DANIEL POV
Simula palang noong bata, gusto ko nang lumipad. Yung parang may super powers. Mahilig akong manuod ng mga superhero movie, tapos sinasabi ko sa sarili ko na balang araw lilipad ako. lilipad ako ng mataas!. NANG SOBRANG TAAS!
"Punyeta namang buhay to!."- sigaw ng Bea.
Nagising ako nang may tumadyak sa akin mula sa likod at nahulog ako sa kama.
"Ano Daniel, tulog tulog nalang, natapos ko na tong buong thesis natin, nakapag videocall na ako kung kani-kanino, tulog ka pa din? Yung totoo, Call Center ka or pokpok sa gabi?, Aba!, daig mo pa akong addict sa wattpad at the ML ahh"-bulyaw sa akin ni Bea na bestfriend ko since elementary days.
"Ano ba naman to, Andun na ako eh!, palipad na ako..." hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bilga siyang sumingit.
"Oh ito lilipad sa mukha mo, laptop at itong mgha libro na ito gusto mo!" sigaw nito sabay hagis ng isang makapal na libro.
Siya nga pala ang bestfriend ko, si Beatrice Maniago, Bea for short. Maganda, matalino pero magaspang ang ugali, pasmado ang dila at higit sa lahat amazona. Kung baga sa total package, BRUHA. Pero mahal ko yan, siya lang ang nagtityaga sa ugali ko bukod kay mama. Wala eh, ganto talaga ako, tahimik, pili lang kung magsalita, laging parang galit, pero gwapo at matangkad. Matalino din naman ako, saka never ako nataas ni Bea dahil kahit ganito ako, lagi lang siyang number 2.
"Anong oras na ba?" tanong ko kay Bea.
"2am na animal ka!" sagot nito.
"Kaya pala mukha ka nang bruhang impakta ka!" sigaw ko sa kanya sabay kuha ng bag ko at talon sa bintana niya.
"Hoy bumalik ka ditong lalaki ka nang makita mo hinahanap mo!" sigaw nito pero bigo na siyang makahabol sa akin dahil mabilis akong tumakbo pauwi sa bahay, Anyways, sa may kabilang kanto lang naman ang bahay namin kaya sakto lang.
Nang makarating na ako sa bahay ay agaw akong umakyat sa kwarto ko at nagbabasa ng paborito kong libro. Habang ginagawa yun, naisip ko naman yung panaginip bago ako gisingin ni Bea. Parang totoo kasi ehh, may nakita akong isang sanggol na buhat buhat ng isng babae. Yung pakiramdam na parang ako yung sanggol na yun pinaghehele sa hangin, kakaiba yung pakiramdam kasi parang kilala ko yung babae kahit hindi ko nakikita yung mukha niya at sa tuwing lilingon ako sa paligid ay puro bulubundukin ang nakapalibot sa amin at tanging isang puno at isang lalaking paparating na may hawak ng libro ang tanging nakikita ko.
R---I---N---G ........
R---I---N---G ........
BINABASA MO ANG
The Duke
RomanceKwento ito ng dalawang lalaking hindi alam ang gender preference nila dahil alam naman nilang pareho ang kahihinatnat ng mga magiging desisyon nila kung sakaling itutuloy nila ang nararamdamang hindi naman DAW dapat. Pero ang tanong, hanggang kelan...