BESTFRIEND
Masaya yung feeling na may bestfriend ka. Yung alam mong sa sarili mo na bukod sa pamilya mayroong isang tao na hinding hindi ka iiwan at magmamahal sayo. May tao kang malalapitan tuwing may problema ka, yung taong magpapasaya sayo pag paiyak ka na at higit sa lahat yung taong nakakakilala sayo ng lubos.
Natatawa na lang ako sa ibang nagsasabi na may dalawa o tatlo silang best friend. Dapat ang best friend isa lang yan sa buhay mo, kaya nga best eh, best among the rest. Mahirap magkaroon ng bestfriend dahil hindi lang yan basta label. Hindi porket parehas kayo ng mga gusto, hindi porket lagi kayong magkasama, dapat ang bestfriend ay yung taong kasama mo sa hirap at ginhawa. Yung taong hindi ka iiwan, sa galaan man o sa guidance.
Yang taong yan, meron ako niyan. Ipinagmamalaki kong meron akong Gian Marquez sa buhay ko. Ang bestfriend kong kasama kong lumaki at partner ko sa lahat ng bagay.
Masaya akong kasama siya at alam kong ganun din siya. Kaya lang may malaki akong problema. Itong puso ko kasi ayaw magpapigil. Ilang beses ko ng sinubukan pero habang pinipigilan ko mas lumalalim. Cliche na nga daw ang pagkakagusto sa bestfriend mo. Naniniwala ako doon. Naalala ko pa nung nanood kami ng movie nila marvin at jolina. Nakalimutan ko na yung title pero may scene doon na tumatak saakin.
"Oh yes! kaibigan mo ko … kaibigan mo LANG ako … And that’s all I ever was to you Ned – you’re best friend. Takbuhan mo kapag may problema ka … Taga-sunod … Taga-bigay ng advice … Taga-enroll … Taga-gawa ng assignment … Taga-pagpatawa sa iyo kapag nalulungkot ka … Taga-tanggap ng kahit na ano … And I’m so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my best friend … Dahil kahit kailan hindi mo naman ako makikita eh … Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan …"That's the famous line of jolina. Sakto dun sa huli. Hindi naman kasi ako inaalipin ng bestfriend ko eh, isa pa mas mayaman si gian sa akin. Pero yung part na nahulog ako sa kanya at yung part na sinabi na hindi mo ko kayang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan... ang sakit. I'm not expecting anything. Hindi ako umaasang gaya ng love story sa palabas na yun ang magiging ending namin dahil sa palabas lang naman nangyayari yun. Ayokong umasa kasi alam kong masasaktan lang ako. Bestfriend niya lang ako at dapat bestfriend ko lang din siya. Yun yung sinabi niya after naming panuorin yung palabas na yun. Hanggang bestfriend lang.
Ginawa ko lahat para mawala yung feelings ko na to. Ayoko nito. Maraming mawawala pag hindi ko to pinigilan. Ayoko pa namang mawala yung friendship namin at lalo na siya. Sinabi ko na sainyo, sinubukan ko talaga pero wala eh ayaw makinig ng puso ko kaya pinili kong itago na lang ito.
3rd year high school kami nun ng hindi na kami maging classmates. Oo nakakagulat dahil consistent kaming classmates. Partners sa lahat. Hindi ko akalaing magbabago ang lahat. Alam ko naman na may mga bago na kaming mga kaibigan pero stay strong pa rin ang friendship namin. Yun nga lang naging famous siya bigla. Given na naman na gwapo siya. Matangkad din at maputi. Yung katawan nga nun pang bench body! hahaha ! Tama lang siya, hindi siya yung may mga sobrang muscle hindi rin siya payatot. Tama nga lang. Hindi ako manyak! Talagang ganun lang kami kaclose.
Don't get me wrong, one of the boys kasi ako. Ashley ang pangalan ko pero Ash ang tawag sakin. Hindi ako sexy sakto lang din, hindi rin ako maganda pero hindi ako pangit. Tshirt girl ako. I don't wear dresses at heels. I also don't do make ups. Jeans at snicker type lang ako kung manamit. Ayoko ng idescribe ang sarili ko. Back to gian.
He got the looks, confident din ang hype na to. Varsity siya pero yun nga sumali siya bigla sa Dance troupe kaya mas naging famous siya. Kung dati peymuth lang siya ngayon talaga famous na siya.
Sa lahat ng yun sinorpotahan ko siya. Minsan nga ginagabi na kami ng uwi syempre lagi akong kasama sa practice eh. Ayaw kasi ng mga kuya kong umuwi ako magisa baka daw marape ako tsk tsura kong to? pero ipinagkatiwala nila ko kay gian. Lalaki din siya pero di kami talo sabi niya. Medyo masakit yun. Sino nga naman ang magkakagusto sa akin. Si gian nga di ako napapansin yung iba pa kaya?
Ganun lang ang naging routine namin pero nung summer naging bihira pa lalo ang pagkikita at paguusap namin. Ma at pa na lang ang sinasagot ko sa mga kuya ko pag tinatanong kung nasaan siya. Nakasanayan na kasing tuwing summer naglalaro kami ng basketball. Oo kasali ako magaling ako eh.
Isang gabi hindi ko alam pero bigla na lang akong kinabahan. Nagonline ako sa facebook at bigla niya akong chinat.
Gian: Ash!! may surprise ako sayo!
Ash: Ano na naman yan? -.-
Gian: basta! punta ka sa profile ko!
Ash: Ayoko hindi ako kasya sa screen! XD
Gian: Ge po -___-
Ash: Ano ba kasi yun? siguraduhin mong maganda yan! kundi babatukan kita!
Gian: Nays! promise maganda talaga! ;D
BINABASA MO ANG
One Sided Love
RomancePara sa mga taong nagmahal, nagmamahal at magmamahal ng palihim sa taong hindi kayang suklian ang pagmamahal na ibinigay sa kanila. One sided love ika nga nila. Ikaw? One sided din ba ang pagmamahal mo?