Kabanata 1

17.4K 509 93
                                    

Valerie's POV

"Mama!" Sigaw ko pagkababa ko pa lang sa hagdan. Nakita ko ang aking butihing ina na nasa may kusina at nagluluto.

"Oh, ano na naman? Ang aga-aga nakasigaw ka nanaman. Hindi ka na talaga nagbago Valerie Alva!" Sambit sa akin ni mama. Nameywang pa, may hawak pang sandok.

"MAMA! FIRST DAY OF CLASSES NGAYON! BAKIT HINDI MO AKO GINISING?!" Reklamo ko kay mama at padabog na umupo sa sala namin.

"Aba, malay ko ba. Bakit, anong oras ba ang pasok mo?" Tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin.

"Bago mag 12:00 ng tanghali mama, pang hapon kami." Nakatanggap ako ng malakas na pagbatok mula kay mama. "Aray naman mama! Bakit ka nambabatok?!" Inis na tanong ko at hinimas pa ang batok ko.

"KUNG MAKAPAGREKLAMO KA AY AKALA KO SOBRANG LATE KA NA! JUSKO KA, VALERIE! ALAS SYETE PA LANG NG UMAGA!"

"Ay, alas syete pa lang ba mama? Sorry naman, excited lang." Inirapan ako ni mama bago nagbalik sa kusina, umirap din ako.

"Ano, ate? Buti nga sa'yo, napagalitan pa. Ang ingay mo kasi, 'yang bumanganga mo hindi natatahimik." Sabat ni Cedric na kapatid ko. Nakaupo siya sa katapat na couch na inuupuan ko.

"Pampam ka na naman, kulang ka sa pansin." Pinakyuhan ko pa siya sa sobrang inis.

Ganito kami ng kapatid ko palagi pero mahal ko naman siya kahit bobo siya.

"Ate hanap ka ng jowa sa school mo para hindi ka na malungkot. Ang pangit mo pa naman din." Inis na binato ko si Cedric ng pillow.

"Bwisit ka, leche!"

Sila mama at ang kapatid ko lang na si Cedric ang kasama ko sa bahay. Nag-iisang kapatid ko lang si Cedric. Si papa naman ay nasa abroad at doon siya nagtatrabaho kaya medyo nakakaluwag luwag kami.

Bago mag-alas dose ay nakahanda na ako. Suot ko na ang uniform namin. Nakahanda na rin ang mga gamit para sa pag-aaral.

Kinakabahan na ako, huwag na lang kaya akong mag-aral?Charot lang, sayang naman baka malungkot ang mga schoolmates ko na pumapasok lang sa school dahil gusto akong makita. Baka magwala sila kapag hindi na nila nasilayan ang kagandahan ko.

Ako ay kasalukuyang Grade 12 student na, 18 years old at ABM ang strand na kinuha ko.

Hindi sa pagmamayabang pero sikat ako, hindi lang sa school namin maging sa ibang school ay sikat ako.
Ewan ko kung bakit pero gandang ganda talaga sila sa akin.

Lagi rin akong kabilang sa honorable students. Lagi rin akong nananalo sa election sa SSG. Ang iba pang mga schoomates ko ay binansagan pa akong ideal girl dahil nasa akin na raw ang lahat na totoo naman.

Inuuto nila ako masyado.

"MAMA! AALIS NA AKO! MAG-IINGAT KA MAMA, ANG PANGIT MO!" Tumakbo na ako palabas ng bahay namin para hindi ako mabatukan ni mama pero narinig ko pa ang pagsigaw niya.

"HUMANDA KA SA 'KIN PAG-UWI MO VALERIE! TATAMAAN KA NA TALAGA!"

Nilingon ko si mama. "EDI HINDI NA LANG AKO UUWI!"

"MABUTI PA NGA!" Sigaw niya pabalik dahilan para napairap ako.

Ilang sandali pa lang ay nakarating na ako sa school namin. Nagtricycle na lang ako, hindi ko naman pa kasi kayang imaneho ang kotse namin, baka maibangga ko lang 'yon sa mga kaaway ko.

Isa pa, sinasanay kami ni mama sa pagcocommute dahil estudyante pa lang naman kami kaya hindi niya rin ako hinahayaang matutong magdrive.

Isa pa, baka sa college pa nila ako bilhan ng sariling kotse.

Mas okay nga 'yon para malalang carfun ang magaganap.

"Good afternoon, kuya!" Masayang pagbati ko sa security guard ng school. Medyo tropa ko ang mga guards dito dahil kapag may nag-aaway na mga students ay sila ang tumutulong sa amin para umawat.

Tinropa ko sila para ligtas din ako kapag magcucutting.

"Good afternoon din, Valerie! Ang aga mo, ah?"

"Ngayon lang po 'to kuya, bukas late na ulit ako. Sana pagbuksan pa rin ng gate." Pagbibiro ko dahilan para matawa si kuya.

Matapos makipag-usap sa guard ay tinahak ko na ang daan papunta sa classroom namin.

Ang ilang estudyante ay kinakawayan pa ako habang naglalakad ako kaya kinawayan ko rin sila pabalik at nginitian. Ang iba naman ay inirapan ako kaya ganoon din ang ginawa ko sa kanila. Hindi ako magpapaapi ano.

Habang naglalakad ako sa corridor ay naramdaman ko na para bang may nakamasid sa akin. Hindi ko maipaliwanag pero totoo, nararamdaman ko na para bang may nakamasid nga sa akin.

Iba 'to sa mga nakamasid sa akin na kumaway. Siguro ang uri ng pagmamasid niya sa akin ay parang sinusuri ang kabuuan ko o hindi naman kaya ay kinikilatis ako.

Ganito ang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay parang hindi maalis ang tingin sa akin ng kung sino mang tao ito.

"Okay, Valerie Alva, masanay ka na. Maganda ka kaya laging may nakamasid sa'yo kapag naglalakad ka." Mahinang sambit ko sa habang naglalakad papunta sa building namin ngunit habang naglalakad ako ay naramdaman ko naman na para bang may nakasunod na sa akin.

Parang nasunod sa akin 'yong nakamasid kanina.

Napailing na lang ako at hindi na pinansin iyon. Binilisan ko na lang ang paglakad bago tuluyang makarating sa classroom namin kaya agad akong pumasok sa loob. Mabuti na lang at kilala ko na ang halos lahat ng mga kaklase ko dahil ang iba sa kanila ay kaibigan ko at ang iba naman ay mga kaklase ko rin noong Junior High School o hindi naman kaya ay elementary.

Hindi na rin bago na maraming nakakakilala sa akin, kahit hindi ko sila kilala ay kilala na nila talaga ako.

"Nandito na si Valerie!" Sigaw ni Josh pagpasok ko sa room namin, isa sa mga kaklase ko.

"Bakit ang tagal mo Val?" Tanong sa akin ni Ella na best friend ko naman.

Umupo ako sa tabi niya. "Binagalan ko paglakad ko, may inobserbahan lang. Naramdaman ko kasi na parang may nakasunod sa akin." Pagkasabi ko nito ay napatingin ako sa may pintuan namin. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaking teacher na nagdaan sa room namin. Hindi ko nakita ang mukha niya. Hindi ko rin siya kilala pero may kakaiba akong naramdaman sa lalaking iyon.

Sino kaya siya? Siya ba ang nasunod sa akin?

Teacher's Love (Teacher Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon