Chapter 3

8 1 0
                                    

Madalas siyang tumatawag pero hindi ko siya kinakausap. Hindi ko kayang magsalita sa telepono dahil bukod sa nahihiya ako, alam kong napakasama ng boses ko at sabi ng napakabait kong kapatd, panlalake daw ang boses ko sa telepono.

Thursday. December 13, 2012. Inis na inis ako. Ako? Si forever alone? Nakita ko ang mga kaklase ko habang naglalakad ako papuntang sakayan. Masyadong maraming sasakyan. Mausok. Nakakainis. Nanliliit tuloy ang mga mata ko.

"Psst."

Ewan ko lang kung ako ang tinatawag ng sitsit na yan. Aba, may pangalan ako no? Pero pasimple pa rin akong naghanap.

Ang maliliit kong mata, lumaki. Ang busangot kong mukha, natuwa. Ang balahibo kong down, nagsitayuan. Ang puso ko, tumakbo. Di hamak na mas mabilis pa sa lakad ko. Siya pala.

Nakatayo siya. Nakatingin. Nakangiti. Alam kong para sakin yun. Alam ko. Parang bumagal ang takbo ng mundo pero yung lakad ko, mabilis pa sa alas kwatro. Ang nasa isip ko? Inaabangan niya raw ako sa araw ng kasal namin.

Back to reality.

Bilisan mo ang lakad. Wag kang lilingon. Panigurado, nakatingin siya sayo. Baka kung anong isipin niya kapag lumingon ka pabalik. Pero hindi ba't mas maganda kung may isipin siya? Ewan.

"Dalawa pa!" Dalawa pa? Hindi ako sumasakay kapag dalawa ang kulang eh. Buti na lang, dalawa pa.

Dumating ang susunod na jeep. Gaya ng pang-araw araw na pangyayari, ang tao, unahan. Nakita ko siya sa likod ko. Halos mapupuno na ang jeep. Kasya ka pa.

"Dalawa pa!" Dalawa pa. Sumakay ka na. Pero huli na ang lahat. Teka, may nagtext.

1

new message

received

From: JR

Pwde bng tmabi?

Huli na ang lahat. Pero hindi pa nangyayari ang lahat kaya maaaring hindi pa huli.

Sabado. December 15, 2012. Ang unang araw ng simbang gabi. Araw ng bunutan. Naisipan kasi namin yung para sa pasko. Wala siya, nasa kabilang bayan. Kung bakit? Hindi ko din alam.

Nagbunutan kami. Ang nabunot ko? Si Rick. Walang kasiguraduhan kung sasali si Vince kaya may isang papel pang natitira. Yung nabunot ni JR? Si Renz ang kumuha. Ewan ko lang kung sino yun.

Nagtanong-tanong ako. Kung magbibigay lang din ako ng regalo, dapat yung bukal sa kalooban ko. At para maging bukal sa kalooban ko, gusto ko siya ang mabunot ko. Tinanong  ko ang lahat pero wala. Hanggang sa sumuko na ako at nakita ko ang kahon kung saan nanggaling ang mga pangalan naming lahat. May isa pa. Isa pang natitira. Binuklat ko, pasensya ka na Vince.

JR

Kaagad kong pinagpalit ang papel. Nahanap ko ang pangalan niya. Ay mali, hinihintay pala ako ng pangalan niya.

Si Lyn, masaya. Kung bakit? Kasi si Vince ang nabunot niya. Destiny daw. Pero destiny din naman kami diba? Kasi alam kong para sakin talaga ang papel niya, totoo yan.

Ang Love Story KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon