Ang palamuting kwintas ni Ester ay naging ahas at gumapang ito papunta sa batang Feliria kaya bago pa man malagutan ng hininga ang dating reyna ang sumpa nito ang siyang dala dala ng ahas na tumuklaw kay Feliria.
Nawalan ng malay ang batang Feliria at ang pagkakatuklaw ng ahas sa puno ng kanyang tainga ay dalawang kulay pula na animo'y mga nunal lamang ngunit ito ay may lason na makakapagpadala sa bingit ng kamatayan.
"Madali mga kawal! Kunin niyo si Felicio!" Sigaw ng Hari sa kanyang mga alipin.
Nagsitakbuhan ang mga kawal papunta sa bayan ng Alisuniope ngunit hindi na nila mahanap ang lugar na iyon. Ang dating daan palabas sa gubat ay nawala at ang bayan ng Alisuniope ay unti unting nawala sa kanilang ala-ala.
"Mahal na Hari, hindi namin mahanap ang daan!" Sigaw ng bawat isang kawal.
Ang katawan ni Reyna Ester ay naging alikabok at ang paligid ay nagsimulang mapuno ng itim na usok. Buhat buhat ng hari si Feliria at lahat ng mga alipin nito ay patakbong lumisan sa gubat na iyon.
~~
"Malubha ang lagay ng batang ito Mahal na Hari." Saad ng mang-gagamot. "Anumang oras ay pwede na siya lagutan ng hininga. Ngunit sa tingin ko ay pwede ka magpatawag ng salamangkero na pwedeng puksain ang sumpang naipataw sa kanya."
Napaisip ng malalim ang Hari sa sinabing iyon, tiningnan niya ang batang nakahiga. Ang kulay ng kanyang labi ay nawawala na, ang kanyang mga kamay ay namumutla na. Maaaring galit siya kay Felicio sa nagawa nitong kataksilan ngunit alam niya rin sa kanyang sarili na ang bata'y walang kinalaman sa pagkakamali ng kanyang magulang.
Pinatawag niya lahat ng salamangkero sa kanyang nasasakupan at sa limang salamangkero na naipatawag niya ang tanging solusyon lamang ay kaya lang nila alisin ang lason ngunit nasa bata na mismo ang sagot kung ito'y gigising pa ba.
Dahil sa lakas ng sumpa na naibitiw ng dating Reyna, ang limang salamangkero'y nagtulong tulong upang alisin ang lason na ito. Araw gabi ay may sinasambit silang mga kataga at sa ika-apat na araw ay doon na tuluyang nawala ang lason ngunit ang bakas ng pagkakatuklaw ng ahas ay kailanman hindi mawawala.
Pagod ang naramdaman ng limang salamangkero, bawat isa sa kanila ay unang beses nakasubok at nakaranas ng ganitong kalakas na sumpa kung kaya't nahirapan sila. Ang bawat isip nila'y nauwi sa pagsusumikap upang aralin pa ang bawat salamangka at sumpa dahil hindi biro ang kanilang nasaksihan.
Nag-palagay ang Hari ng dalawang kawal sa labas ng silid ni Feliria at may isang taga-bantay na alipin sa loob ng silid nito. Araw araw ay pinupunasan at pinapalitan ng damit ang bata. Ilang beses pa sila nagpapadala ng pagkain sa kaisipan na anumang oras ay baka gumising na ito.
~~
"Bakit ka nakasilip?" Gulat na gulat si Hades ng biglang lumapit si Feliria sa kanyang pwesto.
"Pa-paano ka nakapunta agad dito?" Tanong ni Hades at nag-iwas ng tingin.
Tiningnan ni Feliria kung san siya nakatayo kanina at paano siya nakalipat sa ganoong kalayong pagitan ng mga bato. "Ewan" sambit niya at tumawa. "Anong pangalan mo?" Dagdag pa nitong tanong sa batang lalaki.
"Hades. Prinsipe ng Impyerno." Buong lakas loob na salita ni Hades at tumindig sa harap ni Feliria na nakapag-pahagikgik sa bata. "Ikaw?" Masungit na tanong naman nito.
Napaisip ng malalim si Feliria at umupo sa gilid ng bato. Tumingin siya sa baba at kitang kita niya ang mga kaluluwa ng bawat tao. Hindi niya mawari pero parang alam niya sa isipan niya na wala siya sa totoong mundo at alam niya rin na buhay pa siya.
"H-hindi ko alam eh." Mahina niyang sambit. "Bakit ka nandito? Ito na ba ang impyerno?" Inosente niyang tanong, tiningnan niya si Hades at umupo ito sa kanyang tabi.
