"Kung ako ang mamimili, i want the half russian guy. Ang laki ng biceps, mars!" Nasa coffee shop kami malapit sa PAO kung san ako nagtatrabaho at sa ospital kung saan din ang pinapasukan ni Gigi. Pero kung makapagsalita 'tong babaeng to.. ang lakas ng boses kainis!
"Bunganga naman, Gi."
Humalakhak siya tsaka nag-sip sa coffee niya. "Pero alam ko ang pinapipilian mo is yung half japanese na bagets at yung isang oppa na 30 years old, di ba? Lahat sila eligible pumasok sa bahay ni kuya, mars. So sino na nga?"
"I like the japanese guy more. But he's too young." I took a bite sa cake na inorder ni Gigi. Agad kong kinuha ang tissue para iluwa din yun. Putek! Blueberry cheescake pala to!
"Di mo naman jojowain e. Semilya lang naman kukunin mo. Tsaka 20 years old na yun, may utak na yun at breadwinner pa. So malamang responsable yun at nag-iisip na ng matino."
May point siya.
In a span of one week, naasikaso na ni Gigi ang lahat. Nakausap na agad si Kento Fukuda para sa "date" kuno namin para makapag-usap na or if may idadagdag pa siya sa kontrata.
"Malapit lang ang school ko sa condo mo no?" He calmly asked. Casual lang ang damit niya na suot samantalang ako ay naka corporate attire. Hinubad ko lang ang coat ko para maging less formal ang dating. Sa starbucks kami nagkita ngayon at mukhang kakagaling lang niya sa school.
"Yup. May idadagdag ka pa ba na request sa contract natin?"
1)100k ang usapan namin. 50k muna ang ibibigay kong paunang bayad. 2) Titira siya sa condo ko ng 1 to 2 months hanggang 3 months (with additional 50k) hanggang di ako nabubuntis. 3) Hindi pwedeng malaman ng family ko na may ganitong setup kami, just in case na malaman, he will become my fake boyfirend. Just in case lang. 4) Walang makakaalam ng setup ng kahit na sinoman, especially katrabaho ko or mga kaklase niya. 5) Di siya maghahabol sa bata at di rin ako maghahabol ng sustento galing sa kanya. 7) We will sleep exclusively to avoid STD on both parties.
6) Once na nabuntis niya na ko, aalis na siya. And lastly, no falling in love, para walang drama."Ahmm, i have a special request. You're a criminal lawyer, right?" I nodded. "I have friends na legal management major and i can't afford to give them gifts so irerequest ko sana if.. if may unusual or weird ka na kasong hawak, pwede bang manood kami ng hearing?"
Napatanga ako habang nakatitig sa kanya. That's.. that's sweet of him. And very weird. He can afford gifts so ganito ang paraan ng pagreregalo niya.
"So kailangan pang "How to get away with murder" ang dating ng kaso?" I asked.
He smiled and swallowed. I saw his adam's apple moved. "Yeah."
"Hearings in real life are boring, okay? Just so you know." I explained. "But well, if that's what you want to give them as a gift, i can make that happen. Consider it done."
"It's the thought that counts, right?" He sipped his coffee while looking at me.
I nodded.
Nilabas ko na ang checkbook ko at simpleng sinulatan na iyon para maibigay kay Kento.
"I'll move in tomorrow. Wala akong pasok at konti lang naman ang dadalhin ko. If you are not comfortable, pwede rin akong umuwi uwi sa dorm pag gusto mo." Marahan ang boses niya habang sinasabi iyon. Napansin ko ang humahaba niyang buhok. Mejo natatakpan nun ang mga mata niya.
"I'll be fine. Walang kaso sa akin if andun ka. I have 2 bedroom unit. Pwede ka dun sa kabila if you need privacy. Pero iniisip ko kung okay lang sayo na sa kwarto ko na lang ikaw?" Walanghiya kong suhestyon. Nilunok ko na lahat ng pride at hiya ko. Syempre paano ako mabubuntis kung di kami magtatabi, di ba?

YOU ARE READING
The Donor
General FictionApartment 29 Series 1: The Donor Amanda is a successful lawyer who doesn't have the time, the feelings and the will to date or marry. Tho she wants her own kid, minus the husband.