Introduction

36 0 0
                                    

INTRODUCTION

Ako si Ran. Ako ang bida sa istoryang ito. Lahat ng isusulat ko dito ay pawang katotohanan lamang. Ipinapangako ko.

Never pa akong na-inlove. PROMISE! Pero ngayon, feeling ko, inlove na ata ako.

JR Torres. Sa kanya ata.

Nakilala ko siya, year 2012. Sa isang simbahan kung saan madalas kaming pumunta noon. Pero noon yun. Ngayon, halos magkasama kami sa isang barkada. Pero hindi ko siya kabarkada. Sana naiintindihan niyo.

Ano nga bang katangian niya?

Hindi siya gwapo, inaamin ko. Hindi rin siya maappeal na pwede mo nang pagtiyagaan. May kayabangan ring taglay at malakas ang kanyang humor appeal. Mayaman daw siya pero sa isang public school siya pumapasok.

Alam kong nagtataka kayo kung bakit sa kanya pa ako tinamaan. Hindi ko siya gusto at yan ay isang katotohanan. Kung bakit? Hindi ko din alam. Never ko siyang nagustuhan. Kung mapapansin niyo, wala pa akong nababanggit na gusto ko siya. Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko pero isa lang ang masasabi ko, AYOKO NITO.

Ang Love Story KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon