Shimmy Anne Cananea
A girl who has a dream of becoming a Doctor. Araw araw nitong binibilang kung ilang taon na lamang ang natitira upang siya ay maging ganap na doctor.
"Dr. Shimmy....hmm sarap sa ears." Ngumiti ito ngunit agad ding napawi ng makita ang mensahe ng taong halos araw araw niyang sinusuyo.
"Alam mo break na tayo nasisira lang pagaaral ko dahil sayo eh.... Hindi ka naman marunong umintindi eh pipiliin ko nalang career ko kesa sayo. Pati magulang ko di ko na nasusunod dahil sayo eh... Habang sinusunod mo magulang mo magulang ko di ko masunod eh... Sensya na pipiliin kona ngayun ung sarili ko at future ko.. Break na tayo decision ko yan." Tumulo ang luha niya kasabay ng mahinang pagtawa.
"Aba, gagong 'to. Ito na nga sumira sa buhay ako pa ang pinagbintangan." Umirap ito sa harap ng cellphone at nagtype.
"Hoy tanga! Sinira mo na nga pagaaral ko, sinira mo pa ang buhay ko. Sana okay ka lang? Masama talaga ang ugali mo sa magulang mo at ako masunurin akong anak. Abnormal! Maghiwalay na tayo wala kang dulot! Baka nakakalimutan mo, highschool palang ako at college ka na pero ako pa gumagawa ng thesis mo tapos... Ang tanga mo." Pagkasend nito ay napamaang na lamang siya sa nakita.
You can't reply to this conversation.
Di man lang siya binigyan ng pagkakataong sumbatan ito. Sa bagay, wala rin naman itong patutunguhan. Mas mabuti pang manahimik na lamang.
Humiga ito at ipinikit ang mata. Mahabang gabi para sa babaeng tangang nagtiis sa loob ng dalawang taon.