Pasiuna

12 1 0
                                    

What A Plot You Were.

Ave

"Hindi pa ba tayo lalarga t'yang? Male-late na tayo sa flight."

"Eto na pababa nako! Katukin mo na din yung mga pinsan mo sa mga kwarto nila't anong petsa na kamo!" jusko naman, bat naman kasi ako pa,asan ba sila manang?

"Joji! Labas na, aalis na tayo!" Sinimulan ko na silang tawagin isa isa hanggang sa napadaan ako sa may kwarto ko malapit sa kwarto ni Renea,pinsan ko.

Mula sa may hallway ay tanaw ko ang isang maliit na kahon, katabi no'n ay isang litrato na kuha pa sa Maynila nung mga panahong ako pa. Hindi ko nga lamang maalala kung anong laman non, ayoko na alalahanin pa. Nakakapagod. Nakakasuka, Nakakapang hina. Napaka sakit niya mahalin.

"Hoy gaga, ba't tulala ka jan?" Hindi ko namalayan na nandirito pala si Jia, sumilip siya sa may pintuan at tinignan ang tinitignan ko kani-kanina lamang.

"Ayon naman pala e, inang to wag ka mag-alala, miss ka din nun tsaka malay mo makita ko siya mamaya diba?" Putang-
"Inamo, di ko siya miss at kahit kailan hindi ko siya ma mi-miss pwe!" Ano siya gold?

"Nako, nako, Amara Veronica  Levine Rodriguez. Hanggang kailan ka magpapaloko sa damdamin mo?" Nakapamaywang niyang tanong. "Ba't di ka gumaya sakin? I gave him a second chance tas boom! Naging mas masaya na kame?" Edi kayo na, wala namang nakikipag kompetensya sainyo e

"Ah talaga ba Jia? Pakyu, ulol wag mokong igaya sayong marupok!"

"HAHAHAHAHAHA kesa naman sayo bitter, walang kasiyahan sa buhay!" Bulyaw niya bago nagtatakbong bumaba ng hagdan. Masaya kaya maging single ulol.

Nagpatuloy nako sa pagtawag ng mga pinsan ko para makaalis na.

"Kindly check your stuffs first bago tayo puma-airport, baka may mga naiwan pa kayo." Sabi ni tiyang Lolly. Hindi nako nag-abala pang tignan ang bag ko dahil na check ko naman na ito kanina pa

"Wala naman pong naiwan tyang, mauna na po ako sa sasakyan"

"Saba'y nako Ara, tapos nadin ako mag check" pahabol ni Liam

"Sure, tabi na din tayo ha, gyera kami ni Jia lakas mang trash talk ampota kala mo naman di marupok!" Pag ra-rant ko sa kanya habang naghihintay kami sa loob ng van, he's the only boy cousin I'm close and comfortable with. He only chuckled, aba Isa rin tong abnormal.

Isa isa nang nagsidatingan yung mga pinsan ko so we both went silent until naka rating na kami sa airport at sa byahe papuntang Manila.

I'm going to miss the sea again... I'll be back Cagayan. I promise.

"Pstt, mag muni-muni kana malapit na tqyoag land sa manila" gising sakin ni Liam.

We're back at the chaotic reality again,but this time stronger.

Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan na susundo samin, I bumped into a putang- anong ginagawa neto dito?

"Goddamn, look where you're going-" hindi na niya naituloy yung sasabihin niya nung tinawag siya nung mestizang babae na nasa di kalayuan

"Caelan! Let's go! Our in-laws are waiting!" He then smiled and said something to the girl.

I didn't eavesdrop, nagpatuloy nako sa paglalakad, mejo nagtaka pa sila kung ba't daw nawala ako sa tabi ni Liam kanina.

Kahit pala alam mong prepared ka na at healed, masakit parin pala yung harap harapang isasampal yung katotohanan na may iba na. Na hindi na ako o talaga bang naging ako?

Reminiscing the scene earlier made me realize that he's happy now, he looked free like he didn't leave a miserable lady behind.

Andrew Caelan Lopez Park,

What a plot twist you were.


Casino of HeartsWhere stories live. Discover now