"Eto ba? Half russian? Type mo ba ganyan?", tanong ni Gigi, a long time friend and my OB.
I finally made up my mind to get pregnant, without a boyfriend or a husband. Tinatamad ako sa part na yun kaya eto, naghahanap kami ng best candidate to become my sperm donor.
I know what i want. Yung walang sakit syempre or may namanang malalang sakit, gwapo para cute ang bata, at higit sa lahat yung madidispatya ko pag tapos na ang transaction. No feelings. No emotion. No drama.
Bat ba ako mag aaksaya ng panahon to date then maglolokohan lang kami in the end? It's a waste of time. Gusto ko lang magkaroon ng anak. Ma-experience yung natural way of pregnancy and become a good mother, sa abot ng makakaya ko.
Don't get me wrong. I dated. I flirted din naman lalo nung college but maintaining a relationship? Jusko hirap na hirap ako! Lagi silang nawawala, o kung minsan di ko mafeel na mahal ko sila kahit gusto ko naman sila. Nakakapagod pilitin na magkaroon ng feelings. Nakakapagod din naman maghabol if sila naman ang di makapagbigay sa hinihingi mong feelings.
Kaya ngayong 30 years old na ko, may sapat ng ipon, may sariling bahay, may sasakyan and stable na trabaho, eto na lang ang palagay kong kulang na gusto kong magkaroon. A child.
"How about this?" Tinuro ko ang papel kay Gigi. He has gray eyes. Gusto ko ng colored eyes sa anak ko. Hmmm. Dreamy. "His face. My type," dagdag ko pa.
"Pwede din yan, Mands. Pasyente ko ang nanay niyan. Makakatulong ka for sure, financially."
100k ang ibibigay ko para mabuntis niya ko. After kong masiguro na buntis na, pwede na siyang lumayas. Hinanda ko na ang contract at lahat ng mga request ko sa magiging transaction. Donor na lang talaga ang kulang.
"Pero 20 years old lang siya." Medyo nakangiwi kong saad kay Gigi.
"At least he's healthy. Hindi gaanong masalita yan, hindi ka naman siguro makakaproblema sa kanya." She paused then drank her coffee. Nasa office niya kami ngayon. "He's good looking, you know. Kita ko na yan ng ilang beses sa personal. Matangkad. Sa UP din nag-aaral. Wala akong alam na inherited disease except lang yung nanay nga niya na pasyente ko. She's got ovarian cancer. Pero wala naman silang alam kong lahi ng cancer."
Nag-aalangan ako. Paano if magkaroon ng cancer ang baby ko?
"Mabuti pa pumili ka ng at least 5 sa mga papel na nandito then we can arrange an interview. Parang medical background check lang."
Sumang-ayon ako sa kanya.
I wanted a foreigner sana. Maybe japanese or pwede din ng western. I am excited but i am worried about my family in province. They're too conservative and old-fashioned. Di sila papayag sa ganito. Pero may solusyon na ako para doon.
It's not about me being scared in marriage or commitment. Pag babae ka, you are expected to have your own family at what? 26 years old? Or younger than that? At pag nasa 30s ka na, mukha ka ng kawawa pag wala ka pang permanent relationship or di ka pa kasal or walang anak. Bakit? Dahil wala kang katuwang sa buhay? Walang mag-aalaga sayo pag tanda mo? That's not me. Pero syempre, babae pa rin ako at kailangan kong magkaroon ng anak habang healthy pa ang matres ko.
May times na nakakapressure ang society. I'm worried too. Takot din akong mag-isa no. Gusto ko din na mahalin ako. But i know that if someone won't be there for me as a lover or husband, I AM STILL GONNA BE FINE. Personal choice ko yun, at minus ang pressure sa society, i am still me kahit walang asawa o anak.
I am fine with no man. But i want a child. That's my ultimate dream in this lifetime. To become a good mom. Mas masasaktan ako if di ako magkaanak kaysa sa hindi ako makapag-asawa.
And i'm willing to pay para lang magkaroon ng anak. Sariling anak.
Na examine na ni Gigi ang limang pinili ko. They are perfect candidate for this transaction. Nakausap ko na ang tatlo. Maganda naman ang naging takbo.
Kakagaling ko lang sa cr ng mamataan na may kasama ng naghihintay sa table namin si Gigi. Pareho kaming nakacasual outfit magkaibigan. Naka tshirt na puti at blue jeans ang lalaking kaharap ng kaibigan ko. We are on a fine dining restaurant. Hindi gaanong matao.
Palapit ako ng palapit sa table ng lumingon sila pareho sa akin.
"This is my friend Kento," turo ni Gigi sa akin. "Attorney Amanda Suarez."
Tumayo ang lalaki. Ang tangkad! Hanggang ilalim lang yata ako ng kilikili niya.
"Kento Luigi Fukuda, Attorney." His too formal. Nilahad niya ang kamay para makamayan ako. Mainit ang palad niya at magaspang din.
"Take a seat please. And call me Amanda." I gave my warmest smile. Agad na binawi ang kamay at umupo na.
"Japanese mare," walangyang bulong ni Gigi sa akin. Alam niya kasi na mahilig ako sa anime. Feeling niya dream come true sa akin 'to.
Mejo may kahabaan ang buhok niyang alon-alon. Abo ang mata, dahilan kaya ko siya napili. Matangkad siya ng sobra sa akin at katamtaman ang laki ng katawan. May suot siyang lanyard na kulay maroon, may tatak na 'UP' at 'Engineering'.
Kung ano ang nasa picture sa chart ni Gigi ay ganun din sa personal ang mukha ni Mr. Fukuda. Or mas gwapo siguro ng slight dahil nakikita ko ang bawat pag kilos niya at ang bony facial stucture niya. Mula sa paglingon at paglunok niya ay mapino ang kilos.
Sharp gray eyes. And proud nose. Gwapo magiging baby ko pag sa kanya nagmana for sure!
But one thing na ayaw ko sa kanya?
"Civil engineering di ba, Kento?" nakangiting tanong ni Gigi.
"Yes po doc."
"You have to sign first this powerful non-disclosure agreement before we proceed. Pag nagustuhan ka ni Amanda at walang maging aberya, ikaw na ang kukunin niyang donor." She explained profesionally just like he informed our previous candidates.
Agad na pumirma si Kento at tumingin sa akin.
"May iba pa ba kayong nainterview na?" His voice isvery manly. Malalim at sigurado.
I nodded. "Meron na."
"Actually, you're our 4th guy." Sabi ni Gigi.
Tumango-tango siya habang nakatingin pa rin sa akin.
"Sana ako na lang ang piliin mong maging donor, Amanda." Hindi siya nagsusumamo pero nanghihikayat at sigurado ang tono niya.
One thing. That keeps me from choosing him.
He's just 20 years old.
YOU ARE READING
The Donor
Genel KurguApartment 29 Series 1: The Donor Amanda is a successful lawyer who doesn't have the time, the feelings and the will to date or marry. Tho she wants her own kid, minus the husband.