Hindi ko alam ang aking mararamdaman sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala. Iilang buwan na lang ay iiwan ako ng mga magulang ko. Bakit nangyari yun? Kaya ba wala na akong sakit na nararamdaman dahil itinaya nila ang buhay nila para mailigtas ako?
Umalis na ako sa harap ng silid nina Ama at Ina. Ayoko ng marinig pa ang mga pinag-uusapan nila. Sapat na ang aking narinig.
"Master Zion. Hinahanap---"nilampasan ko lang ang dama at tumakbo ng mabilis patungo sa aking kwarto.
Dumiretso ako sa kama atsaka bumuhos ang aking luha. Sa lahat ng ngiti at saya na pinapakita nila Ama at Ina sa akin. May malaki palang problema silang kinahaharap. Bakit kailangang mangyari ang ganung bagay? Hindi ako handa para mawala ang mga magulang ko. Ayoko silang mawala sa tabi ko.
"Zion,Anak."kaagad kong pinunasan ang luha ko at inayos ang aking sarili. Pumasok si Ina saka ngumiti ito sa akin.
"Zion. Sabi sakin ng Dama na mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo."sabi ni Ina at umupo sa aking tabi.
"Maayos po ang pakiramdam ko. Malakas na malakas."masiglang sabi ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin at hinaplos ang aking buhok.
"Mabuti naman. Hindi ako makapaniwala na ang laki mo na,Zion. Gagandang lalaki ka sa pagtanda mo."sabi niya sa akin. Kita sa mga ngiti at mata niya ang lungkot. Kahit alam ko na ang dahilan ay pipilitin kong maging malakas sa harap nila.
"Oo naman, Ina. Tatangkad ako ng mas matangkad kesa kay Ama."tumawa ito sa aking sinabi.
"Atsaka gusto kong makita niyo ako kung paano lumaki at tumanda. Gusto kong maging isang malakas at matapang tulad ni Ama."kita ko kung paano nanginig ang mga labi ni Ina saka ako niyakap nito.
"O-oo,Anak. Magiging katulad ka ng iyong Ama. Matapang. Malakas."naramdaman kong may tumulo sa aking likod. Umiiyak si Ina. Alam kong hindi nila masasaksihan ang aking pagtanda. Masakit isipin. Humigpit ang yakap ko sa kanya.
Kung sana na lang ay humaba pa ang buhay ng aking Ama at Ina. Gusto kong masaksihan nila lumaki at tumanda kasama sila. Kasama sa aking tabi.
---
Dalawang buwan ang lumipas, nawala na si Ina. Husto ang pighati ang nararamdaman ng buong angkan at ng Deria.
Naging malungkot ang buong kaharian dahil sa pagkamatay ni Ina. Hindi ko na nakikitang lumalabas ng silid si Ama. Kahit ako ay hindi nalabas ng aking silid dahil labis ang sakit na nararamdaman ko.
"Anak, tatagan mo ang loob mo. Parati mong isipin na lagi akong nakabantay sayo at gabayan ka sa anumang tatahakin mo sa buhay."
Yan ang huling sabi sakin ni Ina bago siya mawala. Sobrang sakit sa damdamin ang mawalan ng Ina sa buhay. Wala ng mag-aaruga sa akin. Ang laging kakanta sa tuwing tutulog ako. Kahit alam ko na ang mangyayari sa kanila ay napakasakit parin na makita na isa-isang mawawala ang mga mahal mo sa buhay.
"Master,kumain na po kayo. Ilang araw na kayong hindi kumakain."sabi sakin ng Dama habang inaabot ang pagkain sa akin. Hindi ako umimik at nakatulala lang ako sa kawalan.
"Hindi pa din siya nakain?"
"Hindi po,Obispo. Hindi rin po siya naimik. Lagi lang siyang nakakulong sa silid niya."lumapit sa akin ang Obispo atsaka humarap sa akin.
