Prologue

4 1 22
                                    

Prologue

A long deafening silence prevailed within our class as our advisory teacher entered the room. Paanong hindi sila magiging ganito katahimik kung ubod ba naman ng gwapo ang aming magiging advisory teacher, para siyang isang anghel na bumaba ng langit. No one can describe his beauty even I was mesmerized with his beauty.

Sandaling natigil ang kanilang pagpapantasya ng tumikhim si sir para kuhanin ang aming attention.

“Good morning, class!” He greeted us with all his might as a friendly smile plastered on his lips.

Sabay-sabay naman kaming tumayo para batiin rin siya,“Goooooood morniiiiing sir!”

Nasilayan ulit namin ang kaniyang makalaglag panty na mga ngiti bago siya nagsimulang magsalita, “You may take your seat now.”

Inilibot niya muna ang kaniyang tingin sa amin bago nagsimulang magpakilala, “I'm Jhon Daken Villanueva, your class advisory for your last year in junior high. You can call me sir JD.”

Potek! Ayan na naman yang pamatay na ngiti ni sir siguro kung hindi lang namin siya teacher baka naging crush ko na rin siya. Kaso bawal! Sayang hahaha...

Most of my classmates threw a lot of question to him na ang ilan na nga ay masyado ng personal tulad na lang kung 'single pa ba si sir JD?' at kung 'bakit ang guwapo raw ni sir?' like wth kailangan pa ba talagang itanong yan? Ang landi ah! Kamuntikan ko ng paikutan ng mata ang mga classmates kung nagtanong nun sa kaniya kung hindi ko lang naalala na 'good girl' nga pala ang title ko sa school namin.

Ewan ko ba sa kanila ilang beses ko naman ng ipinaliwanag sa kanila na hindi naman ako tulad ng iniisip nilang 'good girl' na pasaway at nakakagawa rin ng mali paminsan-minsan pero pinagpipilitan pa rin nila na iyon ako. Napagod na rin siguro ako sa paulit ulit na pagpapaliwanag sa kanila kaya sa huli hinayaan ko na lang silang isipin ang gusto nila.

“Okay enough with your questions about me. Since ito ang first meeting natin I want to know you,students. So, let's have a fun activity called 'Introduce Me'” Marami ang natuwa sa sinabi ni Sir JD pero agad rin naman iyong napalis ng ipaliwanag ito ni sir.

Bago pa man makapagsalita ang ilan sa amin ay agad na itong pinigil ni sir JD, “But wait! There's a thrill...”

Inilibot niya ulit ang kaniyang paningin sa amin while we are patiently waiting for him to continue. Seryoso siyang tumingin sa amin at nagpaliwanag.

“Introduce Me... Since magkakakilala na naman na kayo at ako na lang ang hindi pa nakakakilala sa inyo, you are going to introduce not yourself but your partner. Yes, you heard me right? This activity is a partner by partner and that will be boys and girls. You are going to introduce your partner and vice versa. No more buts, just do your activity. Am I clear?”

Nagkatinginan ang lahat dahil sa sinabi ni sir na animo'y nag-uusap ang kanilang mga mata. Marami ang tutol sa sinabi ni sir JD pero wala naman kaming magawa dahil mukhang hindi na mababago ang desisyon nito.

Potek! Kapag nagkataon sinong partner ko? Si crush kaya pwede?Ay shet! Nagiging maharot na rin ako, parang nahahawa na ako sa kaibigan kong si Zanaya. Ayoko ng ituloy nakakahiya baka mahalata niyang crush ko siya saka wala akong lakas ng loob na ayain siya kaya napabuntong hininga na lang ako. Ganon naman parati... Ang lakas ng loob ko sa isip ko pero kapag nandiyan na siya parang pinanghihinaan na ako ng loob, para akong natatanga na ewan.

“But sir!” Lakas loob na protesta ni Sarah na sinang-ayunan naman ng lahat pero bago pa man nito maituloy ang sasabihin niya ay agad na itinaas ni Sir JD ang kaniyang left hand hudyat na itigil nito ang pagsasalita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Got Lost and Found!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon