Kabanata 2

4 1 6
                                    

Kabanata 2

Unti-unti kong idinilat ang mata ko nang makarinig ako ng mahihinang bulungan sa paligid ko.

Hanggang sa maaninag ko na ang ilan sa mga iyon.

"Hija, maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Tanong ng isang babaeng naka baro't saya na lumapit sa akin saka kinapa-kapa ang aking noo.

Pinikit-pikit ko ba ang mata ko kung totoo ba talaga ang nakikita ko.

Nandito na ba talaga ako? Nandito na ako sa panahon ng angkan namin?

Sino itong babaeng ito na lumapit sa akin? Eto ba ang nanay ni Victoria na si Doña Victorina?

"Pwede ho bang paki sampal ako?" Tanong ko rito. Kita ko naman agad ang pagkagulat sa muka nito.

"Hindi ko maaaring gawin sa iyo iyon, hija." Maamong ani ng babaeng nasa harapan ko.

Nandito na nga ako!

"Totoo ba na gising na ang aking unica hija?" Rinig kong tanong ng isang lalaki na paniguradong ito ang ama ni Victoria.

"Hija, ano ang iyong nararamdaman? Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Dere-deretso nitong tanong.

"M-maayos na ho ang p-pakiramdam ko.. a-ama." Sagot ko rito na medyo nahihiya pa. Ngumiti pa ako ng awkward dito. Kita ko ang paggaan ng hininga ni Don Filipe.

Ang hirap pa lang mangapa sa panahong ito lalo na't wala ka namang gaanong alam sa ganitong panahon.

"Pinagalala mo kami ng masyado, hija." Sabay hawak ni Don Filipe sa kanyang noo.

"A-ano ho ba ang nangyari sa akin?" Tanong ko sa kanila.

"Bigla na lamang sumakit ang iyong ulo sa hindi namin malamang dahilan." Sagot ni Doña Victorina.

"Paumanhin po kung pinagalala ko pa po kayo ng dahil sa akin." Pagpapaumanhin ko sa kanilang lahat dahil kitang-kita ko ang pagaalala sa kanilang mga mukha. Bumangon pa ako mula sa higaan ko at isa-isang yumuko sa kanilang lahat na nandoon sa loob ng silid.

"Ayos lamang iyon, hija. Ang mabuti ay maayos na ang iyong pakiramdam." Ngiting tugon naman ni Doña Victorina.

"Ngayong maayos na ho ang aking pakiramdam, maaari muna ho ba akong magpahangin sa labas?" Nahihiyang tanong ko kay Don Filipe na aking ama.

Gusto kong malaman kung nananaginip lang ba ako o ito na talaga iyon. Baka mamaya kumuha lang ng mga tao si manang para pagpanggapin e.

Nagkatinginan naman ka agad si Don Filipe at Doña Victorina saka ito ngumiti sa isa't isa.

"Sige, hija." Ngiti ni Doña Victorina, hindi ako magkamali, ito ang ina ni Victoria.

"Salamat po, ina." Ngiting tugon ko naman.

Bumangon na ako nang tuluyan sa hinihigaan ko saka muling humingi ng paumanhin sa kanilang lahat.

"Paumanhin pong muli." Sabay ko yuko ko sa kanila at tuluyan na akong lumabas ng aking silid.

Ngayon ko lang napansin habang pababa ako ng hagdan na naka baro't saya na rin pala ako kaya pala para kakong ang bigat ng katawan ko.

Naisipan kong lumabas muna sa hardin ng bahay, paniguradong mas maganda ito noon kaysa ngayon sa kasalukuyan kung saan ako nanggaling.

Pagkatanaw ko sa hardin ay hindi nga ako nagkamali, mas maganda ito noon. Nangiti ako habang tinatanaw ang mga bulaklak na buhay na buhay at makukulay.

Naupo ako sa isang parang gazebo ata ito pero, siguro ay ganon nga. Ilang minuto lang ang nakalipas habang ang layo ng tingin ko ay.

"Aking kapatid, masyado mo kaming pinagalala." Rinig kong tinig ng isang lalaki.

Truth Under Lies (On-Going)Where stories live. Discover now