NAPAUNGOL si Bea nang maalipungatan siya. Ang sarap ng pakiramdam niya habang nakasiksik siya sa mainit na bagay. Malamig kasi at ang init na nagmumula sa kung ano man iyon ay kay sarap sa pakiramdam. Pagkuwa'y naramdaman niyang may nakatanday sa mga binti niya at may nakapatong sa balakang niya.
Noon siya napadilat. Ang dibdib ni Jake ang una niyang nakita. It was only then she realized that she was on Jake's arms. Maingat siyang tumingala. Ang natutulog na mukha ni Jake ang nakita niya. Nakalugay ang buhok nito kaya may mga hiblang tumatakip sa mukha nito. Napansin niyang bahagyang humaba ang mga stubbles nito. He looks gorgeous even on his sleep.
Napangiti siya. He kept his promise last night. Hindi na nga lang niya namalayan ang pagtabi nito sa kaniya. Tinitigan niya ang mukha nito. Ang sarap namang magising na ang mukha nito ang nakikita niya. Siguro ay palaging maganda ang gising niya dati dahil ang mukha ni Jake ang palagi niyang nakikita sa umaga.
Maingat niyang inangat ang kamay at hinawi ang buhok nito upang mas lalo niya pang mabistayan ang mukha nito. Pagkatapos ay pinaraanan niya ng daliri ang stubbles nito. Nakakakiliti sa balat iyon. Pinigilan niyang mapahagihik at ipinagpatuloy ang paglandas ng daliri niya hanggang sa pisngi nito, palapit sa ilong nito, pagkatapos ay sa gilid ng mga labi nito, hanggang sa makurbang mga labi nito. Nasa ganoong akto siya nang bigla itong dumilat. Napaigtad siya sa gulat. Aalisin na sana niya ang daliri niya nang mabilis nitong hawakan ang kamay niya. Humigpit din ang pagkakadantay ng mga binti nito sa binti niya.
Her face is burning with embarrassment. "S-sorry kung nagising kita," sabi na lamang niya.
Bigla itong ngumiti. Pagkuwa'y kinintalan ng halik ang kamay niya. "Kung ganiyan ba naman ang paraan mo ng paggising sa akin tuwing umaga ay ayos lang sa akin. But next time, seal it with a kiss," pabirong sabi nito sa bahagyang namamaos pang boses.
Tumayo yata ang mga balahibo niya sa batok sa boses nito. Why, it sounds so... sexy. "H-hindi ko na namalayang tumabi ka sa akin," nasabi na lamang niya.
Lumawak ang pagkakangiti nito. Binitawan na nito ang kamay niya at hinigit siya palapit dito. Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya. Her stomach contracted especially when she felt his breath on her neck. "Tulog na tulog ka na kagabi kaya hindi na kita ginising," sabi nito habang nakasubsob pa rin sa leeg niya. She sighed. Iniangat niya ang kamay niya at hinaplos ang buhok nito. Narinig niya ang pagungol nito na wari'y nagustuhan nito ang ginawa niya. Napangiti siya at itinuloy ang paghaplos sa buhok nito.
"Bea," tawag nito sa kaniya sa tila mas paos na tinig.
"What?" tanong niya habang sinusklay ng daliri niya ang buhok nito.
"Stop doing that or we will not get out of this room the whole day," sabi nito.
Napahinto siya. Awtomatikong nag-init nag mukha niya sa implikasyon ng sinabi nito. Pero teka, mag-asawa naman sila kaya wala namang masama roon. But the more she thinks about it the more she feels her face grow hot.
Nasa ganoong pag-iisip siya nang makaamoy sila ng mabangong amoy ng ginigisa. Inangat ni Jake ang mukha mula sa kaniya at nakisinghot din sa amoy na iyon. "Mukhang nagluluto na ng almusal si yaya," sabi pa nito.
Napakurap siya. "Then I think I should help her," aniya at tinangkang gumalaw. Pero biglang humigpit ang yakap nito sa kaniya.
"No need. Hindi ka rin naman niya patutulungin," sabi nito at lalo pa siyang niyakap ng mahigpit.
"Jake, dapat yata bumangon na tayo at maligo. Kahit na tumanggi si yaya gusto ko siyang tulungan," sabi niya rito.
Bumuntong hininga ito at tila napipilitan pa siyang pinakawalan. Napangiti siya sa inasal nito pero bumangon na rin. Tiningnan niya ito. "Mag-ayos ka na rin pagkatapos ko ha?" aniya rito.
BINABASA MO ANG
I REMEMBER YOU (An Unpublished Novella)
RomanceNagising siya sa isang hindi pamilyar na lugar na walang maalala, kahit ang pangalan niya. A beautiful stranger suddenly appeared, telling her that her name was Bea. Apparently, naaksidente siya at nagkaroon ng temporary amnesia at ang guwapong estr...