Chapter 1

36 4 12
                                    


Gracen  P.O.V.

NANDITO ako ngayon sa labas ng NBS dahil sa kahihiyan at sa pagkagulat.

Nakakakita ako ng multo?!

Nagpara agad ako ng sasakyan upang makauwi ng bahay. May humintong taxi sa harap ko at bago pa man maka pasok sa loob ay naalala kong magpagpag muna upang hindi ako sundan ng multo.

Nakahinga ako ng maluwag nang paandarin na ni manong driver ang sasakyan at tuluyan na kaming nakalayo.

Hindi parin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Ang sinabi ng cashier, bagamat nakakainsulto ngunit totoo ang kanyang mga sinabi.

I'm your ghost.

I'm your ghost.

I'm your ghost.

Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga katagang iyon.

Whaaaa! Anong ibig sabihin niya dun?! Kinakabahan na talaga ako baka nakasunod yun? Di naman siguro, nagpagpag na ako noh!

Ibig sabihin ba malapit na akong mamatay? Bakit naman ako nakakaramdam ng takot, eh magiging multo rin naman ako? Mabuti na rin siguro iyon, hindi na ako magsusuffer. Nakukuha ko naman ang mga pangangailangan ko pero, pero ang gusto ko hindi.

Gusto ko lang naman maranasan na may buong pamilya, 'yong tipong di ko nararamdaman na anak ako sa labas.

Nakauwi na ako sa apartment ngayon. Dapat hindi ako masyadong nag-iisip ngayon dahil bukas na ang first day of school. Bawal ang stress lalo na't transferee ako.

Nasa higaan na ako para matulog na. Pero maghahating gabi na, mulat na mulat parin ang mga mata ko. Bakit di ako makatulog?! Antok, bakit ayaw moko dalawin?! Kailangan ko ng matulog... Huhuhu. Nag-isip na lamang ako ng kung ano ano para mapagod ang aking utak. Wow, may utak? Malapit na mag-alas tres ng dalawin ako ng antok at nakatulog na rin sa wakas.

KINABUKASAN hawak ko ang susi ng apartment ko at pinaglalaruan sa kamay ko ito habang naglalakad sa hallway papuntang elevator dahil papasok na ako sa school ng biglang malaglag ko ang susi. Dahan-dahan ko naman itong kinuha mula sa lapag at may napansin na mga sapatos sa tabi ko.

"Hmm, good morning." bati ko sa kanya ng hindi siya tinitingnan.

Hindi ito sumagot nanatili lamang sa kinatatayuan kaya di ko na ito pinansin pa. Bastos ah. Binati ko na nga choosy kapa? Ano ka gold?

Tumayo na ako at pumasok na sa elevator. Tiningnan ko kung papasok ba siya ngunit pinagtaka ko na wala palang tao. Namamalikmata lang ba ako? Baka wala sigurong tao kanina.

Bigla naman akong kinalibutan nang maalala ko ang pakiramdam kahapon na nakakita ako ng multo sa NBS. Pakiramdam na takot na takot.

Hindi, puyat lang ako kaya nakakaisip ako ng kung ano-ano. Tama, puyat lang ako, wala akong nakita at namalikmata lang ako ngayon. Pagkukumbinsi ko sa sarili ko. Pinaandar ko na ang elevator papuntang ground floor ngunit hindi pa man nagsasara ng tuluyan ang pinto ng elevator ay bumukas ulit ito. Dito na ako kinabahan ng husto, namamawis na rin ang mga kamay ko na hawak-hawak parin ang susi. Pinindot ko ulit ang button upang magsara nang may isang kamay na humarang sa pagkakasara ng pinto ng elevator.

"KYAAAAAHHHHHH!!!" napasigaw ako at napaupo dahil sa tindi ng takot na nararamdaman. Imagine, mag-isa lang ako sa elevator tapos may gantong pangyayari!

"Miss, are you okay?" naramdaman kong may humawak sa akin kaya naman lalo pa akong napasigaw.

"Shhh, I'm here, I'm here. You're safe now."  ramdam ko ang comfort at safetyness sa kanyang mga sinabi. Dahan-dahan ko namang tiningnan ito at... at ang lapit ng mukha namin sa isa't- isa! Natutulala ako, gosh!

The Krazzy GhostWhere stories live. Discover now