Kabanata 1

4 1 3
                                    

Kabanata 1

"Bakit kamukhang-kamukha ko ho siya, manang?" Tanong ko habang gulat na gulat pa rin ako.

Hindi ko inakalang may naging kamukha ako sa angkan namin dahil kailan man ay walang nabanggit sa akin ang aking lolo.

"Siya ang bunsong anak nina Don Filipe at Doña Victorina na si Binibining Victoria Antonio na iyong kapangalan din." Tugon niya habang hindi inaalis ang paningin sa malaking frame na iyon.

"Kapangalan ko din siya." Bulong ko sa sarili ko.

"Ang iyong lolo ang nagpangalan niyan sa iyo dahil sanggol ka pa lamang ay nakita na niya ang mukha ni Binibining Victoria sa iyo." Naka ngiting kwento sa akin ni manang.

Ayaw pa rin mag sink in sa utak ko ang sinasabi sa akin ni manang na misyon.

"Nakita ko na ang hinahanap ko. Maaari na tayong bumalik sa taas at baka magkasakit pa tayo rito dahil sa alikabok." Muli kong sinilayan ang picture ng lola ko na kamukhang-kamukha ko.

"Sa taas ko na rin ipapaliwanag sa iyo ang lahat." Ngiting tugon sa akin nito saka pinatay ang ilaw dito.

Naka tulala pa rin ako habang paakyat na kami.

Nang makarating ako sa sala habang si manang ay naiwan sa kusina. Agad akong naupo sa sala namin habang tulala pa rin ako.

Hindi ako makapaniwalang may naging kamukhang-kamukha ako mula sa angkan namin at mas lalong nagulo ang isip ko dahil sa misyong sinasabi ni manang.

Natauhan lamang ako nang ibaba ni manang ang isang basong tubig sa harap ko kasabay no'n ay naupo rin siya sa upuan sa harap ko.

"Manang hindi ko pa rin maintindihan yung about sa misyon na sinasabi mo." Naguguluhang ani ko.

"Isa sa mga dahilang iyon kung bakit andito ako ngayon at naninilbihan sa pamilya niyo." Panimula niyang kwento. Hindi ako kumibo at inintay ang kasunod niyang sasabihin.

"Sa bawat miyembro ng pamilya niyo na dumadating o ipinapanganak ay nasasaksihan namin ng pamilya ko kaya pinagpapasa-pasahan lamang ng naging angkan ko ang pwesto ng paninilbihan sa pamilya niyo dahil nga sa misyong dapat gawin ng isa sa mga miyembro ng pamilya niyo." Unti-unti kong naiintindihan ang gustong iparating sa akin ni manang.

"Hanggang sa dumating ka at ako ang nakasaksi noon sa buong buhay na paninilbihan ng pamilya ko sa inyo." Nakangiting pagku-kwento nito habang naka tingin sa akin. "Ang sabi ko pa nga sa sarili ko noong unang araw na dumating ka sa mundong ito ay, dumating na rin ang taong matagal nang pinakahihintay ng misyon. Sobra-sobrang saya ang naramdaman ko no'n dahil bukod sa dumating ka bilang magiging alaga ko ay, matatapos na rin ang mga kasinungalingang matagal nang nakakubli sa mahabang panahon." Mahabang kwento ni manang habang hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa kanyang labi.

Ibig sabihin angkan lang din ni manang ang nanilbihan sa amin at kaya ganon dahil inaabangan nila ang pagdating ng gagawa ng misyong iyon at ako ang iyon.

Medyo naguguluhan pa din ako.

"Pero teka, manang. Bakit ako ang gagawa ng misyong iyon?!" Takang tanong ko habang naka tingin sa kanya.

"Dahil ikaw ang naging kamukha niya. Kamukhang-kamukha, iha." Mas lumawak pa ang ang kanyang ngiti.

Pero bakit ako pa rin? Hindi ba naging kamukha ni daddy yung naging lolo niya sa panahong iyon? O kahit sa mga angkan namin ngayon, ako lang ba ang may naging kamukha mula sa panahong iyon?

"Anong misyon naman iyon manang?" Kating-kati na akong malaman ang misyong iyon at kung saan.

"Ang malaman sa kung sino ang totoong nagpapatay kay Don Filipe na ama ni Victoria sa panahong iyon." Sumeryoso na ang kaninang masayang mukha ni manang.

Truth Under Lies (On-Going)Where stories live. Discover now