Prologue
Now playing : Somebody To You
Song by The Vamps🎶Look at me now, I'm falling
I can't even talk, still stuttering
This ground I'm on, it keeps shaking
Oh, oh, oh, now!🎶Patugtog ko sa cellphone habang naglilinis ng kwarto sa new apartment ko. Konti lang ang mga gamit ko kaya nagbabalak akong pumunta ng mall upang mamili ng mga gagamitin sa bahay. Mag-isa lang naman ako kaya konting gamit lang ang kailangan ko. Mamimili na rin ako ng mga school supplies para sa Monday dahil pasukan na sa school.
🎶All I wanna be, yeah, all I ever wanna be, yeah, yeah
Is somebody to you
All I wanna be, yeah, all I ever wanna be, yeah, yeah
Is somebody to you🎶Sinasabayan ko na rin ang kanta dahil naaaliw ako, kahit na sintunado ay kakanta ako kasi wala namang nakakarinig sakin. Bigla namang napalitan ang tunog dahil may tumatawag. Si mama. Agad ko naman itong sinagot.
Hinintay ko munang magsalita si mama.
"Ahm Nak grace, kumusta ka na?"
"Okay lang naman, ma."
"Good to know, kumain ka 'wag kang papalipas ng gutom ah."
"..." narinig kong nag sigh si mama sa kabilang linya. Ayan na naman ang sasabihin niya.
"Di parin ako makaka uwi diyan Nak, hindi pa ako pinapayagan ng stepfather mo eh. Basta wag kang mag alala makaka uwe rin ako sa next year."
"Okay." Yan ang lagi kong sinasagot sa tuwing binabanggit niya ang kanyang pag uwe sa next year ulit dahil sa bago niyang pamilya sa Canada.
"Nak, pagpasenyahan mo na si mama, magpapadala nalang ako sa auntie mo para may magastos kayo diyan."
"Ahmm ma, pwede mo bang ideretso nalang sa akin ang mga pinapadala mo?"
"Bakit naman Nak?"
"Ahm.. D-di po kasi ako nakakapag-ipon pag si auntie may hawak eh." Pagrarason ko which is totoo naman kasi di na ako halos bigyan ni auntie ng pang budget sa school. Hindi kasi alam ni mama na bumukod ako upang makalayo kay auntie dahil sinasaktan ako nito. Si papa ang nagsusustento sa akin at hindi iyon alam ni mama. Isa pa Di pa alam ni mama na bumukod ako ng bahay malayo kina auntie.
"Pero nak-- Mommy, can you bring me some food? -- Sige nak sayo nalang ako mag papadala, tatawagan kita mamaya."
"By--" Inoff na ni mama ang tawag. Tsk, sana all nandyan lang sa tabi ang magulang.
Bumalik naman agad ang pinatugtog ko kanina. Inoff ko nalang ito dahil nawalan na ako ng ganang makinig. Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko upang makapagpahinga na. Humiga ako sa kama na parang pagod na pagod. Bigla namang tumunog ang doorbell. Bumangon ako at sinilip iyon. Yung pina deliver ko palang pagkain.
"Jollibee delivery." Inabot ko ang bayad at saka nagpasalamat. Nagpa deliver nalang ako ng pagkain para sa pananghalian ko dahil wala na akong oras sa pagluluto.
Mabilis kong tinapos ang kinakain ko.
"Ang sarap talaga ng pagkain sa Jollibee, lalo na 'tong burger steak."Pagkatapos ko namang kumain ay naligo na ako, nagbihis at umalis ng bahay.
YOU ARE READING
The Krazzy Ghost
Подростковая литератураAng kaluluwa ng mga patay ay may karapatang malagay sa tahimik nang sa gayon ay makatawid na sa kabilang buhay. Kaya naman, upang makatawid ay bawat kaluluwang hindi pa nakakatawid ay inatasan ng bawat isang tao na makakatulong upang matapos ang kan...