Chapter 1

21 0 0
                                    

Nagsimula lahat sa simbahang yun.

Sinabi sakin ni Josh na may crush daw sakin si JR which is hindi ko pinaniwalaan kasi sa pagkakaalam ko, girlfriend niya si Kim. Isang babaeng napupuno ng make-up ang mukha.

"Sinong inuto mo?" sabi ko.

Hanggang sa dumating ang practice namin. Isa akong drummer at siya naman, guitarist. Take note: nag-aaral pa lang kami. Hindi siya talented, alam ko. Habang nagsesermon yung nagtuturo samin sa instruments about sa pagiging sugal ng isang larong kinaadikan ng marami sa lugar namin, narinig kong binanggit niya ang pangalan ko at dun ko naramdaman ang unang goosebumps ko na hindi ako natatakot.

"So sino dito ang naglalaro nun? Masama yun." sabi ni Kuya Mar.

"Si Ran po." turo ng mga kasama ko.

"Huh? Ako? Hindi ako?" tanggi ko naman.

"RAN..." sabi niya.

* * *

May isang event sa lugar na yun. Pagkatapos, kumain kami.

Umupo ako. Dumating siya. Luwag sa tabi ko. Umupo siya. Sa tabi ko.

Kuryente. Nababalot ako ng kuryente. Yelo. Nilalamig ako. Kung bakit? EWAN.

Halos tapos nang kumain ang lahat.

"Pare, ikuha mo naman ako ng tubig. Hindi lang ako makaalis dito."

Hindi daw siya makaalis sa tabi ko.

Dugdug. Dugdug.

Ako ang umalis. Ayoko ng nararamdaman ko. Hindi ito dapat. Pero ang nangyari, sinundan niya pa rin ako. Tumabi ulit siya sakin. Sana sa totoong buhay, ganun nga ang gawin niya. Sundan niya ako kahit san man ako magpunta.

Pero naisip ko. Sino ka ba? ASA KA, RAN.

Ang Love Story KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon