Panimula

5 0 0
                                    


This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

~~~~

Noong unang panahon, may isang Reyna na umibig sa kanyang personal na kawal. Tuwing gabi'y papapuntahin niya ito sa kanyang silid at pag-sasaluhan nilang dalawa ang init ng gabi. Dahil sa pagiging abala ng Hari sa kanyang pinamumunuan hindi siya nakapansin nang anumang kataksilan mula sa kanyang minahamahal na Reyna. 

Isang gabi, habang nakayakap ang kawal sa kahubadan ng Reyna ay bumukas ang pinto at iniluwa roon ang Hari. Bakas sa mukha nito ang gulat, galit, sakit at kagustuhang pagpatay. Madali nitong kinuha ang espadang nasa lapag na pag ma may-ari ng kawal at iwinasiwas sa pwesto ng higaan. Namumula ang mukha ng Hari sa galit, nagdidilim ang kanyang paningin at halos puputok na ang mga ugat sa kanyang noo. 

"Taksil! Taksil! Taksil" Sigaw nito at pilit sinusugatan o patayin ang kawal. 

"Tumakas ka madali!" Sigaw ng reyna sa kawal, tumingin sa kanya ito at tumango sabay tumalon mula sa bintana na may taas na sampung talampakan. 

"Nagdala ka ng kamalasan sa palasyo. Isa kang walang hiya!" Sigaw ng Hari sa Reyna at iwinasiwas ang espada na siyang dahilan kung bakit nagkahiwa ito sa pisngi.

Dahil sa sigaw at mga ingay mula sa nabasag na kagamitan ay naabutan ng iba pang mga kawal at alipin ang kanilang Hari na nag-pupuyos sa galit at napigilan nila ang posibleng kamatayan na muntik harapin ng Reyna. 

Tatlong taon na ang lumipas

 Ang Reyna noon ng palasyo ay isang naging alipin na lamang dahil sa kautusan ng Hari. Nalaman ng buong kaharian ang pagtataksil ng nasabing Reyna kung kaya't katakot takot na parusa, pamamahiya at pang aalipusta ang natanggap niya. Bawat araw siya'y pagpupunasin ng bawat litrato na mga nakapaskil sa kaharian at ang bilang nito'y mahigit kumulang na Isang daan at walo, tuwing gabi'y naman ay papapuntahin siya sa gitna ng kagubatan upang pakuhanin ng mga halamang gamot. Bawat iyak at pagmamakaawa niya sa Hari ay balewala.

Dahil sa pang-aalipusta na natanggap niya ay nagpasya siya na tumakas isang gabi at naglakbay ng ilang dako. Unang taon nang paghihiwalay nila ng kanyang kawal ay meron pa rin siyang balita rito ngunit ng magdadalawang taon na ay bigla na lamang wala ng liham na nagmula sa kawal. Ang huling sulat na hawak ng dating Reyna ay nakatungo sa lugar ng Alisuniope.

Tinungo niya ang lungsod ng Alisuniope, ilang araw siyang naglakbay sa kalagitnaan ng bundok at ng ilog marating lamang iyon. Nang makarating ang Reyna sa bayan ay nakita niya kung gaano kaaliwalas ito, lahat ng mga mukha ng tao ay bakas na bakas ang kasiyahan, para bang walang problema o trahedya ang nangyayari sa lugar na ito.

Sa likod nang pananakit ng katawan na kanyang iniinda at kakulangan sa tulog ay nag-libot siya sa bayan na iyon at kumakausap ng ilang tao upang tanungin kung san niya matatagpuan ang kawal na si Felicio. 

Lahat nang matanungan niya ang sagot ay "Ay ang batang si Felicio, nako napakabait at magalang ang batang iyon. Hala, dumiretso ka at hanapin mo ang nag-iisang panaderya rito. Doon mo siya makikita."

Malapad ang ngiti ng Reyna at nagmamadaling tumungo roon. Nagliwanag ang mata ng Reyna nang makita niya ang kawal na nakatayo sa labas ng panaderya, kitang kita nito ang nakangiting mukha ng kawal. Tumakbo ang Reyna papunta sa direksyong iyon, gustong gusto niya nang mahagkan muli ang iniibig ngunit natigilan ito ng may lumabas na napakagandang babae, napalingon si Felicio sa kanyang likuran at doon niya nakitang nakatayo ang kanyang napakagandang asawa na si Victoria at buhat buhat nito ang kanilang magdadalawang taon na anak na si Feliria.

Sa di kalayuan at nagpupuyos sa galit ang reyna, hindi niya maipaliwanag ang alab ng galit na namumutawi sa kanyang puso. Sa kabila ng hirap na napag-daanan niya sa kamay ng Hari ay ang kanyang totoong minahal na kawal ay may nakilala ng iba at meron na pa lang pamilya na binubuo. 

Madaling tinungo ng Reyna ang kagubatan at nag-hanap ng mga halamang gamot. Umiiyak siya sa galit habang iniipon lahat ng kakailanganin niyang halaman. 

"Nagpakahirap ako Felicio ngunit ito lamang rin pala ang igaganti mo sa akin?" Namumula sa galit ang mga mata ng Reyna at nagsimula na ito paghaluin lahat ng sangkap na kailangan niya at may mga kataga siyang binibitawan kada durog at lagay niya ng sangkap sa isang lalagyan.

Bago pa man mag-sara ang panaderya ay nakamasid rito ang Reyna, inaantay niya na lamang ang pag-uwi ng pamilya ni Felicio. Desidido siya na ngayong gabi ay may masasawi, may mag-mamakaawa at may magdadalamhati.

Tahimik niyang sinusundan ang pamilya at nagtungo na ito sa loob ng gubat. Napangiti siya ng malapad, hindi niya kasi aakalain na mas mapapadali pala ang pag-takas niya kung dito lang rin pala sa kagubatan ang tahanan nina Felicio. Matapos ang ilang minuto ay narating na nila ang kanilang tahanan. Masaya ang pamilya na nag-salo salo sa kanilang hapunan at lingid sa kanilang kaalaman ay may nagmamasid sa kanila.

Nang sumapit ang kadiliman at oras na nang pagtulog ay inihatid na ni Victoria ang kanyang anak na si Feliria. Hinehele nito ang kanyang anak ng palibutan ng maitim na usok ang kanilang tahanan, unti unting bumagsak si Victoria sa pagkaantok na nararamdaman ngunit yakap yakap nito ang anak. Ang batang si Feliria ay iyak ng iyak at pilit ginigising ang ina.

Si Felicio nama'y unti unti ring nakaramdam ng antok ngunit pamilyar sa kanya ang salamangka na iyon. "Ester!!!" Sigaw niyang pagalit at nakarinig siya ng malakas na pagtawa sa kalagitnaan ng kanilang tahanan.

"ESTER! MAGPAKITA KA!" Asik niya at kinuha ang espada.

"Felicio, maligaya akong makita ka muli." Lumabas si Ester sa gitna ng mga usok at buhat buhat nito ang anak ni Felicio.

"Bakit?!" Galit na galit si Felicio, nanginginig ito at mahigpit na nakahawak sa kanyang espada ng makita niya na nasa panganib ang kanyang anak. Si Reyna Ester ay apo sa tuhod ng pinaka-dakilang mangkukulam ngunit pinili nito na magpakabuti at hindi niya aakalain na lilitaw ang kanyang kaalam sa itim na mahika dahil sa sakit na dulot ng pag-ibig. "Nasaan ang aking asawa, nasaan si Victoria! Ibalik mo rin ang aking anak!" Tumakbo si Felicio sa silid ng kanilang anak at naabutan nito ang katawan ni Victoria na walang malay, walang pulso.

Umiling ang dating Reyna sa kanyang kawal at tumawa na namang muli.

"Ang dating nakakakita ay mabubulag, ang dating malakas ay hihina, ang dating matipuno ay kukulubot ang balat!" Matapos bitiwan ni Ester ang mga katagang ito ay unti unting nabulag si Felicio at bumigay ang mga tuhod. 

"H-hindi! Victoria! Feliria!" Sigaw nitong punong puno nang pag-hihinagpis.

"Paalam, Felicio." Umalis ang reyna at ang itim na usok ay bumalot sa bayan ng Alisuniope at lahat ng mga tao roon ay nawalan ng sigla, ang dating bayan na puno ng kasiyahan ay napuno ng pagtatangis at kalungkutan.

"Munting bata, ikaw ay babawian ko na ng buhay." Malambing na tono ng reyna sa batang buhat nito at inilapag sa halamanan. Nakatingin lamang sa kanya ang anak ni Felicio at walang ka muang muang na nasa panganib ito.

"Paalam." Tinawag ng Reyna ang mga ahas at inutusan ito na tuklawin si Feliria. Bago pa man dumampi sa balat ng bata ang mga makamandag na kagat nito ay may mga palaso na lumipad papunta sa direksyon ng Reyna at ito'y tumama sa kanyang puso.

"Ester." Matigas na salita ng Hari. "Hindi ko akalain na maglalakas ka ng loob tumakas sa aking kaharian at gagawa ka pa ng karumal dumal na krimen! Mga kawal siya'y patayin!!!" Sigaw ng Hari sa kanyang alipin.

Bago pa man lagutan ng hininga si Ester ay nakapagbitaw na siya ng sumpa para kay Feliria. Binuhat ng Hari ang batang si Feliria ngunit unti unti itong nawalan ng malay sa kanyang mga bisig...

---

A/n: I will try to update every week. Hehe

MedusaWhere stories live. Discover now