinabi ko sa kanya na galing sa daddy niya yung teddy bear, araw-araw na yata siyang umaasa na darating at magpapakita ang daddy niya sa kanya. Maling desisyon yata ang nagawa ko, ayaw ko naman kasing umasa yung anak ko sa bagay na hidnn naman mangyayari.

"No baby" sagot ko at ngumuso naman siya

"But why po? He didn't love me anymore?" tanong niya at nagtutubig na ang mata at paulit-ulit na pumipikit. Kanino ba siya nagmana?

"Because, daddy is busy" sabi ko na lang para hindi siya maghanap ng taong wala.

"But, what about me po?" tanong niya at natigilan naman ako. "You have time for me, even if you're busy din po. But daddy don't have time"

"We just need to wait for a little longer, okay? Daddy is busy. Really busy"

"Mommy, Lola calls Lolo by his name, you should call daddy by his name po" sabi niya matapos tumango sa sinabi ko na busy ang tatay niya. "What is his name po?"

Matalinong bata, matapos akong dramahan nakaisip ng tanong na mahirap sagutin. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya ang kahit na anong tungkol kay Noa.

"Basta" sabi ko na lang sa kanya at kumunot naman ang noo niya.

"His name is basta po" tanong niya at umiling naman ako. "Then what is his name po?"

Napakakulit. "His name is... Noa" sabi ko at naag-isip naman siya ng malalim.

Vanishing Promises (Elementary Series #02)Where stories live. Discover now