Chapter One
"ikaw maxene? hindi ka pa ba uuwi. malapit ng gumabi. delikado pag naabutan ka pa ng dilim, sumabay ka na kaya samin?" sabi sakin ng isa kong kaklase ng makita nya akong nakaupo sa isang bench malapit sa gate ng paaralan na pinapasukan namin.
nginitian ko lang sya "may iniintay pa ako patrick. mauna na kayo. salamat na lang" lumapit sya sakin "mag iingat ka maxene, nabalitaan mo naman siguro ang nangyari kay cynthia. sige mauna na kami"
tanaw tanaw ko na lamang silang paalis. si cynthia? isa naming kaklase na ginabi ng uwi at bali-balita sa amin na panandaliang kinuha daw ni kamatayan. ayun sya ngayon, hindi pinapalabas ng mga magulang. at kung ako naman ang tatanungin. HINDI AKO NANINIWALA! dahil kung si kamatayan nga ang kumuha sakanya. malamang sa alamang ay hindi na sya makakabalik.
"prince, ako na kasi ang magdadala ng bag ko. nakakahiya naman sayo!" boses ng babae, pero may binanggit syang pangalan.
si prince!!
tumayo na ako sa pagkakaupo ko. laking gulat ko na lang ng makita ko silang dalawa....
na naghahalikan!
tumakbo na ako, yung mabilis na mabilis. madilim na din kaya walang makakakita ng mga luhang pumapatak mula sa mata ko. ang sakit. gusto kong magwala! magwala ng magwala. gusto ko ng mamatay sa sobrang sakit ng nararamdaman kong makitang may iba na ang taong akala ko sakin na habangbuhay.
PEEP! PEEP! PEEEEEEEEP!
"oh my god! buhay pa ba tong babae?"
"hindi ko alam, magmadali na tayo. baka may makakita pa satin"
mabilis na umalis ang dalawang lalaking may ari ng kotse.
ako yun!
ako yung nasagasaan nila.
katawan ko yun!
katawan ko yung nakahandusay sa kalsada.
ayoko pang mamatay!
ayoko pa!
"bumalik ka na!" napakalamig ng boses nya. lumingon ako sa tabi ko!
gulat na gulat ako
nakikita nya ako?"sino ka?" tanong ko. nakasuot sya ng mahabang itim na damit at kung hindi ako nagkakamali ay isang KAPA at may dalang karet. maputi sya, pantay pantay ang ngipin, mapula ang labi ngunit kakaiba ang mata nya na hindi ko maipaliwanag.
"hindi pa sa ngayon. binibini" ngumiti sya, kung kayat kinilabutan ako imbis na kiligin. dahil iba ang ngiti nya sa natural na ngiti. "kaya naman bumalik ka na sa katawan mo. at sa uulitin, wag mong pabilisin ang buhay mo, dahil maaaring magkatotoo ang iyong mga hiling ano mang oras binibini"
"hindi kita maintindihan, ano bang pinagsasasabi mo, saka sino ka. panaginip lang ito diba. panong--"
"hanggang sa muli nating pagkikita"
pumitik lang sya sa hangin ng bigla akong pinanghinaan at bumagsak na lamang. hindi ko na alam ang nangyaring sunod.
***
"oh anong sunod na nangyari?"
"nabalitaan kong namatay si cynthia, paglabas ko ng ospital"
"ohmygod! pano yan maxene. hindi ka ba kinikilabutan? pano kung--ANO BA MAXENE, MAGDAHAN DAHAN KANG HAYOP KA. AYOKO PANG MAMATAY!!"
kinalabit ko kasi yung gatilyo ng baril na kanina ko pa inaayos at pinupunasan. ilang centimeter na lang siguro at tatamaan na yung tenga nya, daplis kasi sa buhok nyang hanggang ngayon nausok pa. tapos na lang akong magligpit ng mga baril wala pa syang nagagawa. napaka ingay nya kasi, "mag aalas onse na kasi wala ka pang natatapos sa gamit mo. aalis kang bibig ang dala mo?" mataray na sabi ko sakanya.
"suuus! bitter ka lang kasi kay prince---PAKING TAPE KA MEXENE. HUMANDA KA SAKIN MAMAYAAAAA!
naisarado ko na yung pinto bago pa nya ako mabato. ang kyut nya talagang pag tripan. bestfriend ko kasi sya! at sya lang ang nakakausap ko sa trabaho ko.
bitter daw ako. kahit na ilang taon na ang nakalipas. sya pa din e! bago ang lahat ng yan ako nga pala si maxene rafael
isa akong killer sa oragnization na pinasok ko, hindi ng anay, daga, ipis o kahit na anong uri ng peste o maging ng kuto. killer kami, ng tao!
konsensya? wala ako non. mas hudas pa sakin ang mga pinapatay ko, so bakit pa ako maaawa sakanila?
"rafael. tawag ka ni third"
mabilis akong nagpunta sa office ni third. ang pinakapinuno ng grupo. sya ang bumuo at patuloy na nagmamanage ng organization. may anim syang taong higit na pinagkakatiwalaan. at isa na ako doon!
hindi na ako kumatok. derederetso na akong pumasok sa loob.
pagpasok ko sa loob ay may isang babae na kahalikan si third. oh well. anong bago, nagtataka nga ako kung bakit isa lang e. dati rati kasi hindi bababa sa lima ang babae nya sa loob ng office.
"booom"
"omygosh!" edi natigil sila. baka kung saan pa kasi mapunta e. kaysa magputukan pa sila mamaya, e ako na ang unang nagpaputok.
"how dare you to shoot me. bitch!" galit na galit na sabi ng babae ni third. samantalang si third ay parang wala lang nangyare. nagpunas lang sya ng labi nya at inayos ang kwelyo ng damit nya. normal lang!
"yan na ba yung bago mo third? bakit mukang luma" gago ba ang dating ng sinabi ko?
"sya ang nagiisang anak na babae ng mga buenavides" matipid na sagot nya.
BUENAVIDES!
nilipat ko ang tingin ko sa babae. kawawa naman sya, dahil isinilang syang isang buenavides. napatingin din sya sakin!
"fuck yo-aaaaa!"
"I'd never thought you would do that" si third.
tinignan ko lang ang katawan ng babae sa sahig
"uubusin ko ang lahi nila, ako na lang ang maglilinis ng kalat mamaya, bakit mo ba ako pinatawag?"
" nakita ko na ang nawawalang anak ng mga buenavides"
inuulit ko. uubusin ko talaga sila!
"sino? at nasaan sya?" ikinasa ko ang baril na hawak ko habang sinisipat ang bunbunan ng babaeng nakahilata sa sahig.
"si prince, si prince abadia ay isang buenavides"
baaaaang!