I LOOKED at the door when I someone knocked. Kumuyom ako at pumuntam sa pinto para tingnan iyon. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito saka hinila para magbukas ang pinto. Tumambad sa akin si Jack na nakatayo at may hawak ng tray ng pagkain.
"Lunch," he said and smirked. "Ayaw mong sumabay sa amin sa kainan sa lobby kaya heto, utos ni Leon."
Kinuha ko nang isang kamay ang tray. Naglalaman ang tray ng kanin, hard boiled egg, mashed potato, saging, at tubig na nakalagay sa medyo maliit na baso. Heto rin naman yata ang kinain ng iba kaya hindi na ako mangangamba na baka may lason ang hinatid sa akin ni Jack. Bukod na lang kung si Jack ang mismong naglagay ng lason sa pagkain ko.
"Naglagay ka ng punching bag, huh," biglang sabi ni Jack.
Lumingon ako sa likura ko. Tiningnan ko ang punching bag ko sa kuwarto na ako mismo ang nagkabit. Kanina ko pa sinusuntok iyon bago kumantok si Jack. Kanina ko pa sinusuntok iyan at minsan ay sinisipa ko na rin para sa pagsasanay. Punong-puno na ako ng pawis at ngayon lang din nakaramdam ng gutom. Nakapag-almusal naman ako bago mag-umpisa magsanay.
"Yeah." I returned my gaze to Jack. "Training."
"If you want to train your combat skills, there is Mikee. The girl who can see vision," Jack said then he just disappeared.
My forehead wrinkled. Iyon ba 'yong babaeng pumunta sa vending room para ibalita kung ano ang nakita niya? Sabagay, sa kilos at anyo niya, makikita niya sanay siya sa pagkikipag-away. Baka kapag hinamon ko iyon ng suntukan ay ako pa ang mabugbog sa babae.
Sa isang iglap ay naglaho sa harapan ko si Jack kaya sinara ko na ang pinto. Tumungo ako sa kama ko at umupo saka inumpisahan nang kainin ang pagkain ko. Masarap naman at wala akong nalasahan na kakaiba kaya napanatag naman ako na wala siyang nilagay na lason. Pero kung ang lason ay wala talagang lasa, kailangan ko munang maghintay ng ilang sandali para sa magiging epekto ng lason na nakahalo sa pagkain ko.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin 'yong pag-uusap namin noong isang araw. Nagpaplano pa rin ako kung paano masosolusyunan ko ang kagagawan ko na nagpadamay sa mga kasamahan naming caster. Kung hindi lang dahil sa banta ni Jack sa buhay ko, hindi talaga ako gagawa agad ng solusyon para maiayos ang mga ito. Hindi ko sila responsibilidad pero dahil kay Jack, dapat ko na rin siguro silang ikonsidera.
Kabilang na ba ako sa grupo na ito? Parang kumikilos na kasi ako bilang miyembro nila. Tutal, gusto rin naman nila ng pagbabago kaya bakit hindi na ako makibilang sa kanila para hindi na ako nag-iisa? I'm a battlecaster now.
Pero may bumabagabag sa akin. Paano kung mangyari rin sa kanila? Kung sino pa naman ang nakakasama ko ay nadadamay at nawawala, gaya nina Linux at Xavier. Parang sumpa na sa akin ito na kung sino ang lumapitat mapalapit sa akin ay mawawala rin kalaunan.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako saglit. Tinanggal ko ang damit ko pang-taas bago ako nag-umpisang magsanay kaya tuloy-tuloy ang pagdausdog ng pawis sa aking katawan. Nag-isip-isip hanggang sa matunawan ng kinain at bumalik na ako sa pagsasanay. Tumagal din ako sa pagsasanay sa punching bag hanggang sa mapagod na ako. Nagpunas ako ng pawis gamit ang tuwalya para matuyo ako. Nakaramdam din ako ng antok dahil sa pagod kaya humilata na ako sa kama at hinintay ang antok na lamunin na ako para makatulog na agad.
Nang magising ako ay isinuot ko na ulit ang damit ko saka lumabas ng kuwarto. Hindi ko alam kung gaano kahaba ako nakatulog. Malalaman ko naman iyon kapag nakarating na ako sa lobby. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako. Dahil ba 'yong mga caster na nadamay ko ay naroon o dahil kay Jack? Hindi ko alam. Kung magkakaroon man ng banta sa akin, handa naman ako. I can just draw my rifle quickly and shoot them. Pero parang lugi ako dahil marami sila at may mga kaniya-kaniya pang kapangyarihan. Kaya hangga't maaari, hindi ako gagawa ng aksyon na p'wedeng maging mitsa ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Battlecast: Underground
Fantasy(Published under TBC Publications) BATTLECAST #1 Change is the thing we can't get from them. We are beasts on their eyes.