Chapter 1

1 1 0
                                    

"Hi! I'm Alexa!" Nakangiti kong pakilala kay Kaye dahil kilala lang din naman ako ni Keios. Nagsunod sunod narin magpakilala ang mga pinsan ko maliban kay Kuya Lex kaya siniko ko sya para magpakilala narin.

Tumahimik kami nang nagsimulang lumapit si Kuya kay Keios. Akala ko kung anong gagawin nya kasi nakakatakot yung mukha nya, pero naglahad lang pala nang kamay kay Keios.

"I'm Alexus. Alexa's brother." pakilala ni Kuya sa matigas na tono. Pati ako ay kinilabutan. Agad namang tinaggap ni Keios ang kamay ni Kuya. There's something wrong going on talaga between our family and the Alante's. Kanina ko pa napapansin at paniguradong may alam sina Kuya Lex.

"I'm Keios." pakilala rin ni Keios.

Pagkatapos nun ay nagsimula narin kaming mag usap usap. Nakakatuwang kausap si Kaye kaya kami nina Beth and nag uusap usap. Ang iba naman ay nakikipag usap kay Keios.

"I heard you're a Surgeon Alexa. Is it hard?" manghang tanong ni Kaye.

"It's hard, pero pag gusto mo yung ginagawa mo walang mahirap." nakangiti kong sabi sakanya kaya napangiti rin sila.

"Ikaw ba, what do you do?" tanong ko.

"I'm a fashion designer. I already have a clothing line actually I own The Kayel's. " nakangiti nyang sabi. Nagulat naman kami dahil isa ito sa mga sikat na brands ngayon. May mga damit nga ako na galing sa Kayel's.

"Omayghad! I really love your designs! 1/4 of my clothes is from Kayel's! Hindi talaga kami makakapag shopping ni Alexa nang hindi nakakabili nang clothes from Kayel's " Beth exclaimed. Well it's true we've been obsessed with Kayel's this past few months.

"Really? Aww I'm flattered. You should visit me sometimes I'll give you all a VIP pass para sa mga limited edition items ko. " nakangiting sabi ni Kaye. Kaya sabay kaming napatili ni Beth dahilan upang mapatingin saamin sina Kuya at Keios na nasa tabi naming lounger.

"Mukhang close na close na kayo ha." sabi saamin ni Kuya.

"Omayghad Kuya! You know The Kayel's right?!?" excited kong tanong kay Kuya kaya natawa ang mga pinsan ko.

"Yeah of course. You two are obsessed with it nowadays." natatawang sagot ni Kuya.

"Kaye owns it! And she's giving us VIP pass for her limited edition items!" I exclaimed excitedly .

"Yeah yeah. Kung jan kayo masaya." Natatawang sabi ni Kuya.

"Should I accompany you to Kaye's Company?" nakangiting tanong ni Keios kaya nagtitili nanaman yung mga babae kong pinsan inasar asar naman sya nang mga lalaki kong pinsan maliban kay Kuya na madilim ang tingin kay Keios.

"Are you trying to make a move to my princess?" madiin na tanong ni Kuya. Napa ooohhhh naman yung mga kasamahan namin.

"Galit yarn? Kuya Lex? Hanap ka na kasi nang jowa mo para hindi naman maubosan si Alexa nang manliligaw. Lahat ata nang manliligaw nya ay umatras nang dahil sayo." mataray na sabi ni Beth. Tinawanan naman nang mga pinsan ko si Kuya sa pagiging overprotective nya.

"Thanks bro." sabi ni Keios at nag fist bump sila ni Kuya kaya nagtaka ako kung bakit.

"Ayy si Kuya Keios nangbabakod." nanunudyong sabi ni Kaye kaya mas lalo akong naguluhan.

"Huh? Di ko kayo gets." naguguluhan kong sabi. Nagsitawanan naman sila kaya sumimangot ako.

"Alam mo buti nalang at maganda at matalino ka Alexa." natatawang sabi ni Beth.

Nagkukuwentuhan kami nang dumating sina Dad at Mom kasama ang sa tingin ko ay magulang ni Keios. Mukhang alam ko na kung saan namana ni Keios at Kaye ang good looks nila, I guess it runs in their blood.

"Kids. This your Tito Will and Tita Aya, Kaye and Keios's parents. They're our allies for decades na." grabe naman maka kids tong si Dad eh halos lahat kami dito eh nasa middle twenties na. But kung isa sila sa mga close nang family namin, bakit hindi ako aware? At never ko pa sila nakita, aside from some magazines and interviews, since they are also well known just like our family.

Tumayo kami at nagmano sakanila. Nung ako na ang nagmano ay pansin ko ang titig nila saakin medyo nag tagal rin ang kamay nila saakin. Ang weird na talaga nila lately especially my parents. Hayy

"You're so beautiful hija. You're Siren Alexandria, right?" nakangiting tanong saakin ni Tita Aya kaya tumango ako.

"Alexa nalang po Tita." nakangiti ko ring sagot. Tumango naman sya bago binalingan sina Kaye at Keios na kanina pa kamu pinapanood.

"Mga anak, let's go kailangan narin nating umuwi. Marami pa tayong kailangang asikasuhin bukas." sabi ni Tito Will sakanila. Tumango naman ang dalawa at nagpaalam na saamin. Tumingin pa saglit saakin si Keios bago umalis.

Nang makaalis sila ay nagpasokan narin kami dahil lumalamig narin. Nagbihis muna ako bago sumampa sa kama at nagbasa nang libro.

Natigil ako sa pagbabasa nang may kumatok sa pinto ko
Bumukas yon at iniluwa ang mga pinsan kong babae na si Beth, Stacy, at Fiona. Tinaasan ko sila nang kilay na parang nagtatanong kung bakit.

"Let's have a sleepover!" excited na sabi saakin ni Fiona. Bigla naman pumasok si Kuya Lex kasama sina Kuya Axel na kapwa nakasimangot habang may mga bitbit na mga comforter. Natawa nalang ako mukhang pinagbitbit sila nang mga babaeng toh.

Nang maayos na nina Kuya ang hihigaan namin na pinagpatong patong na comforter sa sahig ay umalis na sila. Okey lang din naman na humiga sa sahig dahil lahat nang kwarto namin dito sa mansion ay carpeted.

"Okey, so anong meron at may sleepover tayo ngayon?" takang tanong ko sakanila. Agad naman silang nagtinginan na parang may pinapahiwatig.

Close kami nina Fiona at Stacy pero mas close kami ni Beth para na nga kaming kambal tuko na hindi mapaghiwalay. Architect si Stacy kagaya ni Beth kaya madalas silang nagkikita. Habang si Fiona naman ay model may sarili na nga syang agency at sya ang CEO.

"So anong meron sainyo ni Keios? Kanina ko pa nahahalata  yung mga titig nya sayo." maliyosong tanong ni Fiona.

"Anong pinagsasabi nyo jan? Eh kanina nga lang kami nagkakilala eh." nakabusangot kong sabi sakanila.

"Eh bakit parang nanghihinayang ka na kanina lang kayo nagkakakilala?" nang aasar na tanong ni Beth kaya binato ko sya nang unan.

"Feel ko talaga may gusto sya sayo Cous, sino ba naman ang hindi magkakagusto sayo? Naiinggit nga ako at halos lahat namana mo na sa mga ancestors natin." nakabusangot na sabi ni Stacy kaya natawa nalang kami at binato sya nang unan.

Hinihingal kami nang matapos mag pillow fight. Nagkuwentuhan rin kami at kung ano ano pa ang ginawa na hindi na namin namalayan na nakatulog na kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Turbulent PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon