"Father wag niyo gawin sakin to! Anak niyo rin naman ako ahhhh""Di ako ang may gawa Spencer kahit naging masama ako di ko naisip na gawin yun sa kanya na lasunin siya"
"Lance!!!!"
"Father,Spencer lahat kayo maniwala naman kayo ohhhhh"
Kahit anong sabihin ko di parin sila naniniwala sakin,kahit isa sa kanila sariling ko ama,kapatid,fiancee,kaibigan.
Ahhh oo nga pala kahit minsan di nila ako tinuring na anak,kapatid,fiancee at kaibigan dahil walang nagmamahal sakin ni isa wala.
Kahit anong gawin ko di nila ako minamahal.
Napa yuko na lang ako dahil alam ko na ang mangyayari sakin ang mamatay.
Hahahaha maganda rin to ang mawala na talaga sa mundong to!
Napatingin ako sa aking ama na walang makikitang bakas ng pagkalungkot sa kanyang mga mata.
Titingin na sana ako sa iba na may dumating na isang lalaki na nakamaskara na siyang nakapukaw sa kanila.
Meron itong pulang buhok na kahit nakamaskara ay makikita mo parin ang pagkagwapo niya.
"Your Highness!!" Sabay yuko nila
Ang prisipe!!!!
"Sino ang gumawa nito,mapapatay ko siya!"
Bago nila masabi kung sino ang gumawa na hindi ko naman talaga ginawa ay kinuha ko yung isang maliit na sword.
Mas maganda nga na ako na lang ang papatay sa sarili ko kaysa sa iba.
Di ko na pigilan maiyak!!
Paalam!!
"Young Lady! Gumising na po kayo!"
Napamulat ako! Asan ako? Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa gilid ko.
"Mie?" Teka nandito si mie ang pagkakaalam ko namatay siya sa isang krimen.
Bakit nandito ako sa kwarto ko noon!!! Pumunta ako sa salamin at nagulat sa nakita ko!Ito ako nung 14!!!!!