Chapter 2

21 4 0
                                    

Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon na dapat talagang iwasan.
At sa dalawang tao na siyang kinaiinisan,di pala sakin pala naiinis na di ko alam kung bakit.

"Stacy nalaman ko na pumunta ka pala kay dad at gusto ko malaman kong ano yun"

Sabay inom niya ng tea.
Siya ang kuya ko!
First child ng Lamperg
Spencer Lamperg.

Meron siyang kulay berdeng buhok at berdeng mga mata. Napaka seryoso niyang tumingin lalo na kapag may ginawa kang masama.

Same rin dito sa isa na kasama namin na same sa buhok pati sa mata ni kuya Spencer.

Stephen Lamperg!

Kung si kuya ang nakapa seryoso siya naman ang napaka pilyo na siyang nag aaway sakin at gumawa ng masasama at isasabihin na ako ang gumawa na di naman.

"Gusto ko lang sabihin na"

"Na?"

"Gusto kong tanggalin ang pagiging Lamperg ko at umalis na dito sa mansyon"







Nung time na papunta ako sa opisina ni dad naglakas loob ako na sabihin ang dapat gawin lalo't na nasa plano ko naman ito na umalis at mamumuhay sa matiwasay.

"Anong kailangan mo!" Cold niyang sabi na nakapokus lang sa binabasa niyang papeles.

Siya si Kurt Lamperg ang duke at siya ang ama ko.

Berdeng mga mata at berde din ang mga buhok. Kaya nagtataka ako bat ganun pareho nga kami sa kulay ng mga mata pero sa kulay ng buhok ay siya naman kakaiba sakin.

Kailangan mo ng masabi stacy heilyn ang gusto mo bago ba matulad sa dati na nangyari sakin.

"Ama gusto ko lang sana humingi ng pabor"

At dun natigil niya ang ginagawa niya at napatingin sakin ng malalim.

"At ano yun Stacy?"

Nang masabi ko na kay dad ang dapat sabihin di ko na nakita ang reaction niya sa desisyon ko. Nakayuko lang kasi si dad at di na umiimik kaya umalis na ko agad. At ito na nga nakasalubong ko si kuya spencer na nasa likod niya si kuya stephen.

Ayan nasabi ko na din sa kanila kung ano ang nasabi ko kay dad. Di ko din nakikita kung ano ang reaction nila sa sinabi ko pero sa tingin ko naman na gusto rin nila yun na mawala ako dito.

"Aalis na ako mga kuya" sabay tayo at pagbigay ng galang sa kanila.




Simula nung bata ako ni isang beses di nila ako pinapansin,binibisita,at nginingiti kaya siguro nagawa ko yung time na yun na gumawa ng mga bagay na siyang mas lalong pag kainis sakin. Pero iba na ngayon na binigyan ako ng isang pagkakataon na mabuhay ulit at ayusin ang dapat ayusin. Kapag na ok na at pinayagan ako ni ama aalis na talaga ako at di na magpapakita sa kanila.

Sana nga!!!!


The Girl Who Never LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon