Mga luhang umaagos. Oo, minsan talaga nakakapagod umiyak pero mas nakakapagod pigilan ang mga luha at magpanggap na matapang. Napansin mo ba? Lagi ka na lang umiiyak sa isang sulok. Pinipilit itago ang mga kahinaan. Di mo na alam saan nanggagaling yung sakit. Bakit mo laging inuunang isipin ang iba imbes na sarili mo? Di mo ba naisip na mahalaga ka din? Katulad ng halaga ng kahinaan mo ay katumbas ng halaga ng mga lakas mo.