XIX | Chase

21 5 0
                                    

NOBODY moves because of their warning. Leon raised his both hands so I raised mine too. Kaming mga nasa frontline ay nakataas na ang mga kamay, 'yong mga nasa likuran namin na may buhat na katawan ay nanatiling may buhat-buhat.

Apat na mercenary robot ang lumapit sa amin nang dahan-dahan. Parang kinokontrol sila ng mga tao na nasa headquarters nila at hindi sila nakagagalaw nang sarili lang nila. May mga nakita rin akong mga sundalo na may bahagi ng katawan nila ay robot. Cyborg kumbaga. Similar sa katawan ng tao ang katawan nila. Napansin ko rin na ibang klase ng baril na ang gamit nila. Gusto kong malaman ang pangalan ng baril nila.

"Ready. . ." I heard Leon whisper.

Palipat-lipat ang tingin ko sa mga robot na papalapit sa amin. Halos isang metro na lang ang agwat ko sa isang robot na papunta sa akin. No'ng sobrang lapit na niya sa akin, hinawakan ko agad ang nguso ng baril niya at itinulak ito pataas saka nagpakawala ng bala ang robot. Sunod ay siniko ko ang braso nito at hinawakan ang ulo nito. Lakas-p'wersa ko itong pinilipit paikot at hinatak pataas para ito ay mapugutan. Kinuha ko ang baril ng robot at itinutok ko ito sa mga sundalo at task force na kinakalaban na rin kami. Nagpapakawala na ng kapangyarihan ang mga kasama naming caster at lumalaban din pabalik ang mga kalaban namin.

"FIRE!" Someone shouted from the enemy side so I immediately turned my head at them.

I saw the muzzle of the tank turned to us. My eyes widened as I realized what's gonna happen. How the f*ck that tank came down here underground?

"Leon!" I shouted and turned my head to him. "Tank!"

He finished off a cyborg. He gazed at me then to the tank. Just a moment, the tank fired a rocket towards us. Leon stretched his right arm and clenched his fist. Biglang may malaking bato ang umangat para harangan ang missile. Noong tumama na ang missile ay sumabog ang bato na nagpadapa sa amin dahil sa lakas ng yanig. Unti-unti akong tumayo at inobserbahan ang paligid kung may susunod pang pag-atake. Ibinaba na ni Leon nang dahan-dahan ang kaniyang kamay at kasabay nito ang pagbaba rin ng malaking bato.

"Blow up the tanks," Leon commanded.

Agad akong nagpalabas ng bazooka sa aking kamay at itinutok 'yon sa isang tangke na tila nagre-reload na ng panibagong rocket. Inasinta ko ang tangke at kinalabit agad ang gatilyo. Lumipad papunta sa tangke ang rocket na galing sa bazooka ko at naglikha iyon ng napakalakas na pagsabog na nagpadamay sa mga sundalong malapit doon.

"Pasabugin niyo na rin ang iba para kumaunti ang magiging hadlang," utos ni Leon saka tumakbo na ulit sa mga kalaban.

Nag-reload ako ng bagong rocket saka itinutok sa isa pang tangke at kinalabit ulit ang gatilyo. Habang papalipad na ang rocket patungo sa tangke, pinawala ko na ang bazooka sa kamay ko at pinalitan ng isang rifle para kumalaban na rin ako sa mga sundalo. Sinunod-sunod ko ang pagpapaputok ng baril sa kalaban at naka-ilang beses akong nagpalit ng baril dahil nauubusan ng bala.

Nakikita ko ang iba't ibang kapangyarihan ng mga kasama kong caster para lang maprotektahan ang mga nasa likuran namin. Flying magical cards, fireballs, super strength, and many more. Hindi ko alam kung may ibubuga pa ang kanilang kapangyarihan.

"Nabawasan na sila. Umabante na tayo at para na rin mapilitan silang umatras din," payo ko at nagpatuloy sa pagpapaputok ng aking baril sa kalaban.

"Manatili sa plano! Frontline tayo para maprotektahan natin ang nasa likod—AAAAAHHH!"

Agad akong napalingon sa gawi ni Leon nang bigla itong sumigaw. May drone na lumilipad sa harapan niya at nakita ko ang parang kableng nakakabit sa kaniya na tila kinukuryente siya nito. Patuloy lang sa pagsigaw si Leon na nag-iinda ng sakit kaya binaril ko na lang ang drone na nasa harapan niya. Naubos ang bala ko sa drone kaya pinawala ko na ang hawak kong baril at papalitan na sana ng bagong baril nang makaramdam ako ng malakas na kuryente sa aking katawan na nagpasigaw sa akin sa sakit.

"H-Hindi. . .ako. . .makagalaw!" pinilit kong banggitin habang nag-iinda ng kuryente sa katawan.

"J-Jack!" rinig kong sigaw ni Leon.

Pinilit kong lingunin ang gawi nina Jack at ang ibang battlecaster. Bakas na sa mga caster ang takot habang pinapanood kaming nahihirapan sa pakikipaglaban hanggang sa matagpuan ng mga mata ko si Jack na may sinasabi sa bangkay ni Mikee. Sunod, may sinabi si Jack na nagpalingon kay Psychie sa kaniya. May sinabi pa si Jack sa kaniya at tumango na lang si Psychie. At, namataan kong ginamitan na rin ng psychic power ni Psychie ang katawan ni Mikee. Si Jack naman ay tumayo na at nilapitan ang katawan ni Mikee na nakalutang dahil sa kapangyarihan ni Psychie. Hinalikan niya ito sa noo at inayos pa ang buhok nito.

Naglakad na ito papunta sa amin nang hindi inaalis ang tingin kay Mikee, tila sinisilayan niya ito sa huling sandali. Noong humarap na siya tungo sa amin, parang natabunan ng itim na usok ang mukha niya at patuloy pa rin siya sa paglalakad. Huminto siya sa paglalakad at sumilay sa labi niya ang napakalawak na ngiti na umukit sa usok at nagpataas ito ng buhok sa braso ko. Isang mahinang tawa ang inilabas niya na kasabay ng pagkabalot kadiliman sa kapaligiran. Parang heto 'yong nangyari noong muntik na akong mahuli ng mga task force at iniligtas ako ni Jack. Iyon din ang naging unang pagkikita namin.

Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Jack na nagpakaba sa akin nang sobra. Bigla na lang din nawala ang kuryente sa aking katawan at kasabay niyon ay bumagsak sa harapan ko ang drone na hati na sa dalawa. Gawa pa rin ba ito ng dagger or kutsilyo niya? Kumuyom ako at tumayo na saka inilibot ang tingin ko sa paligid. Tanging itim lang ang nakikita ko at wala nang iba. Wala rin akong naririnig na tawa, sigaw, pagsabog, o pagpapaputok ng baril kaya hindi ko na malaman kung ano ang nangyayari sa paligid ko.

Sa isang kurap lang ng aking mata, nawala na ang bumalot na itim sa paligid at napalitan naman ng pagkagulantang ko nang makita na maraming sundalo at miyembro ng task force ang nakahilata na lang sa lapag at may mga dugong umaagos. Hindi kalayuan sa harapan ko, may lalaking nakatayo roon. Si Jack 'yon na may sinasakal na sundalo at nakaangat ito sa lapag. Wala na rin ang parang usok na tumatakip sa mukha ni Jack kanina.

"Ipararanas ko na ang impyernong ipinaranas niyo sa akin mula noon hanggang ngayon. Iilang tao na malapit na rin sa akin ang pinaglaho niyo, lalo na ang ka-isa-isang pinanghahawakan ko nang sobra," nagngingiti niyang sambit sa sundalo at agad na hiniwa niya gamit ang kutsilyo ang leeg ng sundalo kaya lumabas o sumirit palabas ang dugo na nagpadungis sa kaniyang mukha. "Babagsak kayong lahat."

Umiwas ako ng tingin dahil nakikita ko ang paghihirap ng sundalo sa ginawang paghiwa ni Jack sa leeg nito. Binalik ko na lang ang tingin ko kay Jack noong marinig kong may bumagsak na katawan sa lapag. Napuno na ng dugo ang mukha ni Jack at mas lalong nagpakilabot sa akin ang malawak nitong ngiti habang iwinawagayway niya sa ere ang kaniyang kutsilyo.

"Who's next?" tanong niya at sinundan niya ng malakas na pagtawa. Nahagip ng mga mata ko ang telang nakatali sa bisig ni Jack. Kulay itim na tela iyon at may marka na baril at patalim na parang sagisag ito.

Sagisag ng ano?

Battlecast: UndergroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon