I Love You,Slave!-Part 15

201 6 14
                                    

~Hi Guys. Nagbago na yung isip ko. Love ko kasi kayo eh.~ Part 15 parin 'to.
_______________________

Greco's POV

What's the problem of her? Argh..

Nakikita kong palapit si Slave. So tumalikod ako.

"Master,may sinabi ka ba kanina habang natutulog ako?" Hala. Gising ba siya nun?

"What are you saying?" Sige lang,Greco. Magpanggap ka lang na wala talaga

"Anong "what are you saying?" Ka dyan? Wala ka ba talagang sinabi kanina?" Argh. Sana wag ako mabuking. Malay ko bang gising pala siya nun.

"Wala akong sinasabi sayo. Napa-praning ka ba? Baka naman nananaginip ka lang." Goodness. Nahihirapan na ako magdahilan

"Ahh okay po" Umalis na ako. Mamaya niyan madulas pa ako eh. Buti nalang talaga nakapag-isip ako ng magandang dahilan. Kung hindi, malalaman niya ng maaga. At ampanget pa ng timing. Buset.

Joana's POV

Kahit nahihiya ako sabihin. Gagawin ko 'to.

"Master,may sinabi ka ba kanina habang natutulog ako?" Wahh! Lupa kainin mo na ako.

"What are you saying?" Huh? Wala ba siyang sinabi kanina?

"Anong "what are you saying" ka dyan?" Hala.

"Wala akong sinasabi sayo. Napa-praning ka ba? Baka naman nananaginip ka lang." Omaygad. Imagination ko lang ba yun?

"Ahh okay po" Tas umalis siya. Wala ba talaga siyang sinabi?. Hala. Baka nananaginip lang ako?

JOAAAAAANAAA! ANO BA? PANAGINIP MO LANG BA TALAGA YUN? PERO PARANG TOTOO KASI EH. ISANG MLAKING KATANGAHAN YANG GINAWA MO!

Kumain nalang ako para mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Nakakaiyak. Kasi naman eh. Panaginip lang pla yun.

Pero aaminin ko,napapangiti ako 'pag naaalala ko yun. Wahh! Magtigil-tigil ka nga,Joana.

Tapos panaginip lang din yung nagtulog-tulugan ako? Argh. Kasi naman kasi eh. Hay nako!

Makapunta nga muna sa covered court.

"Nicole,punta muna ako ng court ah? Pasabi nalang paghinanap ako ni Master. (as if talaga na hahanapin ako eh noh?)" ~ako

"Sige,Ingat ah. Malamig na" ~siya

"Sige. Wait kuha lang ako ng jacket" tas tumakbo ako sa kwarto ko. Kunin ko lang yung jacket ko.Tas nakita ko si manang.

"Oh,Joana San ka pupunta?" ~siya

"Sa court lang po" tas tumango lang siya.

Umalis na ako sa bahay.

Naglakad-lakad na ako. Medyo madilim na kasi eh. Pumunta ako sa playground, dun sa duyan. Haha. Yung court kasi dito,may playground. Dala-dala ko yung cellphone ko. Tapos nagpatugtog ako ng "God Gave Me You" tas sinabayan ko yung kanta. Tapos nagulat ako,may sumabay sakin sa chorus. Tumigil ako.

"Ahh. Haha?" Feeling close si kuya. Pero ang gwapo niya. Hahaha. Hoy! Pero di ko sya gusto noh.

"Haha. Awkward ba?" Sobra! Kuya!

"Oo,sobra. Hahah" Argh. mas pogi siya nung tumawa siya.

"Hahah sorry. Favorite kasi namin ng best friend ko yang kantang "God Gave Me You" eh. Kaso di ko na alam kung nasan siya ngayon. Btw,what's your name nga pala?" Ahh. Pareho kami ng bff niya, favorite ko rin kasi yun eh. Sasabihin ko ba? Lol. Syempre naman,Joana. Ang gwapo kaya niyan. Pakipot ka pa ba teh? Oo na po.

"Ahh. Ang sad naman nun. Joana nga pla :D ikaw?" haha. Wala naman sigurong masama noh?

"Nice to meet you ;). Anyways, I'm Mark :D" Parang pamilyar yung name niya? Wews.

"Ahh. Okay. Sige uwi na ako. Babye~" naka-upo pa rin ako sa duyan.

"Sige. Babye din. Ingat. San ka nga pla nag-aaral?" Answeet niya. Lol. Assumera ka nanaman eh. Sa bandang huli,ikaw lang yung masasaktan.

"Sa ano. Sa *toot* *toot* school" Inugoy-ugoy ko pa yung duyan.

"Ah. Sige. Dun ako mag-tatransfer eh. Papasok na nga ako bukas eh." Hala. Kung kelan 2nd Sem na?

"Bagong lipat ka lang ba dito?" Ngayon ko lang kasi siya nakita eh.

"Actually, kasama ko yung family ko." Ah. Okaay.

"Ah. Sige. Babye na talaga." Haha. Kanina pa kasi babye ng babye eh.

"Tara,sabay na tayo. Uuwi na rin ako eh" So sabay kami naglakad ni Mark. Yeah. May pagka medyo 'Feeling Close' parin siya.

Nanliliit ako. Ang tangkad niya kasi eh. Kasalanan ko bang maliit ako? ㅠ.ㅠ

Malapit na kami sa bahay nila Monster.

"Ahhmm. Mark,bat di ka pa nauwi?" Sinasamahan ba ako ng lalaking 'to? Lol. JOANA! SABI NANG WAG ASSUMERA EH! Opo.

"Huh? Ewan. Ikaw bat di ka parin nauwi?" Eh malamang di pa ako nakakapasok sa bahay --_-- yung totoo?

"San ba bahay niyo?" tanong ni Mark

*Turo sa bahay nila Monster*

"Huh? Magkatapat lang pala bahay natin eh." Woaah. Destiny,Nandyan ka ba? Naku,Joana!

"Pede ba tayo maging friends?" Sure!

"Oo naman, bakit hindi?" Hahaha

"Thankyou" ~siya

"Ahh okay. Sige dito na ako." ~ako

"Sige. Sabay tayo pasok bukas ah?" ~siya

Tumango nalang ako. Pagsarado ko ng gate. Nakita ko si Monster. Hala kanina pa ba siya nandyan?

"Sino yun?" Luh? Galit?

"Ahh. Si Mark po, pede na po bang makapasok?" Harangan daw ba yung daanan.

"Boyfriend mo?" Sana nga eh. Hoy,Joana. Akala ko ba di mo siya gusto. Tapos may nanalaman ka pang 'Sana?' Ewan ko sayo te. Ang gulo mo po

"Hindi po. Bagong lipat lang po sila. Nakita ko lang po siya kanina sa court. Tsaka friends lang kami nun." Wews. Bat ba ako nagpapaliwanag? Yeah! Friends LANG kami! Hanggang dun lang yun.

"Ahh. Good" Tas nag-walked out.

May PMS talaga yung lalaking yun eh. Pero aaminin ko. ANG GWAPO TALAGA NI MAAAARKK!
----------
Abangan. Sino kaya si Mark sa buhay Ni Joana? At Bakit pamilyar ang name ni Mark kay Joana. Bakit tinanong ng mama ni Greco ang surname ni Joana? Abngan sa susunod na part ng ILYS. Labyuuuu




I Love You,Slave!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon