I.Add friend

1 0 1
                                    

  Sean Green?,wow pangalan palang mukhang poreyner na ah, ma-accept nga." Bungad ko ng matingnan ang mga friend requests sa aking facebook account. Wala pa namang guro kaya naisipan ko munang magbukas ng account at i-react ang karamihan sa mga post ng aking mga facebook friends.
"Dinig niyo 'yon? Oy Rose, dinig mo, pagtawag pansin ng isa sa apat kong kaibigan, si Shy sa isa ko pang kaibigang si Rose.
"Malamang, baryada ano akala mo sa'kin bingi?marahas niyang sagot sa nauna at pagkatapos ay bumaling sa akin."Baka naman, jowain mo na"
"Oy oy oy, BI kayo" at  yan naman si Kirsten; klase ng kaibigan na literal na tahimik (minsan) at good influence."Wag mo sundin sinasabi nila, kaibiganin mo nalang, wala naman masama don pero yong jowa-jowa na yan hintayin mong sila yong lalapit o unang aamin", at sinabi ko na bang siya rin ang pinaka dakilang counselor namin?,partida pang magaling nga sa pagpapayo ei wala namang lablayp hahaha.
"Malamang sa malamang po, hindi ko nga to kilala no.pag dedepensa ko naman sa sarili ko."Oyy, nag chat agad Hi daw.
"Hello ka ei, tanga neto. Nag Hi lang takot ka naman ata, akala ko ba susundin mo tong payo ni Ms.Couselor" ani Rose.
"Okay" sagot ko naman dahil batid ko namang hahaba lang ang diskusyon namin kapag nag salita naman ako ng di nila magugustuhan.
"Hello" I mimicked habang nagta-type ng aking reply sa kausap. Wala na namang pumapansin sa akin dahil nakatutok din ang mga ito sa kanilang mga telepono.
Nagpatluloy ang aming palitan ng mensahe sa chat hanggang sa dumating na ang aming professor at nagsimula na ang aming klase.

Natapos ang araw ng hindi na uli nagpadala ng mensahe si... yong ka chat ko kanina (sorry hindi ko kasi alam ang itatawag ko sa kanya kasi di naman kami close haha) but okay let me just call him "si kuan". Hindi na nga siya nag reply sa huli kong chat ko kanina kaya hindi na ako umasa. Umuwi nalang ako sa boarding house, kumain, at natulog.

Not expecting for anything the next morning, but in my surprise merong message galing sa kanya and it says "Good morning" at ito naman si ako nakangiti pang nagrereply ng "Good mornings too" with matching emoji. Wala lang I just find it sweet, matagal na rin kasing walang bumabati sa'kin ng good morning kapag bubukas ako ng  messages ko sa facebook.
"And thank you pala, kaso tanghali na naman to" it's 10:20 na kasi guys for your info kaya ya'know haha.
"Maaga pa nga ei" reply naman niya na gets ko na medyo may sense naman, kasi alam niyo yon 12:00 naman kasi talaga ang tanghali na pero ganon parin yon no.
"Okay, okay, wala na akong masabi. May klase na mandin ako so, babye" pagpapaalam ko dahil sakto namang dumating na ang professor namin para sa pangalawang subject namin ngayong umaga, so babye na.

To Mr. Role Player *send l💜ve*.  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon