Chapter 1

0 0 0
                                    

Kanina pa siya tulala at hindi malaman kung ano ang gagawin sa nobyong araw araw na lamang sakit ng ulo. Ayaw naman n'ya itong iwan dahil naibigay na nitong lahat sa kanya.

Oo lahat. Pati monthly allowance ko sa kanya napupunta.

Speaking of monthly allowance hirap na hirap itong padagdagan sa kanyang ama ang sustentong ibinibigay ng ama sa kanila.

1500? A month? Aba matinde nga naman.

Gusto niyang magpart time job sa fast food restaurants pero ayaw naman siyang payagan ng nanay n'yang kala mo ay nagbibigay din dito ng pera.

Bakit ba kasi ako nagkaroon ng magulang na inuuna ang kalandian kaysa sa mga anak.

Tatlo. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay, hiwalay na ang magulang niya at may kanya kanya na itong relasyon. Hindi pamilya, hindi naman sila annulled.

Pumunta siya ng kusina upang ipagluto ang nobyong galit nanaman sa kanya dahil hindi niya ito nabigyan ng ulam kanina. Ang gago nagtampo! Di niya malaman kung anong utak ba meron ang nobyo at ganon na lamang ito magtantrums.

Daig pa ang babae sa pagtatampo.

Noong nakaraan ay inabot pa sila tatlong araw na hindi nagpapansinan dahil nagastos n'ya iyong perang bayad ng customer niya sa  pagbebenta ng make up. Kailangan lang naman n'ya iyon dahil wala na s'yang pambili ng project.

Hmm. Bango.

Nagluto siya ng sinigang, ito kasi ang paborito nitong ulam. Tinawagan niya ito ngunit hindi nito sinasagot ang cellphone.

Hays. Kakapalan ko nanaman ang mukha kong magpunta sa kanila kahit ayaw naman saakin ng nanay niya pandak.

Lumabas na ito ng bahay dala dala ang topper ware na may lamang dinigang at pinuntahan ang nobyong nagkukulong nanaman sa madilim nilang bahay.

"Love. Nagdala ako ng paborito mong ulam oh. Sinigang." Pinilit nitong ngumiti kahit gusto na lamang niyang lamunin ng lupa.

"Bakit ka ba pumunta dito? Ayoko kainin yang luto mo, diba sabi ko hiwalay na tayo? Di ka ba marunong umintindi?" Malamig na sabi nito sa kanya.

"Eto naman, sorry na. Hindi ko naman sinasadyang hindi ka bigyan ng ulam nagugutom na talaga ako kanina." Panunuyo niya dito. Napangiti naman si Shimmy ng tanggapin nito ang ulam.

"Sige na umuwi ka na. Andito si mama di ka makakapasok." Tumango na lamang ito at lumabas ng skinita nila.

Araw araw ganon ang routine nila. Ang mag-away. Nagsasawa na itong laging sinusuyo ang nobyo ngunit hindi rin naman nito mapigilan.

Pumunta ito sa bahay ng kaibigan at doon muna tumambay.

"Franceeee!!" Sigaw niya sa bintana ng tindahan ng kaibigan. Sa bakery ito nakatira kaya naman lagi siyang tambay doon, kapitbahay lang naman n'ya ito kaya hindi siya nahihirapan kahit araw araw pa silang magsama. Libre pagkain na rin.

"Shimmy Anneeee!! Ano!? May chika ka nanaman? Nagaway nanaman kayo ni Nico ano?" Inirapan ni France si Shimmy at pinapasok sa loob ng bakery.

"Ano pa nga ba? Pagod na pagod na kong manuyo. Lalaki ba ko? Bakit parang ako lagi may kasalanan? Ulam naman ngayon ang dahilan ng pagaaway namin." Lagi nitong kasama ang kaibigan kaya lahat ng hinanakit nito ay alam ni France.

"Sinabi ko na kasi sayo, bata palang tayo ganyan na ugali niyang si Nico, di na yan magbabago!" Inis na sabi ni France.

Tama nga naman ang sinabi ni France sa kanya. Bata palang sila napapansin na nila na bossy nga ito at palanging gustong nasusunod ang sa lahat ng bagay. Mapalaro man o mapakwentuhan.

Noong mga bata sila may dalawang grupo lagi ang labanan ng laro. Kalaban nila sina Nico at mga pinsan nito habang kakampi naman ni Shimmy sina France at ang iba pang kapitbahay nila. Pero ngayon? Nagsilipatan na ang mga kababata niya at sila nalang ang natira.

"Alam mo naman na hindi ko kaya. Kahit may pagka-abnormal iyon ay sobrang mahalaga iyon sakin. Iisipin ko lang na tanggapin ang alok niyang makipag hiwalay ay hindi ko na kaya at kusang lumalapit ang katawan ko para pigilan siya. Sorry ng sorry kahit hindi naman ako ang may kasalanan. Ewan ko ba!" Napasabunot nalang si Shimmy sa kanyang buhok.

