DAY 15

124 50 6
                                    

DAY 15

Maaga kaming nagising pareho ni Nathan kinabukasan. Masyadong limitado na ang natitirang oras para saming dalawa ayokong mag sayang ng oras.

"Good morning." Nakangiting bati ko sakanya ng magmulat siya ng mata. Nagulat pa siyang gising na ako.

"Good morning too! Ang aga mo naman magising matulog ka muna ulit kailangan mong mag pahinga." Napangiti ako sa sinabi niya. Ngayon wala na akong pag aalinlangan na mahal niya ako.

Ngayon ko napatunayang totoo ang nararamdaman niya para sakin. Ilang beses ko siyang pinagtabuyan kagabi pero heto at nasa tapat ko pa rin siya.

"Sabay na tayong mag breakfast" Alok ko sakanya. Ito ang magiging una at huling breakfast namin together.

Napangiti ako para sa mga plano ko ngayong araw. Kailangang sulitin bilang na lang ang oras na magkasama kaming dalawa. Maaring ito na ang huli.

"Sandali wag ka munang mag gagagalaw. Kailangan mo ngang mag pahinga." Paalala niya pa. Oo nga't nanghihina pa rin ako pero kailangan kong sulitin ang araw na to para sakanya. Gusto kong sumaya sa huling araw ko sa lugar na to.

Inalalayan niya pa akong makaupo ng maayos sa kama bago kunin ang breakfast table sa mesa katapat ng couch. Pinabili ko kay mommy yun nung tulog pa si Nathan.

Tahimik lang kaming kumakain na dalawa. Walang kahit anong inggay na maririnig sa buong kwarto kundi ang tunog ng nagkakalansingan na kubyertos.

Nang matapos kaming kumain nag pahinga lang ako saglit habang siya naman ay panay kwento lang. Lihim akong napapangiti sa mga kwento niya.

Lunes ngayon at may pasok ngayon kaya kailangan niyang pumasok sa school. Hindi siya pwedeng umabsent. Kung nagtataka kayo bakit nasa school kami nung Saturday may pasok kami until Saturday since half day na lang ang pasok namin.

Maaga pa naman para pumuntang school kaya nanatili muna dito si Nathan. Gusto ko sanang pumunta sa garden kaso mahigpit na pinagbabawal ng doctor ko ang paglabas ko sa ngayon. Kaya pagkakasyahin ko na lang ang oras namin dito.

Hindi ko alam kung anong gagawin kaya nakinig nalang ako sa mga kwento niya. Maya maya lang napatingin siya sakin ng maramdaman ang pagtitig ko.

"Bakit?" Tanong niya. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Mula mata sa ilong, sa labi, at maging ang panga nito. Gusto kong maalala ang mukha niya bago ko siya iwan.

"Wala, na realize ko lang na gwapo ka pala?" Biro ko sakanya. Napatawa ako ng bigla siyang ngumuso na parang bata. Sana ganto nalang lagi no? Kaso hindi kailangan ko munang gumaling para maging ganto kami.

"Dalawang linggo na tayong magkasama tapos ngayon mo lang na realize na gwapo ako? Nakakasama naman ng loob yun." Pagtatampo pa nito kaya lalo akong napatawa.

Dalawang linggo palang pero minahal na namin ang isa't isa. Sa sobrang bilis ng araw di ko namalayang dalawang linggo na pala ang nakararaan ng muli kaming magkita. Dalawang linggo na rin akong ginugulo araw araw nitong si Nathan. Kung sana di lang ako inatake nitong sakit ko sobra pa ata sa dalawang linggo ko siyang kasama. Kaso mahina yung puso ko eh. Hindi kinaya ang sakit.

Natahimik ulit kami. Ang sabi ko pa naman kailangan kong sulitin ang natitirang oras para saming dalawa pero ito ako walang masabi kahit na isa. Okay na rin siguro to di ba? Atleast kasama ko siya bago ako umalis.

Naninikip na naman ang dibdib ko at hindi ako ulit makahinga pero pinigilan kong ipakita sakanyang nahihirapan ako. Ayokong mag alala pa siya baka hindi siya umalis sa tabi ko. Kailangan ko pa siyang pilitin na pumasok sa school ngayon.

15 DAYS WITH YOU [Completed]Where stories live. Discover now