I Love You,Slave!-Part 13

341 10 0
                                    

Joana's POV

TIKTOK TIKTOK~~

"Good morning God,Jesus,MamaMary!!
Good morning universe!!"

Bumangon na ko sa kama ko. Yup may sarili akong kwarto na malapit kay Monster. Pero di naman masyadong kalakihan tong kwarto,tama lang. Nagmumog at naghilamos na ko.

Makababa na nga. Para makapagluto na ko.

"Oh Iha,gising ka na pala. Tara na dito kumain ka na"sabi sakin ni Manang Ruby.

"Ay,nag-abala pa po kayo. Magluluto na sana po ako eh. Ah sige po gisingin ko na po si Master ah?"sabi ko. Ang bait talaga ni Manang Ruby. Hayss. Ganyan din sakin sila Mama eh. Ay,ano ba yan naalala ko nanaman sila.

"Wag na Iha,ako na. Umupo ka na dyan at kumain"sabi niya.

Kaya wala na kong nagawa kumain na lang ako.

"Hoy,Slave! Bat nakain ka na dyan? At bakit si Manang Ruby ang gumising sakin,Huh?" Grabe sakit naman sa tenga nun. Tss kasalan ko bang mabait si Manang kaya siya yung gumising sa kanya? Tsk tsk.

"Iho,wag muna pagalitan si Joana. Ako nagsabi na kumain na siya at ako na mang gigising sayo."sabi ni Manang. Wahhh! Salamat Manang pinagtanggol mo ko. Babawi talaga ako sayo Manang.

"Tss." Suplado talaga.

"Asan nga po pala sila Mama?" Oo nga noh? Ngayon ko lang din napansin.

"Kanina pa umalis,Iho." Sabi ni Manang.

"Ahh sige po" sabi ni Monster. Tapos kumain na siya. Ako naman tapos na kaya tumayo na ko at pinispisan ko na yung plato ko tapos niligpit ko na, para unti nalang yung liligpitin ni Manang mamaya.

Pumunta na ko sa kwarto ko. Nagtoothbrush muna ako at naligo na.

"Ang sarap talaga maligo" Sakto lang kasi yung lamig ng tubig. Pagkatapos naligo na ko at nagbihis na.

"Manang Ruby,una na po ako" sabi ko. Di ko na iintayin si Monster, bahala siya sa buhay niya.

"Ah sige,Iha. Magiingat ka ah?" Ang bait talaga ni Manang. Hayss. Naalala ko nanaman sila Mama at Papa. Ganun din kasi sila.

"Opo" sabi ko. Mamaya talaga babawi ako kay Manang. Ako na lang maglilinis ng bahay. Kahit hindi yun kasama sa trabaho ko dito.

Naglakad na ko. Malapit lang kasi tong school sa bahay. Pero ewan ko ba dun sa Monster na yun,bakit nagkokotse pa.

BEEP BEEP~~

"Ay,ipis ka!" Pambihira sino ba yun? Kaaga aga ng gugulat.

"Hoy Slave! Sa gwapo kong 'to tinawag mo kong ipis?" Tss. Si Monster nanaman. Eh sa nagulat ako eh.

"Bakit po ba?" Nagtataka ako eh.

"Sumakay ka na dito at may papabuhat ako sayo" Tss. Dapat pala di na ako nagtanong -_-

Sumakay na ako. Dun sana ako sasakay sa likod. Kaya lang...

"Hoy ! Ano ako driver mo? Dito ka sa harap !" Oo nga,sabi ko nga. Tss.

Nagdrive na siya. Tapos maya maya nandito na kami sa school. Bat ba kasi kailangan niya pang magkotse? Eh ang lapit lapit lang naman ng school. Hayss ewan ko sa kanya.

Nag park na siya sa parking lot.

"Kuhain mo na yung gamit ko diyan sa likod ng kotse. Ingatan mo huh?" Putek,pagka kita ko sa likod ng kotse. Bag niya lang pala nakalagay, tinatamad pa siyang kunin. Ambigat bigat eh,tapos ganun din yung akin. Tss. Bat ba kasi pumayag ako sa deal namin eh. Sabi nga nila Nasa Huli Ang Pagsisisi.

I Love You,Slave!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon