CHAPTER 7

341 134 75
                                    


Ethan POV

Matapos ang nangyari sa kubo, isang linggo na hindi umuuwi ng bahay si Lemon. Madalas ko siya marinig na kausap ni lola Estella sa cellphone. Alam ko na mali ang ginawa ko. I hurt him so bad with my words. And I regret it.

"Mag-iipon na muna ako then I'll leave this place again." bulong ko sa sarili.

"Apo Ethan, pakikuha naman ako ng kahoy na panggatong. Nasa unahan lang ng bahay. Doon yata inipon ng tito Racquel mo." pakisuyo sa akin ni lola Estella.

"Sige po,"

Lumabas ako ng bahay para kunin ang lahat ng kahoy na nasa gilid ng mga tinanim na halaman ni lola Estella. Pabalik na ako sa loob ng bahay nang dumating si Lemon kasama ang dalwang lalaki na animo'y personal guard.

"E-Ethan.." pabulong niya na pagtawag sa pangalan ko.

"Lemon.." tila umurong ang dila ko matapos ko makaharap si Lemon.

"Ethan apo... Oh! Lemon! Akala ko ba ay pahapon ka pa uuwi! Ikaw talaga bata ka! Bakit na ngayon ka lang umuwi? Bakit namayat ka!?" sunud-sunod na tanong ni Lola Estella kay Lemon.

"Ang totoo lola Estella, ako ang may kasalanan kung bakit--" hindi ko naituloy ang nais ko sabihin matapos magsalita muli ni Lemon.

"Ang totoo po lola, tinawagan kasi ako ng boss ko sa trabaho. Umuwi kasi siya ngayon sa lugar natin. Pasensya na po kayo kung hindi ako nagpaalam." hayag ni Lemon.

"Ikaw talaga. Wag mo na uulitin ha? Alam mo ba na nag-alala kami ni Ethan sa iyo? Sa susunod ay tawagan mo ako o kaya si Ethan." hayag ni lola na pareho namin kinagulat ni Lemon.

"O-opo lola Estella. Oo nga pala. Ah sir , thank you po. Pwede na po kayo umalis. Pakisabi nalang po kay boss na maraming salamat." agad naman na umalis ang dalwang lalaki matapos ipatong sa gilid ang hawak nila na box.

"Ano ang mga ito?" tanong ni Lola Estella kay Lemon.

Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko na paghahakot ng mga kahoy. Masaya ako malaman na okay lang si Lemon matapos ang nangyari. Ngunit itutuloy ko ang plano na paghingi ng tawad.

Tulad ng dati, sabay-sabay kami kumain ng tanghalian habang kinu-kwento ni Lemon ang tungkol sa kanyang trabaho. Isang linggo siya nirenta para maging tourist guide ng isang milyonaryo na businessman.

"Ethan! Lemon mga apo, aalis lang kami saglit ng tito Racquel niyo. Babalik kami agad!" narinig ko na hiyaw ni lola Estella mula sa labas.

"Okay po lola! Ingat po kayo ni tito Racquel."

Nakahiga ako ngayon sa loob ng kwarto, namamahinga habang hinihintay ang tawag ni Gavin. Hindi ko magawa na harapin si Lemon dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa nagawa ko.

"E-Ethan g-gising ka b-ba? C-can we talk?" nauutal na tanong ni Lemon mula sa labas ng kwarto.

"Yes, gising ako." bumangon ako at naupo.

L E M O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon