Still

81 1 0
                                    

My boyfriend and I were together for 2 months na. Bago pa man maging kami, alam kong sobrang nasaktan pa siya sa ex niya. Well, pati din naman ako hindi ko akalaing maghihiwalay sila. If I would describe them, they would be the ideal "perfect couple". Pero sabi nga nila, walang forever.

Pero nung naghiwalay sila, dun ako umeksena. Ang kontrabida ng dating ko 'no? There I comforted him, gave all his needs, kahit alam kong iba talaga mahal niya, at eto ako, nagpapaka-tanga sa kanya. Di ko siya matiis. Kahit anong gawin kong pagmove-on sa kaniya kahit wala namang naging kami, hindi ko magawa.

I did everything I could for him to move on, and it went well naman. Then after siguro ng ilang months niligawan niya na ako. Naging kami, di man ako katulad ng ex niya ginawa ko ang lahat para mapasaya siya. Natutuwa naman ako kasi ipinaramdam niya sa akin na mahal niya ako.

At eto na.

One night nagpaalam siya sa akin na makikiparty lang siya with friends niya. Pumayag ako kasi may tiwala ako sa kanya.

Deep that night while I was studying, tumunog yung phone ko bigla. Pangalan niya yung nasa screen, syempre sinagot ko. Ang ingay ng background ibig sabihin nasa club nga siya.

"Hi by." I softly answered.

"Sophia si Lance pakisundo naman dito lasing na lasing na." so kaibigan niya pala yung tumawag sa akin.

"Ay ganun ba. Sige saan ba kayo?"

"Dito sa *chu chu*"

"Okay" then I hang up na.

Nagbihis ako nun, yung casual lang. Iniwan ko yung books ko sa kama ko kahit may exam pa ako bukas. Tumakas ako sa bahay, kahit alam kong pag nahuli ako ng parents ko pagbalik at papatayin ako, inalis ko yun sa isip ko kasi ang tanging nasa isip ko lang noong mga oras na iyon ay ikaw.

Dumating ako doon, lasing ka na nga talaga. Hindi ko nilapitan agad yung table niyo. So bale parang nagtatago ako non pero buti nalang madilim kaya hindi naman siguro ako makikita.

Biglang slow music yung tumugtog, bigla ka na lang umiyak. Nagulat ako kasi bigla ka na lang ding nagdrama.

" *name ni ex* puta mahal na mahal pa rin kita bat kasi bumitaw ka na lang bigla?!" nakayuko yung mukha niya sa table pero mahahalata mo pa rin na umiiyak siya.

Pilit siyang pinapatahan ng mga tropapips niya, at eto ako nagtatago, hindi ko na namalayang tumutulo na pala yung luha ko.

Marami pa siyang sinabi sa ex niya, nabingi na lang ako. At doon naglakas loob akong pumunta sa table nila. Ayoko na, nasasaktan na ako sa mga sinasabi niya. Halatang nagulat yung mga katropa niya nung pinapatahan ko siya pero tahimik lang sila. Ikaw, nakayuko pa rin yung ulo mo.

"By tara uwi na tayo" I softly told him.

"Hindi bhe hahaha okay lang ako" sagot niya.

"Pagod ka na"

"Lasheng lang *hik* ako"

"Kaya nga iuuwi na kita eh. Wag na pasaway bhe"

"Opo *hik* hahaha opo uuwi na"

Inuwi ko na siya sa bahay niya. Aba siya pa talaga yung inuwi ko. Baliktad diba? Hahaha. Hiniga ko pa nga siya sa kwarto niya eh. Pinunasan ko yung mga luha niyang namumuo na naman. Baliw din to eh, tulog na nga may luha pa rin. Tsk.

"Good night bhe sweet dreams." then I kissed your forehead.

"I love you, very, very much" sabi ko ulit.

"I love you too *name ni ex*" sabi niya at mahimbing na siyang natulog.

Umuwi ako, humiga sa kama ko at doon lahat bumuhos ng luha ko. Parang Angat dam nga eh. Dun ko lang talaga narealize na kahit anong gawin ko, siya pa rin talaga yung totoong mahal mo.

Kwentong Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon