CHAPTER 12
Her““I think, there is a misunderstanding here. Hindi ko alam ang sinasabi mo. At hindi ako ang tinutukoy mong blue-eyed man.”
The hope that I felt earlier suddenly vanished. But come to think of it, maybe he's not really my savior. Blue-eyed is a real gentleman but this man in front of me, nevermind.
I crossed my arms. “Maybe I was wrong. Kaya, hayaan mo na akong umalis at huwag ka nang susunod sa ’kin,” sabi ko at tinalikuran na siya.
Kung hindi siya si Blue-eyed man, mas lalong hindi ko siya dapat pagkatiwalaan. Ni hindi niya masabi sa akin kung bakit basta na lang niya akong dinala rito.
“Hey, wait.”
Napaharap ako sa kanya nang bigla niyang hilahin ang braso ko. Ang kaliwang kamay niya ay dumausdos sa aking beywang kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko.
“W-What are you doing? Hinihipuan mo ba ako? Hel—
“Sshh. Hindi kita hinihipuan,” seryosong sambit niya habang nakatitig nang diretso sa akin ang kaniyang seryosong mga mata. “I saw something on your back. Let me remove it.”
Kinabahan ako nang dahil doon. May kung anong nakadikit sa likod ko?
Napakapit ako sa braso niya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa bibig ko.
“Tell me, may… may bomba ba sa likod ko?” bulong ko sa kaniya.
Kumurap siya nang isang beses. “Hindi. Pero kasing-delikado ng bomba.”
Napalunok ako at magsasalita na sana nang ilahad niya sa ’kin ang kamay niya. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang maliit na bagay doon. Kung titigan mong mabuti ay mapapansin mo ang pulang ilaw nito.
“W-What’s that?” I asked him, confused.
“Someone put a tracking device on you. Hindi mo man lang napansin kung sino ang naglagay nito?” seryosong tanong niya.
“Hin…” Bigla kong naalala iyong lalaki na nakabungguan ko sa labas ng park. Siya lang naman ang humawak sa bandang likuran ko. Bahagya pa ngang kumirot ang beywang ko nang hawakan niya.
Pero bakit niya ako nilagyan ng tracking device? Ano bang mayro’n sa ’kin?
“Nevermind. Kailangan na nating umalis, siguradong nasundan na nila tayo rito,” sabi niya at idinikit ang tracking device sa isang item na naka-display.
Binalingan niya ako ng tingin kaya napaatras ako.
“Hindi ako sasama sa ’yo. Paano ko ba masisiguro na mapagkakatiwalaan ka? Kung hindi ikaw si Blue-eyed man na kilala ko, hindi ako sasama. Uuwi na ako at bahala kang makipaghabulan sa mga goons na ’yon,” saad ko at napabuntonghininga siya.
Luminga siya sa paligid at napansin ko ang pagkatigil niya.
“Damn! They're here. They even managed to change clothes to disguise themselves,” he murmured.
Tumingin din ako sa tinatanaw niya at wala naman akong nakitang kakaiba. Puro mga normal na tao naman ang nandoon at tumitingin sa mga gamit.
Muli siyang humarap sa akin at hinawakan ako sa balikat.
“Fine. I’m that blue-eyed man you're talking about. I was the one who gave you the jacket. Now, let’s go!”
He grabbed my arm before I could utter a word then I just found myself running with him towards the mall’s exit.
Akala ko didiretso kami sa kotse niya pero hindi. Dumiretso kami sa likod na parte ng mall kung nasaan makikita ang beach. Lumusot kami sa isang daanan kung saan walang tao at doon nagtago.
BINABASA MO ANG
Eritque Arcus Series #3: Bluer Than Blue
General FictionERITQUE ARCUS SERIES #3: Bluer Than Blue She has been living in a blue world ever since her dad died and her mom threw her out of their house. But when she discovered Arco City, her life became colorful again. She found her happiness there. And when...