Valerie's POV
Nasa classroom ako ngayon at sobrang abala ko sa pagpapaliwanag sa mga kaklase ko ng gagawin nila para sa araw na ito.
Magkakaroon kasi kami ng presentation ngayon sa next subject namin at ako pa nga ang leader. Naipaliwanag ko na naman sa kanila ang gagawin nila kahapon, ang iba ay alam na alam na nila ang gagawin nila samantalang ang iba naman ay tatanga tanga at kinalimutan ang sinabi ko.
"Ano nga ulit ang gagawin, Valerie?" Tanong sa akin ni Lando habang hawak ang papel na ibinigay ko sa kanya. Kaklase ko siya at isa siya sa tatanga tanga.
"Uulitin ko na naman? Kapag inulit ko pa, pang-apat na beses ko na 'tong pagpapaliwanag. Nakakainis! I-record mo na lang kaya ang sasabihin ko para kapag hindi mo maintindihan ay may mauulit ulit ka?!"
Napahilot ako sa sentido ko, halos mamaos na nga ako dahil ilang beses ko na itong inulit ulit dahil hindi nga nila maintindihan habang ang iba naman ay nagrereklamo na hindi raw marinig ang sinasabi ko kahit na mukhang umabot na nga ang boses ko sa kabilang section habang nagsasalita.
"Biro lang. Galit ka na, e." Natawa pa siya habang ako ay tinaliman lang siya ng tingin. Mukha ba akong nakikipagbiruan?
Napairap ako, hindi ako naniniwala na naiintindihan niya dahil nagtanong pa siya kay Kylie na assistant leader ng group kung ano ba raw ang gagawin na agad namang ipinaliwanag ulit sa kanya.
Vacant namin ngayon dahil wala raw ang teacher namin para sa subject sana sa oras na ito. Ilang minuto na lang ay break time na namin at mukhang hindi pa ako makakakain mamaya dahil tutulungan ko pa ang ilan sa kagrupo ko na tapusin ang nakaatas na gawain sa kanila dahil hindi nila iyon ginawa kahapon.
"Sinabi kasing pagkauwi unahin ang gagawin for presentation pero anong inuna niyo? Chikahan sa gc, paglalaro ng mobile legends, panglalait sa facebook, palagi na lang. Okay sana kung hindi niyo nagawa dahil may valid reason, pero ano? 'Yung dahilan niyo walang kwenta." Walang makasagot sa akin, ang iba ay mukhang takot pa.
"Ipagpatuloy niyo 'yang katamaran niyo at pagiging pabaya para kayo naman ang lalaitin ko at i-chichika ko sa mga teachers ang katamaran niyo para grades niyo naman mapaglaruan nila." Pagpaparinig ko sa mga tamad kong kagrupo.
Magpasalamat sila dahil hindi ko sila isinusumbong sa mga teachers namin dahil ayoko lang din ma mapahiya sila kaya kahit kaya ko pa ay tutulungan ko sila. Syempre may kapalit na sermon ang pagtulong ko, mas ayos na 'yong ako ang manermon sa kanila dahil hindi naman mababawasan ang grades nila sa akin dahil hindi ako ang nagbibigay ng grado.
Hindi ito ang unang beses na nangyari ito. Everytime na may reporting or presentation ay kami lagi ang hindi handa dahil halos lahat ng tamad na kaklase at palaasa ay sa akin napunta at tyaka lang gagawa ng gawain kapag mismong oras na ng presentasyon o pag-uulit.
Mabuti na lang ay may mga responsable pang natitira sa grupo kaya naman tinulungan na rin nila ang ibang kaklase namin na hindi maintindihan o hindi pa tapos sa gagawin.
Muli akong napairap dahil sa inis at ipinagpatuloy na lang ang paghahanda sa presentasyon.
Naiinis ako dahil hindi tuloy ako nakasama kay Ella sa paglilibot dito sa school at pagtambay sa cafeteria.
Nang matapos na ang mga gagamitin sa presentation ay saktong dating naman ni Ella dito sa classroom. Sa akin siya agad na nagdiretso at mukhang hinahapo.
"Valerie!"
"Ano?" Umarko ang kilay ko. "Bakit wala kang dalang pagkain? Parang hindi best friend, ah? Sana nilibre mo man lang ako."
"Gaga, Val! Hindi ko na naalala ang pagkain dahil may nag-aaway doon sa labas ng cafeteria at sobrang nagkakagulo na sila!" Pagbabalita niya dahilan para mapairap ako at nagcrossed arms.
BINABASA MO ANG
Teacher's Love (Teacher Series #1)
RomanceTEACHER'S LOVE (UNDER REVISION) Love Trilogy #1 Teacher Series #1 [COMPLETED] Mali sa tingin ng iba ang pagmamahalan ng isang guro at estudyante pero mas iintindihin mo pa rin ba kung ano ang tingin o sasabihin ng iba kaysa sa nararamdaman mo? Ititi...