"Wag na natin siyang pagusapan. Ako may kwento ako!" Excited na sabi ni France at pinalo palo pa siya sa balikat.

"Aray naman, France! Napakabrutal mo talaga!" Lagi kasi itong namamalo pagexciting ang kwento nito sa kanya

"Eto na nga, Shimmy! May nakilala ako sa Omegle! Omygeeee! Naguusap na kami ngayon sa Telegram. Ang gwapo niyaaa! Kyle ang name niya." Sabi nito na tila kinikilig-kilig pa.

"Oh ano naman pinagusapan n'yo? Baka bastos yan kaltukan ko yan." Sanay na ang kaibigan sa kahigpitan niya kahit na magkaibigan lang sila. Para sa kanya din naman ang ginagawa niya.

"Hindi naman! Eto na nga, Michael ang pangalan niya. Ang gwapo beh!" Kinikilig na sabi ng kaibigan sabay hampas sa braso niya. Sinamaan niya ito ng tingin dahil sa lakas ng hampas nito. Mamamantal nanaman ang braso niya.

"Saan? Patingin nga! Baka naman 'di gwapo yan" "Gwapo siya beh! Kaso baka hindi mo bet." Magkaiba sila ng taste ng kaibigan kaya naman alam na niyang hindi niya magugustuhan ang boylet nito, ngunit basta't masaya ang kaibigan at nageenjoy sa ginagawa ay sinusuportahan niya ito. Wag lang niyang maisip ang mukha ng kinakausap.

"Teka, uuwi na nga pala ako. Magbabasa pa ako ng libro. Bye-ers!" Sigaw niya kahit magkalapit lang sila.

"Sige girl! Mamaya ha! Tambay ka rito, wala akong kasama magtinda." Tumango ito at umuwi na muna ng bahay.

KINAGABIHAN ay inaantay nalang niyang pumunta ang nobyo upang magpasuyo. Ganito ang gawain nito kapag nag-aaway sila. Ang nobyo niya ang pupunta sa bahay at siya naman itong maghahabol.

Bakit maghahabol? Dahil 'yon ang gustong mangyari ng nobyo.

Maya-maya pa ay narinig na niya ang yabag na papa-akyat ng hagdan, nagkunwari itong natutulog.

"Shimmy." Tawag ni Nico sa kanya at mahinang tinapik ang balikat niya.

"Mmm! Oh? Andito ka pala, Nico." Maang na sabi niya.

"Gusto ko lang sabihing maghiwalay na tayo. Wag na wag mong babanggotin ang pangalan ko sa harap ng nanay mo. Ako na bahalang magsabi sa kanyang hindi ko na kayang tumagal pa sayo." Ouch. Lagi nalang ganito ang naririnig niya. Kailan ba siya matututo?

"H-huh? Makikipag-hiwalay ka nanaman? Nico, nagsorry naman ako sayo eh. Wag ka namang ganyan." Hinawakan niya ito sa braso ang hinila papalapit sa kaniya.

"Ano ba? Lagi mo nalang iniisip ang sarili mo. Magkasintahan tayo, Shimmy. Pero parang sarili mo lang lagi ang sinusulusyunan mo." Gusto niyang matawa sa sinabi ng lalaki pero pinipigil niya ito, ayaw niyang lumala pa ang away nila.

"Sorry.." lagi nalang sorry ang line niya sa nobyo. Wala na rin naman siyang maisip na sasabihin dito dahil sa katunayan ay wala nman siyang kasalanan.

Napapikit nalang si Nico ng mata at bumuntong hininga. "Last na to, Shimmy." Tumango siya at pinaupo ito sa kama.

"Gusto mo bang pumunta ng park bukas? Bukas na iyon dahil ber months na." Tumango nalang siya sa nobyo.

Hindi naman niya gustong pumunta doon, pumayag lang siya dahil alam niyang may gusto nanamang bilin ang nobyo at siguradong pera nanaman niya ang gagamitin.

"Dito ka ba matutulog? Weekends naman ngayon sigurado akong expected na ni mommy na dito ka magsstay." Hindi naman sila nagli-live in. Natutulog lang ang nobyo niya sa kanilang bahay tuwing weekend dahil wala ring pasok ang nanay niya.

"Oo. Dito ako matutulog." Niyakap siya nito at hinalikan sa leeg.

"N-nico, baka mahuli tayo nasa baba lang sila." Umiling ang nobyo niya at hinila siya paountang kwarto niya sa ikatlong palapag ng bahay.

Muli siya nitong hinalikan at alam na niya kung anong mangyayari. Tinugon na lamang niya ito.



To be continue.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVING The Right GuyWhere stories live. Discover now