"Hindi mo alam ang pangalan mo?" Mahinahon na tanong ng batang lalaki na siyang nakapag-pailing kay Feliria. "Ako na lang mag-bibigay sayo ng pangalan mo!" Ngingiti ngiting banggit ni Hades at pinag-masdan rin ang mga kaluluwa ng tao, ang ilan rito ay nakapila na sa dalawang pinto. Ang pinto papuntang langit at ang pinto papuntang impyerno. At ang iilang kaluluwa ay wala pang direksyon parang katulad lang sa sitwasyon ni Feliria ngunit alam rin ni Hades na hindi pa ito patay kundi naglalakbay diwa lang.
"Ito yung paborito kong laruan, ang Limbo. Tuwing abala si Ama ay dito ako pupunta at hinuhulaan ko kung saang pinto pupunta ang bawat kaluluwa na nakikita natin ngayon." Pahayag nito. Sumulyap siya sa batang Feliria at namangha siya sa ganda nito, maninipis na mapulang labi, ang kanang mata ay itim na itim ngunit ang kaliwang mata naman nito ay kulay-abo. Napakunot rin ang noo nito ng mapatingin siya sa buhok ni Feliria dahil iilan sa hibla ng buhok nito ay parang ahas. "Medusa." Wala sa sarili niyang bukambibig pero sa pagkakataong iyon ay naibulalas niya na lamang.
"Medusa?" Tanong ni Feliria sa kanya.
"Oo, Medusa yun na lang ang pangalan mo." Nakangiting pahayag ni Hades. Tumayo ito at inabot ang palad kay Medusa upang alalayan ito makatayo. Pero isang napakalakas na kalembang ng kampana ang nakapag-payanig ng bawat malalaking bato.
"H-hades!" Sigaw ni Medusa at nakahawak ang iisang kamay. Pilit inaangat ang sarili upang hindi mahulog.
"Medusa!" Sigaw rin ni Hades at pilit hinihila si Medusa mula sa bangin. Nang maiangat niya ang batang babae ay habol hininga sila parehas at nakapasalampak silang dalawa.
"Hades." Isang napakalaking boses na halos nagpadagundong sa Limbo at nang mag-angat ng tingin si Hades ay nakatayo sa kanilang harapan ang kanyang Ama.
"Ama!" Malapad na ngiti ang ipinakita ni Hades sa kanyang Ama at saka yumakap sa binti nito samantala ang batang si Medusa naman ay nanginginig sa takot dahil parang higante ang tinawag na Ama ni Hades.
"Ama! Ama! Yung batang kwinekwento ko sayo" Itinuro ni Hades si Medusa sa kanyang Ama at hinawakan niya ito sa kamay. "Siya si Medusa." Pakilala niya.
Ngumiti ang Ama ni Hades at inilahad nito ang kanyang kamay sa batang Medusa, sa una'y nag-alangan ang batang babae ngunit pagsulyap nito kay Hades ay tinanguan siya kaya inabot ni Medusa ang kamay ng Ama nito.
"Oras na upang ikaw ay manumbalik sa iyong mundo, hindi mo pa oras. Walong taon ka nang nalalagi rito. Bumangon ka, Medusa." Pahayag nito at isang napakalakas na kalembang na naman ng kampana ang dumagundong sa Limbo.
Gulat na gulat ang reaksyon ni Hades ng mawala si Medusa sa kanyang harapan, pakiramdam niya ay niloko siya ng kanyang Ama at inalis ang nag-iisang kaibigan na nakilala niya. Ang gulat na reaksyon ay napalitan ng galit, ang itim na mga mata ni Hades ay nag-iba ng kulay na para bang umaapoy ito dahil sa kanyang naramdaman.
"Hades, anak." Nakangising sambit ng kanyang Ama. "Para saan ang galit na nararamdaman ko mula sayo?" Tanong nito.
Tumalikod ang hari at nagsimula humakbang pabalik sa Impyerno at nakasunod rin rito ang dalawang bolang kulay asul na apoy samantalang si Hades ay nakatayo lamang roon at ang dalawang kamay ay nakakuyom dahil sa sobrang galit. "Inalis mo ang nag-iisa kong kaibigan." Matigas, madiin at malamig na sambit ni Hades ngunit ikinatawa lamang ng malakas nito ng hari. "Mag-lagi ka pa ng anim na taon rito sa Impyerno at papayagan kita sundan ang sinasabi mong kaibigan. Patunayan mo muna sa akin ang sarili mo, anak ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/285823253-288-k156279.jpg)
YOU ARE READING
Medusa
FantasíaHindi maintindihan ni Medusa kung bakit napaka-sama ng mundo, hindi mabatid ng kanyang kaisipan bakit may mga taong handang makipag-patayan para sa kapangyarihan at hindi niya matanggap na ang pagmamahal ay mapanlinlang at sakim. Ito ang kwento ni M...