chapter two
"mama, maniwala ka sakin, nabunggo ako kanina, nakahandusay na ako sa kalsada. mama makinig ka naman sakin--"
"manahimik ka nga maxene! dinala ka sa ospital dahil sa nahimatay ka sa sobrang gutom at pagod. anong nasagasaan ang pinagsasasabi mo jan? magpahinga ka na nga lang!"
tumahimik na lang ako, hindi totoo ang mga nalalaman ni mama. alam ko ang totoong nangyari, at ako lang din ang makapagbibigay sagot sa lahat ng tanong ko. papaanong nandito na ako sa ospital. papaanong narito na naman ako sa katawan ko. may mali sa lahat! may mali.
umidlip muna ako at gabi na ako ng magising.
nilibot ko ang paningin ko. nandito pa din ako sa ospital. nakakatakot kaya pinilit kong matulog ulit.
pero hindi na ako makatulog, yung mga pinsan kong kanina pa nagbabantay sakin dito sa loob ng ospital ay kanina pa humihilik.
kasabay ng tahimik na paligid ay ang pagbabanta ng malamig na hangin sa balat ko.
mahina ang aircon, sarado ang mga bintana at maging ng nag iisang pinto sa kwartong ito
kinikilabutan ako, palakas ng palakas ang hangin.
palamig ng palamig.
"ate? kuya?"
sumisigaw ako pero bakit hindi man lang nagigising ang mga tao sa paligid ko.
"ate, kuya! tulungan nyo ako!! ate, kuya!" umiiyak na ako sa sobrang takot dahil mukhang walang naririnig ang mga kasama ko
sa isang iglap, biglang nagdilim ngunit nabawi din ang dilim nang biglang lumiwanag, kasabay ng pagsulpot ng liwanag ay ang pagsulpot din ng isang nilalang...
isang nilalang na minsan ko nang nakita...
papalapit sya ng papalapit...
lumapit ng lumapit...
hanggang sa iilang sentimetro na lamang ang agwat ng aming mga mukha.
"ikaw yung....."
"magandang gabi, binibini"
***
"thank god nagising ka na" si georgina. bestfriend ko.
inabutan nya ako ng isang basong tubig. hinihingal ako, yung para bang ilang oval ang tinakbo ko bago magising. naramdaman ko din ang mga malalamig na pawis na namumuo sa noo ko hanggang sa tumulo na. nangingilabot ako!
"si dark na naman ba?" tumango ako. si dark. bansag namin sa nilalang na matagal ko ng gustong gustong makausap. laman sya ng panaginip ko maging ng utak ko sa tuwing maaalala ko ang nakaraan ko. isang bangungot na hindi ko malaman. wala pang nakakasagot sa mga tanong ko.
" max, pabayaan mo na yun. wag mo ng masyadong isipin" nag aalalang payo nya.
nanatili na lang akong tahimik. hindi yun panaginip. nangyari talaga yun nung time na nasa ospital ako, sino ba kasi ang lalaking yon.
ayoko ng isipin pa yon.
"totoo ba?" tanong sakin ni georgina. nandito pa pala sya, akala ko pumutok na namang parang bula na madalas nyang ginagawa.
tumango ako, alam ko naman kung anong gusto nyang malaman. ang tungkol kay prince.
"pano na yan! anong balak mo?" ano nga bang balak ko? "hinanap mo ang mga buenavides para paghigantihan" tama si georgina. hinanap ko sila para pagbayaran ang ginawa nila sakin. "pero hinahanap mo din si prince for some reason" rason na sa sobrang tagal ko ng naging tao, e hindi ko pa din alam kung ano nga bang rason ko. ano nga ba talaga? "hey! are you out of your mind? kanina pa ako dada ng dada" tinignan ko ng masama si georgina. bwisit na to! epal.