Bakasyon

48 1 2
                                    

Bakasyon

Yan yung sampung buwan mong hinihintay, pero kapag andiyan na, nga-nga ang abot mo.

Ang dami mo pa ngang plano pag nag-bakasyon na eh - swimming, gala, food trip at kung ano-ano pa. Pero imbis na matupad yan, wala, puro utos lang ng magulang ang aabutin mo.

Utos dito.

Utos diyan.

Utos na lahat!

Punyeta diba? Ganyan din ang nararanasan ko ngayon. Wala eh, #teambahay here.

At kung wala ka talagang plano sa dalawang buwan na bakasyon, eto ang mga maaari mong gawin. Tried and tested.

1. Stalk

Miss mo na ba yung crush mong hindi mo na nakikita dahil wala ng pasok? Worry no more! Andiyan ang facebook, twitter at instagram para maging updated sa activities niya.

Bonus points pa kung nagpost siya ng pictures sa swimming nila. Hotness overload.

2. Mag move-on

Ito ay para sa mga taong nasaktan/iniwan/kinalimutan. May dalawang buwan ka para magbago. Mas makakatulong ang bakasyon sa pagmmove-on mo dahil hindi mo siya makikita. Kalimutan mo siya, kahit mahirap. Para din naman sa ikabubuti mo yan diba? Atsaka para sa pasukan, blooming ka agad!

3. Play

Try to play games. Usually, itong tip na ito ay para sa mga girls. Try mo yung mga larong sikat ngayon like DOTA, COC, LOL. Malay mo magustuhan mo diba? atsaka pampalipas oras na rin.

4. Movie Marathon

Kung may mga files pa diyan na nakatambak sa laptop mo, try mong ulitin. Pampalipas oras lang din. Or subukan mo ring maghanap ng mga kdrama, jdrama at kung anong anik-anik pa diyan. Basta yung tipong malilibang ka. Kung trip mo yung popcorn, gora.

5. Write

Kung ikaw ay isang avid reader ng mga books or fictions, try mong magsulat sa wattpad. Or subukan mong magsulat ng gusto mong maging lovestory ng crush mo. Yieee. Depende nalang yan sa lakas ng imagination mo.

6. Clean

Maglinis ka ng kwarto mo! Sa una lang yan nakakatamad, pero pag nakasanayan mo na, nalinis mo na nga yung kwarto mo, napangiti mo pa yung nanay mo. Atsaka malay mo yung mga dating nawawala mong gamit andiyan lang pala sa tabi-tabi. Linis linis din kasi pag may time!

7. Nail polish
*Para sa mga babae ulit* hahaha. Hindi ito sa pagiging kikay. Masaya to. Noong una hindi ko din trip yung kuko ko, pero nung inimpluwensiyahan ako ng kaibigan ko (shoutout kay gwyneth) ayun, gusto ko na rin siya. Sa trinoma (to be exact, sa landmark) maraming pwedeng pagpilian ng nail polish, atsaka mas mura dun (swear). Depende na yun kung anong kulay trip mo basta ikaw bahala.

8. Exercise

Isa na rin sa hindi mawawala sa mga summer goals ko ay yung mag-exercise. Sa una lang din yan nakakatamad, pero once na makita mo yung changes, mas lalo kang maiinspire para mag-exercise. Hindi lang naman pampapayat ang exercise eh, pwede rin maging healthy ang katawan mo. Sa internet madami kang pwedeng gayahin na workouts, or kung mayaman ka at hindi ka minor, pwede ka sa gym.

9. Chat

Just because its vacation doesn't mean you have to stop communicating with your friends and classmates. Andiyan ang facebook, twitter, skype and messenger para makapag-usap kayo.

10. Enjoy

Minsan lang ang bakasyon kaya sulit-sulitin mo na! Gawin mo na ang lahat ng gusto mo (pero syempre yung legal naman) hahaha. Atsaka para pag pasukan na hindi mo pagsisihan dahil hindi mo ginawa yun.

*Note

Sorry kung ang random neto wala talaga akong maisip tungkol sa love. Hahaha kain na lang tayo guys mas mabubusog pa tayo dun kaysa sa pagmamahal na yan.

Adios.

Kwentong Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon