Christmas Special: A Day to Flirt
Pasko na naman. Paskong di nacrushback. Feel mo rin yun? Deserve. Charot.
Andito na naman ako sa bahay ng kaibigan kong si Levi para maki-chika at makikikain ng handa nalang leche flan at mango float, nakakagutom rin mag chika kaya magandang may dessert.
Buti pa 'tong baklang to may lovelife. Umarangkada sila ni David matapos mag confess noong malapit na mag tapos ang klase kaya ngayong college ang saya saya.
Pareho naman kaming nag confess pero bakit siya lang ang masaya? Hays sana all, pretty. Sana all kamahal mahal. Sana all talaga.
Hindi rin naman ako na reject ni Marcus kaya nagpapasalamat rin ako nun, pero like after I confess my feelings to him, he just smiled at me? Ano yun? Smile means yes?
Pero hindi naman kasi niya ako finiflirt after nun eh kaya feeling ko rejected. Pero siya pa rin crush ko. Cutie kaya niya tsaka ambait.
So ayun na nga puro na naman lovelife niya ang nakwento. Kung paano siya alagaan ni David, kung saan sila gumala at kung gaano kalakas yung pagmamahalan nila. Nakakainggit.
"Alam mo, pinapunta mo ba ko rito para may ka chika o gusto mo lang ng may maiinggit?" nayayamot kong tanong sa kanya.
Lakas mang-inggit eh. Tss.
"Hala naichika lang eh. Tsaka ikaw ang pumunta rito di kita pinapunta rito diba?" nagtatakang tanong niya na kinainis ko. Oo nga pala ako pala pumunta rito sa kanila.
"Ganun na rin yon. Alam ko namang gustong gusto mo rin akong pumunta rito eh. Pero sige uuwi nalang ako para namang ayaw mo akong nandito."
"Oy di naman! Gusto ko ito naman madaling magtampo."
Nagcross arms ako para kunyari nagtatampo ako tapos kukuha siya ng dessert at makakain na naman ako ng mango float nila.
"Gusto mo kain tayo ng mango float? O gusto mo yung leche flan?" pumunta siyang kusina tapos kumuha na ng mangkok para lagyan ng dessert.
'Yes!' isip isip ko.
"Ito na mare! Bitter mo naman masyado eh." Balik niyang upo tapos kumain na rin.
"Suss ikaw rin naman nang iinggit. Oo na ikaw na may lovelife!," irap ko sa kanya at sumubo na ng mango float. Ang sarap talaga. "Buti pa mag mall tayo," suggest ko. Syempre libre niya, charot. May pera nman ako.
"Ay bet! Sige, wait papaalam ako kay boo." Napairap na naman ako sa kanya na nginitian lang niya.
"Dalian mo! Alam kong magbibihis ka pa kaya wag ka nang lumandi! Bihis na!" sigaw ko sa kanya na tinawanan niya lang at umalis na para magbihis.
Buti nalang talaga marami ang dinala niyang mango float, kahit magtagal siya masarap pa rin naman buhay ko. Alam kong magtatagal pa yun kaya inenjoy ko na ang pagkain rito.
Mga 20 mins siguro yun ay lumabas na siya at natapos ko na ring naubos yung isang Tupperware ng mangofloat.
"Yan na lang susuotin mo?" tanong niya sakin na tinanguan ko lang at lumabas na kami ng bahay nila.
Habang naglalakad kami ay marami kaming napag usapan tulad ng kung ano-ano ang bibilhin niya hanggang sa nasa tapat na kami ng bahay nila Marcus, yung crush ko.
"Wala ba sila Marcus ngayon? Parang walang tao bahay nila, tingnan mo," Tumingin kami sa tahimik na bahay nila Marcus at nakitang nakasirado lahat ng bintana at pinto.
"Wala sila tita pero andiyan naman si Marcus. Di mo ba nakita yung story niya kahapon?" nagtatakang tanong niya sakin na akala mo naman eh dakilang stalker ako ni Marcus eh noon lang naman yun.
YOU ARE READING
Remy Encounters
Short Story"𝐈 𝐡𝐞𝐥𝐩 𝐦𝐲 𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐬 𝐬𝐨𝐥𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞𝐢𝐫 𝐩𝐫𝐨𝐛𝐥𝐞𝐦𝐬, 𝐈 𝐰𝐨𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐢𝐟 𝐬𝐨𝐦𝐞𝐨𝐧𝐞 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐡𝐞𝐥𝐩 𝐦𝐞 𝐬𝐨𝐥𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐧𝐞." Remy Antonio Ramos.... This story revolves on the experiences of Remy with his friends...