"Master Zion. Alam kong labis ang pighati niyo sa pagkawala ni Lady Aniya. Sana huwag niyong pabayaan ang inyong katawan. Malulungkot ang iyong Ina kapag nakita kang nagkakaganyan."tinunghay ko ang ulo ko at tumitig sa kanya. Bumuhos ang aking luha sa mga sinabi niya.
"Nangungulila ako kay Ina! Bakit ganito ang nangyayari? Ayokong may mawala pang malapit sa akin!"sabi ko habang humahagulgol. Niyakap ako nito at ramdam ko ang haplos nito sa aking buhok.
"Obispo! Ang Lord Colson!"natigilan kami ng pumasok bigla sa silid ang ministro. Ang Ama? Anong nangyari kay Ama?
"Anong nangyari?"
"Nanghihina na po ang kanyang katawan."sabi nito kaya dali dali kaming tumungo sa silid ni Ama.
Pagkarating namin ay nakita kong nakahiga sa kama niya si Ama at halata sa itsura nito na hinang-hina na siya. Kaagad akong tumakbo at lumapit sa kanya.
"Ama! Ama!"
Rinig ko ang hininga nito na napakalakas.
"Lord Colson!"
Tumingin ito sa akin.
"Z-zion. I-ikaw....ba...yan?"mahinang sabi nito. Inilapit ko ng bahagya ang mukha ko upang makita niya ako ng malapitan.
"Ako nga ito,Ama. Si Zion."sabi ko at kita ko kung paano ito ngumiti sa akin. Dahan dahan niyang itinaas ang kamay nito saka tinapik ang aking ulo.
"P-patawarin....mo...kami,Anak."wika nito. Hindi ko mapigilang umiyak sa sinabi ni Ama. Huwag. Huwag ngayon.
"H-hindi....ka namin....makakasama ng....m-matagal. P-patawarin mo....kami."hinawakan ko ang kamay nito at patuloy lang ang pagluha ko.
"A-ama...."hagulgul ko.
"Ma..maging malakas ka at.....m-matapang. K-kayanin mo....ang lahat,Zion."kita ko na tumulo ang luha nito na lalong nagpadurog sa aking puso.
"S-sa iyo ko.....ipamumuno...ang Deria. M-mahal na.....mahal ka namin."sabi niya hanggang sa tuluyan na siyang mawala. Ang mga kamay niya ay nawalan na ng buhay. Humiyaw ako sa sakit na nararamdaman ko. Hindi pa ako nakakabawi sa sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni Ina tapos ngayon.....sumunod na din si Ama.
Bakit ganito ang kondisyon? Ang hirap tanggapin na halos magkasabay silang nawala sa akin. Sino na lang ang susuporta sa akin? Wala na yung mga taong nagbibigay saya at lakas sakin. Ang sakit sa dibdib.
"Lakasan mo ang loob mo,Anak."
"Gagabayan ka namin kahit anong mangyari."
Hindi ko kaya. Hindi ko kayang wala kayo Ama, Ina. Kailangan ko kayo.
"Master Zion,ipinabibigay po ni Lord Colson para sa inyo."inabot sa akin ng ministro ang isang medalyon. May ukit ito ng isang dragon. Kawangis nito ang dragon na si Flavia.
"Ang medalyong iyan ang magsisilbing Hari o namumuno ng Deria."sabi ng Obispo. Tumingin ako kay Ama at hinigpitan ang hawak sa kamay nito. Kahit masakit,pipilitin kong mabuhay mag-isa.
Sa akin, iniwan nina Ama at Ina ang Deria. Hindi ko sila dapat biguin. Kahit hindi ko alam ang mga posibleng mangyayari sa akin,pipilitin kong tanggapin dahil binuwis nila ang buhay nila para sa akin.
BINABASA MO ANG
Awaits of the Golden Dragon | WIP
FantasyMarami na akong nasaksihang pangyayari sa loob ng ilang daang taon. Digmaan, pandemya, mga pangyayari sa kalikasan at higit sa lahat, masaksihan ang mga taong namamatay nang dahil sa katandaan, sakit o di kaya hindi inaasahang sitwasyon. Sa bawat n...